chapter 22

1K 20 0
                                    

CHAPTER 22: HE'S JEALOUS?

KISEOP's POV:

Kibum: Kiseop, bakit parang di maipinta yang mukha mo ha?

Mir: Ano ka ba Kibum, may nami-miss lang yan. Nagde-deny lang.

Xander: Sa tingin ko nga rin eh, iwanan na kasi si Haeri. She's no good.

Mir: May kasabihan pa ngang.. "If you want to be together, you need to-get-her. Gets?

Kibum: Astig yun Mir ah! San mo nakuha?

Mir: Sa facebook!! Andame dun..

Kakatapos lang namin mag-dinner at andito kami ngayon sa dorm. As usual, lagi na lang nila akong pinapangaralan.. na dapat iwanan ko na raw si Haeri. Tch, ang daling sabihin pero mahirap gawin. Isa pa, nasasabi lang nila yung mga yun kasi di nila alam kung sino ba talaga tinitibok ng puso ko. Tch, drama! Siguro nagtataka kayo kung bakit di ko man lang sila pinapagalitan sa mga pinagsasasabi nila kay Haeri.. ewan ko rin ba sa sarili ko. Di ba dapat magalit ako kasi iniinsulto na nila si Haeri? Kaya lang, hindi ko magawa eh.. parang may mali talaga. Dati, makarinig lang ako ng isang insulto galing kay Haeri.. asahan mo ng disabled na yung taong nang-insulto bukas.

Ewan ko ba. May mali talaga sa akin. Tapos this past few days, parang hindi ko na kilala yung sarili ko. Sumusunod lang ako sa agos ng mga pangyayari. Kung ano yung gusto ni Haeri gagawin ko. Kung san nya gusto pumunta, sasamahan ko. Parang.. parang wala na yung spark sa amin.

Aaminin ko, sa mga times na ganito, yung lagi akong pinapayuhan nila Kibum na iwanan ko na raw si Haeri.. parang.. parang.. gusto kong gawin.

Ito pa ang pinagtataka ko sa lahat...

I miss SUZY badly!!

Pero syempre, kelangan pigilan.. meron na akong Haeri..

Syete, im contradicting myself again.. nagiging unfair na ako kay Haeri.

Huh! Pero yang Suzy na yan.. di man lang ako nami-miss. Syete, syete at syete talaga!!

May pasabi-sabi pa na.. "I LOVE YOU SO SO MUCH. I WILL ALWAYS LOVE YOU, FOREVERR.."

Huh, sinungaling!! Napakasinungaling!! Nakita lang si Minho, close na agad.. lagi ko ngang napapansin na sabay sila sa mag-recess.. pati sa lunch.. at pati na rin sa dinner!! Nakakarami na yang Minho na yan ha! At ito pa ang nakakainis, itong si Haeri.. pag-nakita silang magkasama dalawa.. mahahalata mong nagseselos. SYETE! Minho, napupuno na ako sayo..

TEKA LANG!! TEKA LANG!!

Bakit ba ako nagagalit dito? Tska, Kiseop.. baka nakakalimutan mo.. ikaw itong sinungaling.. may pasabi-sabi ka pang:  "I'LL ALWAYS TAKE CARE OF YOU, BABE.." .. hindi rin tinupad..

Eh kasi.. iba naman yung akin.. na-break lang yung promise kasi sinaktan nya si Haeri.. below the belt na yun!! Eh ano namang pinagkaiba ng kay Suzy?

Mabubuang na talaga ako nito... ARGH!! Kainis, kainis, kainiiiisss!!

Mir: Kiseop, wag!

Xander: Maawa ka sa unan!!

Kibum: Wala syang kasalanan..

Sinusuntok ko na pala yung unan ko. Kahiya lang ako rito. PROMISE!!

Kibum: *coughs* Alam mo Kiseop, kung galit ka sa isang tao.. wag mong kinikimkim.

Mir: Oo nga!

Kiseop: K-kanino naman ako galit ha!!??

Xander: Kay MInho..

Kiseop: Pano mo naman nasabi ha??

Campus CoupleHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin