Lumabas sa banyo si Jiyoung at sinabing malapit na raw maubos ang toothpaste, shampoo, conditioner at ilang mga gamit namin.

Jihae: So kelangan pala nating mag-grocery ngayon.

Jiyoung: Tapos after nun, nuod naman tayo ng sine.

Yura: Yes! Laag na naman.. dapat lang no! One week tayong nagpakahirap mag-aral para sa next week exam.

Suzy: EXAM? Paano ako?

Jihae: Di ba sabi mo nakaexam ka na ng second grading dun sa dati mong school? Sa tingin ko hindi mo na kailangang mag-exam uli.

Hayy, nakahinga ako ng maluwag. Walang exam.

Yura: Suzy, wala ka na ba talagang balak sumulpot sa date nyo?

Suzy: Wala.

Nagkibit lang sya ng balikat. After naming maligo lahat, pumunta kami agad sa Mall at bumili ng mga gamit namin sa dorm. Kanya-kanya kami ng basket, natawa nga ako sa basket ni Jiyoung eh.. punong-puno ng mga curls.

After namin mag-grocery, bumili muna kami ng popcorn at donuts bago pumunta sa sinehan. Naenjoy talaga ako habang nasa sinehan, paano itong si Yura mas pinapakialaman pa yung mga mag-syota sa loob ng sine kesa sa movie.

Yura: Eeeh! Tingnan mo yun Suzy oh! Kanina pa sila naghahalikan

Pagkatapos nung movie ay dumiretso kami sa Jollibee at kumain ng lunch. Mageenjoy ka talaga pag sila mga kasama mo, ang daming mga joke eh. Si Jihae nga nilagay yung dalawang fries sa gilid ng ngipin nya, nagmukha tuloy syang bampira na may mahbang pangil. LOL!

Bago kami umuwi ay nagvideoke muna kami, pero dun sa isang room kung saan kaming apat lang ang nandoon. Well, since walang nakakakita sa amin sayaw kami ng sayaw ng kung anu-ano habang kumakanta. Minsan pa nga iniiba pa yung lyrics.

Yura: YO! Isabaw mo sa hangin ang ihi ng kambing. Liwanag sa dilim~ ooh!

After ng mga 8 songs na nakanta namin. Napagdesisyunan na naming umuwi sa dorm. Sumakay kami ng taxi at mga 10 minutes ay nandito na kami sa school.. naglakad kami papunta dorm. Nung nasa gate na kami ng dorm for girls ay bigla naming nakita si KISEOP..

Well. uhm, hindi naman siguro sya galit ano?

MALI! OMG! Feeling ko talaga galit sya sa akin. Kasalanan ko ba?

Kiseop: I want a word from you, Suzy.

With that, tumalikod na sya. PATAY! Teka, bakit ako kinakabahan.. wala naman akong dapat ikabahala ha?

Jihae: Suzy, sundan mo na sya. Ingat.

Hindi ko alam pero sinundan ko rin sya. Pumunta sya sa canteen at umupo dun sa pinakalast na table.

Kiseop: Upo!!

Umupo rin ako agad. GOD! Hindi ako tumitingin sa kanya, nakakatakot yung mga mata nya. Sa shoes ko lang ako tumitingin.

Kiseop: Explain.

Suzy: Huh?

Kiseop: Tingnan mo ako and explain kung bakit di mo ako sinulpot? NAGHINTAY LANG NAMAN AKO NG 3 HOURS!

Napatingin ako sa kanya, na-naghintay sya ng 3 hours? Eh tanga rin pala eh, sana hindi na lang naghintay.

Suzy: Uhm.. Sorry. I-i forgot!

Kiseop: Psh. YOU FORGOT?! Ang galing. sobrang galing. Baka gusto mong i-bully ko ulit yung nerd mong kaibigan?

Suzy: WAG! Huh. Alam mo ikaw, ang sama sama mo. Sobrang hangin pa!

Kiseop: Salamat. Uhm, since pinaghintay mo ako hindi na ako nangangako na kapag nabangga ako ulit ni Neil baka hindi lang pasa ang makukuha nya. Yung Neil na yon, sampung beses na ata akong nababangga at hindi na nakakatuwa.

Suzy: Ang sama-sama mo. Youre unbelievable!

Kiseop: I know.

Kalma Suzy. Kalma. Hingang malalim. Now think? Bubugbugin na naman nya si Neil kapag nabunggo na naman nya tong Mokong na to. Si Neil naman kasi, ano ba ang silbi ng malalaki nyang salamin kung lagi syang nakakabunggo ng tao? What to do? Baka may choice pa. Tama.

Suzy: Wala na bang-

Kiseop: Well kung makikipagdate ka sa akin bukas.. di ko na sya gagalawin.

Suzy: Bakit ako? I mean, marami namang ibang babae jan na willing makipagdate sayo.

Kiseop: Ikaw ang gusto ko.

Wew. Tumayo ang balahibo ko ron ah.

Kiseop: Bukas na bukas din. 9AM. This time, hihintayin na kita sa labas ng dorm mo.

Wala na nga akong takas. Bago kami naghiwalay ay kinuha muna nya yung phone number ko at ipinaalala pa sa akin na dapat exactly 9am nasa baba na ako.

Kiseop: Naintindihan mo? Bawal ang 9:01, late pa rin yun.

Suzy: What? 1 minute lang naman yun ah.

Kiseop: Kailanman ang 9:01 hindi magiging 9:00.

With that umalis na sya. HMP! YABANG!

Campus CoupleWhere stories live. Discover now