Chapter 5

975 24 1
                                    

CHAPTER 5: WHAT? DATE HIM??

After namin kumain ay pumunta na agad kami sa School Building. Pare-pareho kasi kaming lahat ng subject ngayon, Filipino. So, ayun ang saya-saya ko.. first time ko kasing makakasama sa isang room sina Jihae, Jiyoung at Yura. Samantalang sina Sheena, Carl at Minah ay nakasabay ko na. Hindi namin ngayon kasabay si Carl, may gagawin pa raw kasing importante. Habang papunta na kami ron ay grabe naman ang tsismisan nitong sina Yura at Minah.

Yura: Talaga? Break na raw sila? Kawawa naman si guy.

Minah: Yeah right! At ito pa ang mas matindi, sinampal niya pa sa mall! 'Di ang daming nakakita.

Yura: Napakademonyita naman nung babae. Grr!!

Jiyoung: Hoy! Kayong dalawa magsitigil nga kayo. Umagang-umaga walang ginawa kundi magchismisan.

Yura: Eh masaba ba?

Jiyoung: Ay hindi, hindi!! Pinag-uusapan niyo lang naman ang buhay ng ibang tao. Ang ganda niyo ngang role model sa amin eh.

Natawa na lang kami nila Sheena at Jihae sa kanila. Tsk. Malapit na kami sa Filipino Department nang..

Suzy: Bakit ang daming tao?

Jiyoung: Malay ko ba, dali lapit tayo.

Yura: Oh! Sinong tsismosa sa atin ngayon, ha?

Lumapit kaming lahat at   OHMYGOSH!

Jihae: Teka.. s-si Neil yung inaaway ni Kiseop ah?

Kami: Oo nga!

Nagtanong si Sheena sa katabi niyang babae kung ano nangyari. Sabi niya, nabunggo lang daw ni Neil si Kiseop, eh sakto namang nasa bad mood si Kiseop ~ kaya ayun.. inaway niya.

Psh. Grabe naman! Sana kung bad trip siya, wag syang mandamay. At ito pang mga ibang studyante, imbis na awatin sila ay nakatingin lang. Buti nalang at inaawat nina Mir, Kibum at Xander si Kiseop ang kaso hindi nagpapaawat eh.

Jihae: Naku, ano na ang gagawin natin?

Yura: Isumbong kaya natin sya sa Prefect?

Sheena: Sinong magsusumbong?

Makikita mo sa kanila na walang gustong magsumbong. Wala na akong choice, ako nalang ang aawat. Kaibigan ko kaya ang inaaway niya!!

Minah: Si Neil kasi di tinitingnan ang dinada-   SUZY, san ka pupunta?

Pumunta ako sa harap.

Suzy: Tama na nga yan!!

Napatigil si Kiseop, tiningnan nya ako.. galit yung makikita mo sa eyes niya. Hmp! Hindi na namin kasalanan yun 'no, girlfriend nya! Mga ilang minutes siguro at binitawan nya si Neil. Tumakbo ako sa kanya.

Suzy: Okay ka lang?

Hindi sumagot si Neil, oh my.. kailangan syang madala sa clinic.

Suzy: Oi ikaw! Mr. Kiseop. Tulungan mo kong dalhin sya sa clinic.

Maraming bulungan ang maririnig mo. 'Di siguro nila akalain na may mag-uutos dito sa hottie student na 'toh. Psh.

Kiseop: Ako? Sigurado ka?

Tinuro nya yung sarili nya. Tapos naka-smirk. -.-  Kanina galit ngayon naman... hayy!

Suzy: Oo! May iba pa bang Kiseop dito? Atsaka ikaw naman ang may kasalanan eh!

Kiseop: Excuse me, pero binangga niya ako?

Suzy: So? Dahil lang dun. Ang babaw! Nagsorry rin naman siguro sya ah?

Kiseop: Okay, fine! Tutulungan kitang dalhin sya sa clinic.

Bulungan ulit. This time may narinig na ako.. " Pumayag sya? "

Suzy: Oh ano pa ang inaantay mo, tulungan mo na akong buhatin sya, dali!

Kiseop: Sa isang kondisyon. Date with me.

Suzy: What? Date with you?

Kiseop: Oo.

Tapos binuhat nya na si Neil.

Suzy: No way!

Kiseop: Sorry, miss ah? Pero wala ng magagawa yang pag-tanggi mo. Kung tutuusin, maswerte ka nga.

Maswerte? Ako? Tsk. Pumayag kaya ako, tapos babawian ko sya? Tama.. igaganti ko si Neil. Haha! Evil ba?

Suzy: Okay. Pumapayag na ako. Sige na, dalhin mo na sya sa clinic.

Kiseop: Miss-

Suzy: Suzy. Wag mo na akong tinatawag na Miss.

Kiseop: Suzy.. sa pagkakalam ko.. dapat kasama ka. Pag di ka sumama, lagot ka sa akin.

Suzy: Oo na, sasama na ako.

So ayun. Pumunta na kami sa clinic. Bago pa kami makalayo ay tinawag ni Kibum si Kiseop.

Kibum: Pare, canteen lang kami.

Nag-nod lang sya tapos naglakad na ulit kami. Nakakatawa nga hitsura ntiong si Kiseop habang buhat-buhat si Neil.

Kiseop: Tch. Bakit ang bigat-bigat nito?

Suzy: Tama na nga yang reklamo. Bilisan na natin, late na ako sa Filipino.

Kiseop: Tch. Wala namang kuwenta ang Filipino eh.

Suzy: Kahit na!

Aish. Kanina ang saya-saya ko.. kasi makakasama ko na sila Yura sa isang room tapos---- yun pala itong mokong na to ang makakasama ko. Ang malas ko naman!

Campus CoupleWhere stories live. Discover now