"Okay lang ba Rossane?" Tanong ulit nito.

Hindi nya namalayan na tumango-tango na pala siya. "Ah, oo naman.", pati rin ang lumabas sa bibig nya. But all she know is when he smiled after she said it.

Habang sabay silang namimili, hindi niya mapigilang mapangiti dito. Hindi dahil sa mga ikinukwento nito, kundi dahil sa saya na naidudulot buhat ng pagkikita nilang muli.

Aaminin nya, hindi nanaman nya mapigilang mahulog sa dating guro. Nagkita nanaman sila, kaya hindi nanaman nya mapigilang umasa. Pero tuwing naiisip nyang ito nanaman ang huli nilang pagkikita, nawawalan nanaman siya ng pag-asa. At kahit na gano'n, hahayaan na lang muna nya ang nararamdaman. Kahit isang araw lang. At kahit isang araw lang din na hindi nya ito ituring na dating teacher.

"What?" may pagtatakang tanong ni Patrick.

Nagkunot-noo naman si Rossane. "Huh?"

"Why are you smiling like that?" Patrick.

Smiling like that? Bigla siyang natauhan. "Ah ano... Natutuwa lang ako na nagkita tayo ulit." sabi nya.

Pinagbigyan na nya ang sariling sabihin ang tunay nyang nararamdaman, kahit ngayon lang, dahil natutuwa talaga siyang makita ito ulit.

Ngumiti ng matamis si Patrick. “Ako rin.”

Hindi man nya alam ang ibig sabihin ng mga sinabi nito, pero natutuwa pa rin siya. Kung pwede sanang araw-araw niyang nakikita ang mga ngiti ng dating guro.

Masaya at magaan ang pag-uusap nila habang nagg-grocery. Napag-usapan nila ang tungkol sa nangyari sa araw nila at kung ano-ano pa na patungkol naman sa mga paninda sa loob ng supermarket.

Pagkatapos nilang mag-grocery, ay lumabas na sila sa mall dala ang push cart na naglalaman ng mabibigat na plastic bags. Nagtaka si Rossane nang pinabantayan sa kanya ang grocery nito at pinahintay sa tapat ng mall, pagkatapos ay nagmadaling tumakbo papuntang parking area. Pagkailang minuto ay may humintong kulay asul na sasakyan sa harap nya. Nalaman niyang si Patrick pala ang may-ari no'n nang lumabas ito mula sa loob. Kinuha nito ang mga groceries at nilagay sa back seat ng sasakyan nito. Pagkatapos ay binuksan nito ang trunk at lumapit sa push cart nya.

"Hatid na kita." Sabi ni Patrick na kumindat pa sa kanya. Pagktapos ay kinuha nito ang mga pinamili at nilagay sa loob ng trunk.

Hindi naman nakagalaw si Rossane ng kindatan siya nito. She skipped-bit.

"Rossane?" Tawag ni Patrick nang matapos na niyang ilagay sa trunk ang groceries ni Rossane. Napansin din nyang nakatulala lang ito. Nilapitan nya ang dalaga. "Rossane, let's go?"

"Huh? Saan?" Naguluhang tanong ng dalaga.

Ngumiti si Patrick. "Sa boarding house niyo. Ihahatid na kita."

"Ay naku po, 'wag na!" tanggi ni Rossane. "M-magco-commute na lang ako..."

Pumunta si Patrick sa front seat ng passenger seat at binuksan ang pinto para dito, ngunit tinitigan lang iyon ni Rossane. Pagka-ilang segundo ay lumapit na ito at pumasok sa loob. Lihim na napangiti si Patrick. Pagkatapos ay pumunta na siya sa driver's seat.

Parang panaginip lang para kay Rossane na nasa loob siya ng sasakyan ni Patrick at hinahatid siya pauwi. Kung ito man ang huling araw na makakasama nya ito, gusto na niyang damhin ang pagkakataon. Gusto niyang mahulog ulit dito kahit sa ganitong kaikling oras. Parang siya si Cinderella, hindi magtatagal na ang pagkakataon kung saan masaya siya ay maglalaho rin. Kaya pagbibigyan nya muna ang sarili.

Tiningnan nya si Patrick na focus sa pagmamaneho. She is not expecting for a chance encounter again, but she is hoping that destiny has something to do with this encounters.

This Time Around Where stories live. Discover now