Chapter 11 - Strongly Cautioned

9.9K 238 18
                                    

Langya! Bad trip! Pakshit!

Sumandal ako sa inuupuan kong sofa na kasing AWESOME ko, habang umiinom ng malamig na beer na kasing so damn COOL ko.

"Kung balak mong magmumog lang ng alak dito, dapat sa bar ka na lang pumunta," sabi sa akin ni End habang nakahiga sa couch na kaharap ko at busy sa paglalaro ng rubics cube.

Inirapan ko lang siya at tinignan ng masama. "La kang pake, okay?"

Dapat pala nagdala din ako ng babae dito. Okaya, dapat dinala ko na lang ang bar dito para kahit papaano sumigla-sigla naman ang ambiance.

Bumuntong hininga ulit ako at umungol sa sobrang pagkabuwisit ko dahil sa mga nangyari sa akin kagabi.

AHHH! POTAENA TALAGA! BULSHET!

Oo. Bad trip. Bad trip na badtrip ako. Hindi dahil sa natapakan ang pride ko dahil natalo ako ng ganun-ganoon lang kagabi. Hindi rin dahil sa alam kong yari ako kay Gian pag-nalaman niya ang nangyari. Ang issue talaga dito ay yung... NASAGASAAN PATI ANG POGI KONG MUKA! PUCHANG INIS!!!

Ayos lang sana kung leeg pababa lang yung dinali sa akin, eh! Kaso pati ang tangena sa gwapong muka ni Ban Kazuya na pinipilahan, inaalayan at sinasamba ng lahat ng mga kababaihan kinanti pa?

Idagdag pa natin ang katotohanang hindi man lang ako nakaganti kahit pitik lang! BUWISET!

Ramdam ko pa yung mga pasa sa muka ko pati yung sakit ng bali ko sa braso. Pati yung bridge ng ilong ko na napuruhan din.

Yung gumawa nito sa aking sugo ng mga maligno na iyon kung sino man siya! Humanda siya akin pagnakita ko ulit siya! Wag siyang magpapahuli dahil pahahalikin ko iyon sa lupa! Magsama sila ni Zero! MGA HINAYU-FUCK!

Buwisit talaga kasi hindi ko pa din maalis sa isip ko yung mukha nung gagong iyon. Iniisip ko pa lang lahat ng nangyari kagabi kumukulo na ang dugo ko.

Mga trying hard, ambisyoso, insekyurado at mga feeling gwapo kahit obvious namang wala silang panama kahit sa kalyo ng bukong-bukong ko!

Parang sinadya lang talaga na targetin ang mukha para masapawan ako! DEEMMM!

Puwes pasensya sila! Kahit ipanganak pa sila ng limandaang beses di nila mapapantayan ang alindog ko!

Bumalik ako sa reyalidad nung biglang nagsalita si End. "Seryoso kang isang tao lang may gawa sayo niyan?"

Anak ng tipaklong? Kailangan paulit-ulit?

Tumigil siya saglit sa nilalaro niya para tumungin sa akin. "Para kasing isang batalyon ang nagtulong-tulong para malamog ka ng ganyan, eh. Haha!"

"Epal ka, nang-aasar ka pa?" sigaw ko sa kanya habang pinandidilatan ko siya ng mga mata. "Sikuhin ko yang kulangot mo, eh! Ano? Ha!"

"Hahahaha!" tumawa pa siya lalo, tapos umupo, saka inilapag sa lamesa ang cube niya. "Easy lang. Gumagaya ka pa kay Gian na high blood. Baka pareho niyong ikamatay yang init ng ulo niyo."

"Ewan ko sayo," inirapan ko siya saka ako ininom ang halos kalahati ng laman ng  boteng hawak ko.

Itinaas at inayos niya ang salamin sa mata niya saka ngumiti. "Seryosong tanong. What does it feel like to finally get beaten up like that na hindi si Gian ang may gawa?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, nagsalubong ang kilay ko at ngumoso ako. "Wala. Ganoon pa din."

Tapak dignidad as usual.

"Ayos lang. Gwapo pa din ako kahit anong mangyari. Shet," dagdag ko.

Buti na lang na-train na ako. Paano- si Gian lang naman kasi ang kilala ko ang may kayang gumawa nito sa akin.

"Wahaha!" tumawa lang si End sa akin. "Tindi ng pananalig mo kahit kelan pare. Kelan ba matitibag iyan?"

"Pag naging inahin na ang tandang," sagot ko sa kanya ng walang kasusta-sustansya. Buwisit siya, eh. Tapos uminom ako uli ng konting beer.

"Ahhh," tumayo si End at lumakad papuntang pintuan. "Makapagpatayo nga ng clinic exclusive for animal sex change." At humalakhak ulit siya.

"Gagu!" sigaw ko sa kanya at binato ko siya ng unan na nakapatong sa tabi ko.

Isa din ito, eh. Mga taong salat talaga sa looks, insecure sa akin lagi. Ang hirap talagang maging AWESOME at HANDSOME ng sabay. Ang hirap maging ako! Nakaka-stress! PUTA!

Binuksan na niya ang pintuan para lumabas. Pero bago siya tuluyang makaalis, nginitian niya ako ulit. "Yari ka kay Gian pag nakita ka niyang ganyan."

At para namang di ko alam iyon?

Bumuntong hininga lang ulit ako at humiga na lang ako sa sofa.

Sinara niya ang pinto at iniwan niya ako mag-isa sa loob ng kuwarto.

HAAARRGHH!!! BUWISET!!!

Isa pa ito sa mga prino-problema ko kagabi pa.

Anong gagawin ko pag hinarap ko na si supremo at makita niyang ganto ang hitsura ko. Isa pa- paano ko sasabihin sa kanya yung tungkol dun sa bagong recruit ni Zero na mukang paa?

Siguro hindi masyadong magiging komplikado para sa akin ang lahat kung hindi lang kakaiba ang estado ng pagiisip ni Gian ngayon.

Si Gian, para sa akin, siya ang living proof na masama talagang galitin ang mga mababait na tao.

Oo na. Aaminin ko na. Mabait talaga yung gagong iyon. Di lang halata sa labas pero sa loob pusong marshmallow yan.

Pero tangena, pag mainit ang ulo niya kala mo cussing machine. Raratratin ka hangga't wala ng matira sa dignidag mo. Kahit sinong makasalubong, pinagi-initan. Yurak kung yurak at ikaw pa mismo mahihiyang tumayo sa harapan niya pag nagkataon.

Kahit akong di hamak na mas malakas magmura sa pangaraw-araw kong pamumuhay nanliliit pag masama ang timpla niya.

Nakakaalarma na din kasi ang tagal na niyang nagkakaganyan. Kadalasan naman pag nababadtrip iyon, maya-maya lang limot na niya.

Ewan ko ba, mula nung umalis siya ng biglaan isang gabi nang wala man lang pasabi sa amin, bumalik siya na naka-BEAST mode at sobrang init ng ulo.

Kami tuloy sa Deadlock, litong-lito na kung bakit hanggang ngayon hindi pa din tumilila ang unos.

Parehas kami ni End na napapaisip kung ano nga ba talagang nangyari sa kanya nung gabing iyon. Kaso heto, di naman namin matanong. Galit nga, eh. Para kaming babangga ng pader pagipipilit namin siyang i-interrogate.

Teka... balik tayo sa totoo kong problema...

Si Gian, papaano ko sasabihin sa kanya ang nagyari sa ak-...

Ay mali. Di pala iyan ang seryosong problema ako, eto pala...

Paano pag nag-peklat ang mga sugat ko sa muka?! PAAAKINGSHETT!!!

-------

BLAGGH!

Automatic na napaupo ako sa sofa sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si End na nakakunot ang noo pero seryoso ang muka.

"Nak ng TUTA naman End! Alam mo yung katok?" tinanong ko siya ng sarcastic.

Ang lalim kasi ng iniisip ko di ba? Tapos biglang may distraction? AMFUFU!

Inilabas niya lang yung poging-pogi na iPhone niya na kasing pogi ko pero mas lamang lang ako ng konti at ipinakita sa akin. "Tumawag si Gian. He spotted Zero downtown and the rest of his gang. He wants our asses there."

Kumunot ang noo ko nung marinig ko si End.

At ano namang binabalak nung mga hinayufuck na iyon dito?

Pero puta! Nalintikan na! Siguradong rambol na naman ituuuuu!

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now