Chapter 8 - Hello, VIOS!

11.5K 265 3
                                    

Paika-ika akong lumakad pauwi sa apartment ko at bawat hakbang, napapangiwi ako sa hapdi.

Aray! Ang sakit!

Halos, mangiyak-ngiyak na ako sa pagod kakalakad at sa sakit ng sugat ko sa tuhod.

Nagkanda ligaw-ligaw pa ako pauwi dahil hindi ko pa rin talaga kabisado ang lugar na ito. Mga ilang oras din ako nagpaikot-ikot. Sa wakas, nahanap ko din ang daan pauwi. Yung bike ko na naiwan ko kanina nung hinabol ako nung mga goons, binalikan ko na din. Ang kaso, di ko na nagamit dahil di rin naman ako makakapag-pedal dahil sa sugat ko.

Salamat na lang at wala ng iba pang humabol sa akin papauwi. Walang mga babae, wala ng mga masasamang loob, o kung ano pa man.

-------

Nakita ko yung tuhod ko na maraming dugo pagtaas ko nung jogging pants na suot ko habang naka-upo ako sa sofa.

Akala ko gasgas lang nung una, pero malaki pala yung sugat ko. Di na nakapagtataka kung bakit nakaka-bother nga yung sakit.

I sniffed at kumuha ako ng bulak at nilabas ang alcohol mula sa first aid kit, saka ko nilinisan ang sugat ko.

Si Coco na nasa sa harapan ko, sinimangutan ko.

"Pwede ba? Wag ka na ngang ngumiti diyan. Mahapdi na nga, eh," saka ko siya itinalikod para hindi na niya ako makita.

Tapos, hinipan ko yung sugat ko habang nililinis ko para mabawasan yung kirot.

Natapos din ang paghihirap ko sa paglalapat ng agarang lunas at inilagay ko na ang malking plaster sa tuhod ko, para sigurado na hindi maiimpeksyon.

Habang pabalik ako sa banyo, biglang tumunog ang doorbell ko.

Ding-dong!

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa direksyon ng pintuan.

Hmm? Who could that be?

Ding-dong!

Tumunog ulit.

Ah, baka land lady ko?

Kaya dali-dali akong lumakad papunta ng pintuan habang hawak ko pa ang box ng first aid kit.

Ding-dong!

"Teka sandali lang po" sigaw ko at mas binilisan ko pa ang lakad.

Excited masyado? Pero sa pagkaka-alam ko naman bayad na ako sa renta ngayong buwan? Bakit kaya siya nandito?

The moment I opened the door, I went pale at nagsisi akong nagpalagay pa ako ng pintuan sa bahay ko.

"Hello!" bati ni Zero sa akin. He was standing at the door way and was grinning.

Nanlaki ang mga mata ko at feeling ko nagyelo ang buo kong katawan sa kinatatayuan ko, and my mind completely stopped working.

T-totoo ba itong... nakikita ko?

"Kamusta?" tanong niya and he placed his hand on the side of the door.

"..." Hindi ako sumagot. Nakatulala lang ako sa kanya with my mouth partly open na akala mo nanunuod ako ng horror movie.

I absent mindedly, handed him the first aid kit I was holding, saka ko hinawakan uli ang door knob.

"Huh?" tinignan niya yung ibinigay ko sa kanya, and rose an eybrow. Kinilatis pa niya iyon tapos ibinalik niya sa akin yung tingin niya. "Para san it-"

BLAG!

Hindi ko na siya pinatapos. I slammed my door shut. Saka ko isinandal ko ang likuran ko sa pintuan at nagpalpitate.

feMALE X MALETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang