Chapter 1

284 30 12
                                    

Zayen's POV

Akala niya kung sino siya, may paiyak-iyak pa siyang nalalaman sa libing ni Cars. Halata masiyado na fake ang lahat ng iyon. Si Fert din iyon ang iniisip niya. Pagbabayaran niya ang lahat ng ginawa niya sa best friend ko.

Sino siya? Nalaman ko rin na may iba pala siya. Ang bait ng kaibigan ko, nagawa

niyang maghanap ng iba. Ang ganda kaya din ng kaibigan ko. Mas maganda pa sa akin. Wow naman, May picture akong hawak. Picture ng kaibigan kong si Cars at si William. Masaya si Cars dito.

In love siya, pero ginago lang niya. Humanda siya sa akin. Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Nakakainis, sarap ilublob ang mukha ng William na iyon. Kung hindi na lang sana siya nagloko? Sana nandito pa ang kaibigan ko.. "aaaaaaaaaaaaaaaa..." sigaw ko.. Habang umiiyak. "Carsssss..." sigaw ko ng pangalan niya. Saan kana? Please bumalik kana.

******

Two Years After

Fert's POV

Saan na ba si Zayen? Ang tagal talaga may kasalanan ba sa akin iyon? Para yatang wala naman? Dalawang taon na din ang lumipas magmula ng accident na iyon. Presko pa din sa isip ko. Kung hindi lang sana siya nagloko may anak na sana sila ngayon.

Dalawang taon din nagluluksa si Zayen. Hanggang ngayon, umiiyak pa din siya. Sinasabi ko sa kaniya na huwag na niyang iisipin si Cars, dahil hindi na babalik si Cars kahit na kailan. Mas lalo siyang umiyak, minsan niyayakap ko na lang siya para hindi na siya umiyak pa.

Tumatahan din naman siya, kaya lang kapag death anniversary ni Cars. Imbis na magkasabay kaming dalawa papunta duon sa sementary. ..Mas nauna pa siya sa akin. Ewan ko lang baka nga duon siya natulog?

Pulang-pula na ang mata. Niyayakap din siya ni nanay Delia. Sinasabihan siya na huwag ng umiyak. Nung namatay si Cars, napunta sa kaniya ang puso. Iniwan pala talaga ni Cars ang puso sa kaniya. Ang bait talaga ng kaibigan ko na iyon. Kung nasaan man siya ngayon masaya na sana siya.

Ang tagal talaga, "Zayen. Tara na." tawag ko. Nakagraduate na din pala si Carl sa college, Kaya lang, hindi na siya Magna cum laude. Sayang nga lang, pero at least nakagraduate pa rin siya. May trabaho na siya ngayon.

Magmula ng mamatay ang kapatid niya ay malapit siyang mabagsak. Mabuti at napakiusapan niya, palagi kasi siyang lasing 'nun. Maghihiganti daw siya sa pumatay sa kapatid niya. Nagkabalikan na din ang mga magulang niya.

Kaya lang hindi na sila complete. Masaya sana sila kung complete sila. Pero, may hinagpis pa din sa mga mata nilang apat. Lalo na si Carline, bago pa kasi sila ni Cars nagkakilala tapos mawawala agad. Hindi pa nga sila masiyadong close ni Cars.

Nasaan na ba ang babaeng iyon? "Zayen..Tara na." Hay nako, nasa bahay kami niya may pupuntahan daw kami. Pero, siya naman ang pinakamatagal. "Zayen... Tara na kasi.. Ang tagal mo?"

"andiyan na po.." Bumaba na siya.. "Hi.. sorry ha matagal ba ako?" nakatitig ako sa kaniya. Sino siya? Hindi naman siya si Zayen a?

"Sino ka?"

"si Zayen.. bakit ganiyan lang ang suot mo?"

"Hah? ano pala ang isusuot ko?"

"ano palang araw at petsa ngayon?" teka ano nga ba? Itinuro niya ang calendar na nasa may wall. Hala patay, nakalimutan ko. May date nga pala kami ngayon?

"sorry.." sabay ngiti.. "ano kasi, nakalimutan ko. " napailing na lang siya. Para na ako napahiya at suot ko. " magbibihis lang ako." tumango naman siya at umupo. Sana hindi ko nakalimutan iyon.

Patay ako kapag ganun. "Hey.. saan ka pupunta?" aalis na sana ako kaya napalingon ako sa gawi niya. " Huwag kanang umuwi.. Manghiram ka na lang ng damit sa kapatid ko. Marami naman siyang damit na hindi pa nagagamit."

"Nakakahiya naman.." sabi ko sabay yuko ng ulo.

"huwag ka ng mahiya.." biglang dating ng kapatid niya. Nako, mas nakakahiya masiyado. "Sige na.,"

"Kanina ka pa diyan Kuya?" tumango naman ang kapatid niya. " so ibig sabihin.. Narinig mo ang mga pinag-uusapan namin?" tumango ulit. " baliw.. chissmoso."

"bakit masama ba?"

"masama talaga.." palipat-lipat lang ako ng tingin sa dalawa. " So, sige na.. Pumayag naman din si kuya."

Wala na akong magagawa. Mapilit naman din siya. Kaya ngumiti na lang ako at tumango. Kaya nagmadali akong umakyat ng hagdan at pinapunta niya ako sa kwarto ng kapatid niya. Sinamahan niya ako at pati ang kapatid niya.

"So, mamili kana.." ano ba? hindi nga ako makagalaw dahil sa parang may mga matang nakatingin sa akin. Mayroon naman talaga, nandito pa din ang kapatid niya. Malamang kwarto niya e, at ewan.

"sige na maiwan ko muna kayo..Ikaw na bahala sa kaniya kuya." tumango naman ang kapatid niya at sa akin. Pero ngumiti muna siya bago umalis.

Nasa harap ko na si Zarter. Unique ng name nila no? "Pare.. buto ako sa iyo para sa kapatid ko. Pero, bantayan mo siya ng husto. May ginagawa siya ngayon na hindi namin alam?"

"ha? ano naman iyon.. Salamat." nagtataka ako, ano ang ginagawa niya na hindi nila alam?

"walang anuman. Baka kasi, baka isang araw.. Siya naman ang makikita natin sa daan.." ano? daan?

"ano? hindi ko maintindihan?"

"huwag mo na lang iisipin iyon. Naghihintay na siya sayo sa baba." tumango ako at dali-daling kumuha ng damit sa may closet ni Zarter.

Agad kong hinubad ang damit ko at isinuot ang nakuha kong damit sa closet niya. "sige gagawin ko iyan.."

Tumango siya at ngumiti sa akin. Wala akong pakialam sa damit na nakuha ko sa closet niya. Basta magmamadali na ako, paano ba naman kasi, naghihintay na sa akin si Zayen sa baba.

Nang mababa ako, may kausap siya sa telepono. "sige bye." sabi niya ng makita ako agad ako at ibinaba na ang telepono. " Tara na. "

Dati naman, mahilig siya sa English pero, nung namatay si Cars. Ayaw na ayaw niyang magsalita ng English. Kasi, si Cars ayaw niya ang English. Ganoon din ang kapatid niya na si Carl. Mahilig din sa English nun dati pero ngayon? Question mark din iyon. That's the question I can't answer.

.

a/n : Ito po ang Book 2 ng The girls Heart. May nag-request kasi. Kaya ginawa ko. Sana magustuhan niyo din ito. :)

The Heart Of RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon