Napansin ko rin na friendly sya, hindi lang naman kasi ako ang pinapansin nya. Kinukulit nya rin yung mga nasa harap namin.. kilala rin sya ng karamihan.. well, sikat naman sya sa school diba?

Siguro sa sobrang kakulitan na rin, tatlong beses ata sya tinawag ng teacher para tumahimik. Napapakamot lang sya ng ulo nya.

Nung nag-chime na, lumapit na ako kaagad kina Yura. Hindi na nga ako nakapagba-bye kay Minho kasi nga may kinukulit pa sya.

Yura: Oi ikaw, hindi mo man lang sinabi na close na pala kayo ni Minho ha? Naks naman! Na-erase na ba si Kiseop?

Suzy: Yura naman, friends lang kami nun. Hanggang dun lang.. tska close? Hindi pa kami close no! Kanina ko lang nga sya nakilala nung nabangga ko sya.

Yura: Wow, nambabangga ka na ngayon ha?

Suzy: Aksidente yun no! Tara na nga sa canteen, uhaw na ako eh.

Nagsmile lang sa akin si Yura tapos sinabing papalapit na raw si Minho sa amin. Ako naman ngumiti lang sa kanya. Bigla syang nag-stop sa harapan ko. Nakita ko naman sina Kiseop at Haeri ( kasama nila sina Mir ), sa gilid ng mga mata ko, napansin ko lang ha, nakakunot yung noo nya. Nagseselos ba sya?

Nah! Nangarap ka na naman Suzy?? Wake up!!

Minho: Ahm, pwede bang sabay tayo magmirienda? Libre ko!

Suzy: Ahh, ano kasi eh.. may mga kasabay ako.. okay lang?

Minho: Sure, sinu-sino ba?

Lumingon ako kina Yura, nasa likod ko silang tatlo..

Suzy: Si Yura, Jiyoung, at Jihae.. Nga pala.. girls, si Minho.

Minho: Hello sa inyong tatlo..  tara sa canteen.. libre ko.

Yura: A-ano kasi, m-may pupuntahan pa kami ni Kibum eh. Sorry kung di ako makakasabay.

WHHOOOSHH~ ayun, tumakbo sa tabi ni Kibum. Si Kibum naman parang nagtaka kung bakit lumapit sa kanya bigla si Yura. Asows, palusot lang yun.

Jiyoung: A-ako rin eh, hindi ako makakasabay.. pinapatawag pala ako ni Sir, may meeting daw ang band members.. kitakits nalang mamaya.

WHHOOOSHH~ meeting para sa band members? biglaan naman ata. Baka palusot na naman yun, nakakahalata na ako ah!! Para atang gusto nilang magsolo kami nitong si Minho.. kakasabi lang nga na friends lang kami eh!

Suzy: O ikaw Jihae, wag mong sabihin na di ka rin pwede?

Jihae: Tama ka jan! May isosoli kasi ako sa Library na aklat eh. Tapos may hahanapin pa akong aklat..kaya next time nalang. babye!!

WHHOOOSHH~  Ayun, tumakbo papuntang library. Kaya.. no choice, kami lang ni Minho ang pupunta sa canteen.

Minho: Busy pala mga kaibigan mo 'no?

Suzy: Yeah, nagbi-busy busyhan!! Tara na nga, libre mo ha?

Minho: Oo nga eh, kulit neto!

-

Minho: Ano number mo?

Suzy: Ikaw, ano number mo?

Minho: Ako nauna nagtanong, sagutin mo muna ako.

Suzy: Ako huli nagtanong, sagutin mo muna ako. :P

Minho: Ang kulit!

Suzy: Joke lang. 09********* ~ na-save mo?

Minho: Okay. Miss Kulit!

Suzy: Don't tell me Miss Kulit ang nakasave na pangalan jan sa contacts?

Campus CoupleWhere stories live. Discover now