mga 1 hour ko siguro inexplain ang lahat ng yun.. sobrang gulo raw kasi tapos ang bilis-bilis ng mga pangyayari.. pero sa huli.. 100% silang nasa likod ko. Sinabihan ko rin sila na kung pwede, librehin muna nila ang babe ko sa Jollibee para yung tatlo lang ang magkakasama ngayon. Ang galing ko no?

Okay, eto na.. palapit na kami sa kanila. Naramdaman ko na humawak si Haeri sa braso ko.. kinakabahan siguro.

Tumikhim ako para naman makita nila kami.

SHOOT! Ayun sabay-sabay silang napalingon sa amin. Ilang seconds lang kumunot yung mga noo nila.

Yura: Tara na nga girls, pangit na masyado ang view rito.

Kiseop: Yura, andito kami para magsorry.. makinig naman muna kayo sa amin o? Pls?

Please Yura? Please.. sincere talaga pagkasabi ko sa kanila.. kaya sana maniwala sila  sa amin.

Haeri: Yura, Jiyoung, Jihae.. alam kong marami na akong kasalanang nagawa sa bestfriend nyo.

Yura: Buti alam mo.

Di pa rin nagpatinag si Yura, pero itong si Jihae.. naramdaman nya siguro yung sincerity naming mag-sorry kaya pinatahimik nya si Yura. Napaiyak agad si Haeri sa sinabi ni Yura.

Haeri: M-magso-sorry naman ako sa kanya eh.. pero naisip ko na mas maganda kung sa inyo muna ako magsorry. Naging s-selfish kasi ako eh.. pero maniwala kayo sa akin.. nagsisisi na ako sa lahat ng mga kasalanan ko. Sorry talaga. W-wala na rin kami ni Kiseop..

Nagulat silang tatlo dun sa last na sinabi ni Haeri.. so i think its my turn..

Kiseop: Tama yung narinig nyo, wala na kami. Sila na ulit ni Minho.. arranged marriage kasi sila eh pero mahal naman nila ang isa't-isa. Ahm, sorry sa lahat-lahat, sorry kung h-hindi ako naniwala sa inyo lalong-lalo na k-kay babe.

Mga ilang minutes ng diskusyon, naniwala rin sila sa amin. Kaya naman, sinabi ko na yugn plano ko. Salamat at pumayag sila sa plano ko.

Yura: So aarte pala kami sa plano mo? Kelangan ng talent fee okay?

Kiseop: Ikaw naman o, parang wala naman tayong pinagsamahan.

Yura: Wala nga!

Nagtawanan lang sila sa amin, naging kami ni Yura dati.. pero 2 days lang ata? Nakalimutan ko na.. tska di naman seryoso yun.

Thank God dahil friends na ulit kaming lahat.. niyakap pa nga nila si Haeri eh.. si babe na lang!!

***

Suzy's POV:

Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Kibum, kagagaling lang namin sa Jollibee.. ewan ko ba sa apat na to! Hindi pa nila isinama sina Jihae..

Kibum: S-suzy?

Suzy: Why??

Kibum: Kung magso-sorry ba sayo si Kiseop.. matatanggap mo ba?

Suzy: S-syempre naman. Ang God nga nagpapatawad, ako pa kaya na tao lang?

Mir: Naks naman Suzy! Pero, paano kung sila pa rin ni Haeri?

Suzy: Kaya nga nagmo-move on na ako diba? Para hindi na ako makaramdam ng sakit..

Eli: Okey lang ba kung friends na lang kayo?

Suzy: O-okay lang.

Tapos.. nag-smile ako. A fake one. What can you expect, ang galing ko ata magtago ng feelings?

( talaga? e bakit napaiyak ka dati nung nakita mong magkasama si Kiseop at Haeri papuntang canteen? lol )

Kibum: Ang mabuti pa, magpatunog na lang tayo.

^___^

.

.

.

-_____-

Mabibingi na ata ako, eh paano kagaya rin pala nila si Kiseop kung magpatunog.. sobrang lakas ng volume eh, idagdag mo pang sumasabay sila sa kanta.

:"<

Na-miss ko na naman si Kiseop.. yung mga panahon na nakasakay ako sa kotse nya tapos nagpapatunog sya ng sobrang lakas.. ang weird no? Kasi kahit naiirita ako noon dahil nakakabingi na yung tunog ng radio nya eh nami-miss ko pa. TSK!

Mga ilang minutes lang ay nakarating na kami sa dorm. Nag-thank you muna ako sa kanila bago nagba-bye.

Pagpasok ko sa loob ng dorm.. lahat sila nakangiti.. as in kitang-kita mo na yung mga ngipin nila. Ano to? Mage-endorse ba sila ng toothpaste?

Yura: Hi Suzy! Pa-hug nga!

Jiyoung: Ako rin, pa-hug!! ;D

Jihae: Ako rin!!

Ayun, lahat sila nakayakap sa akin. Ano bang meron??

Suzy: Ano bang nakain nyo at ang sweet nyo ngaun.

Yura: Chocolates! Siguro nahawa kami sa tamis ng chocolate.

Jiyoung: Eto o, para sayo.. actually pinabibigay ng secret admirer mo.. nakikain lang kami.

Jihae: Sobrang dami kasi eh, kaya naisip namin na tulungan ka na lang namin.

Secret admirer? Naks! Meron ako nun? Akalain nyo!!

Suzy: Ako? Merong secret admirer?? Sino??

Yura: Kaya nga secret admirer eh, kasi secret!!

Suzy: Sorry na, curious lang naman ako eh. >_<

Yura: Malalaman mo rin kung sino.

Jihae: Pagdating ng panahon.

Suzy: Ang weird nyo ha~ Super!!

Nagpalit nalang ako ng pambahay at humiga sa kama ko.

Suzy: Hindi na ako magdi-dinner.. nakakain na ako eh.

Yura: Ay!! Ang daya!!

Suzy: Sorry naman. Sige na, dinner na kayo.

Jiyoung: Okay lang, ikaw lang mag-isa rito?

Suzy: Okey lang, ano ba kayo!

Ayun, umalis na sila para kumain ng dinner..ako naman naiwang nagmumokmok. Naaalala na naman si Kiseop habang kinakain ko yung chocolates na bigay raw sa akin ni secret admirer.

Pano ba kasi, etong chocolate na ito ang binibigay sa akin ni Kiseop dati kung wala ako sa mood.


Teka, hindi kaya kay Kiseop ito galing??

Hayy, nangarap na naman po mga kaibigan si Suzy.. :((

Pagbigyan nyo na ha? POV ko naman to ee.

Campus CoupleWhere stories live. Discover now