Chapter 16 - Misunderstandings

Start from the beginning
                                    

"Robin nga pala," she smiled to me, tapos inalok niya ang kamay niya para makipag-shake hands.

"Lex- I... I mean, XANDER." I smiled to her awkwardly and shook her hand as well.

Sabay napuno ng hiyawan ng mga babae yung buong shop at sabay-sabay na nagflash ang mga camera.

"HE SMILED! HE SMILED!" I heard someone say. "NAPICHURAN MO?! TELL ME! TEEELLLL MEEEE!!! SHET IBLO-BLOG KO TALAGA 'TO!"

Tapos sigawan ulit.

"MAGA-APPLY DIN AKO DITO! MISS, MAY OPENNING PA BA KAYO?! KAHIT WAG NIYO NA AKONG BAYARAN! AKO NA LANG MAGBABAYAD SA INYO TANGGAPIN NIYO LANG AKO PARA ARAW-ARAW KONG KASAMA SI XANDERRRR!" sigaw na naman ng di kilalang tao.

-------

Kahit eight hours a day lang ang oras ng trabaho ko, pakiramdam ko 16 hours ang binubuno ko. It was hell. Seriously.

Ayos lang sa akin yung buong araw na babalik-balik mula sa counter at table ng mga customers para mag-serve ng pagkain at coffee. Pero yung everytime na lalapitan ko sila, kulang na lang hagurin yung buong katawan ko at idikit yung muka ko sa camera nila kakapichur hay nako... GUSTO KO NANG SUMIGAW PERO HINDI PWEDE KASI MALALAGOT AKO.

Halos hindi nawawalan ng customer ang shop kahit isang minuto lang. Kaya pagpatak ng 3 PM, I thanked God dahil naubos din ang stock na paninda namin at wala nang choice kundi magsara ng maaga.

-------

"Wow," sabi ni Robin habang tinitignan niya ang cash register. "Sa tinagal-tagal kong nagtra-trabaho dito ngayon lang ako naka-experience ng ganito. 'Yung kinikita ng shop sa isang buong linggo, nakuha lang ng isang araw."

She looked at me. "At, lahat yun dahil sayo!"

Natigilan ako sa sinabi niya. "Ha? Sa akin? Bakit ako?"

Tapos tinignan niya ako na parang ang slow ko. "Hello! 'Yung mga customers na nagsisilabas pasok dito mula pa kahapon, ikaw lahat ang pakay 'nun. Actually, wala silang pakialam sa shop. Ikaw lang talaga ang gusto nila. Kung hindi lang naglagay si Ma'am Sonia ng notice na hindi pwedeng pumasok ang mga hindi customers, hindi sila bibili. Kaya thank you sayo at sa charisma mo dahil sinalba mo ang Sweet Heart."

"Salba? Anong ibig sabihin mo sa sinalba ko?" I asked her.

Biglang lumabas si Ma'am Sonia sa office niya. She looks really tired at mukang ang lalim pa ng iniisip niya. Kaninang umaga lang, halos di siya makangiti pero this time, she greeted us with a smile, kahit halatang pilit.

I was about to go at magpapaalam na sa kanyang uuwi na ako  pero nagulat ako nang bigla niya akong kinausap.

"Why don't you join us for dinner?" she asked me.

Nanlaki ang mga mata ko, "D-dinner po?"

She nooded and smiled. "Yes. You're my new employee at gusto din kasi kitang ka-usapin. Kaya naisip ko, kung pwede sana, kumain na lang tayong tatlo nila Robin sa labas tonight dahil ito rin lang ang free time na meron ako ngayon."

Nagdalawang isip pa ako. Pero nung naramdaman kong kanina pa nagra-rap yung tiyan ko sa gutom, pumayag na din ako.

Kaso bago pa kami makaalis, nagsabi si Robin na hindi muna siya makakasama dahil tinawagan daw siya ng boyfriend niya. Mukhang magde-date yata sila kaya pinayagan na lang ni Ma'am.

-------

Akala ko sa café lang kami pupunta ni Ma'am Sonia. Kaya, imaginin niyo na lang yung mukha ko nung nalaman kong sa isang five star restaurant pala kami kakain. Sayang talaga wala si Robin. Girl talk all night na sana 'to. Ang kaso lang hindi nila alam na babae rin ako.

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now