Chapter 12 - Black and White

10.4K 276 14
                                    

Pagliko namin ulit ni Zero, pareho kaming tumigil nang makita namin ang isang grupo ng mga kalalakihan na nakaharang sa daan.

Merong mga nakasandal sa motorbikes, and some of them were holding weapons in their hands. Their eyes were looking menacingly at us na parang alam na alam nilang darating kami. I swallowed hard as I felt a bead of sweat trickle down my forehead.

Hingal na hingal na ako, so was the guy standing beside me. Hitsura pa lang ng mga lalaking nasa harapang namin parang alam ko na kung sinu-sino sila.

"Z-zero," I stuttered nervously saka ako lumingon para tignan siya.

His features were relaxed kahit alam na niyang napapalibutan na kami ng mga miyembro ng Deadlock. Samantalang ako naman, kulang na lang hukayin ko na ang lupa saka ibaon ang sarili ko para tapos na lahat.

"Stop right there," said the familiar cold voice of a man.

Lumingon ako at nakita ko yung Gian na hawak ang baril niya at nakatutok sa amin. He was breathing heavily, too just like us.

Gaano kalayo na nga ba ang tinakbo namin? Di ko alam. Basta ang alam ko lang- kung kanina pagod na pagod na ako... ngayon, hindi na ako makakilos at gusto ko na ding mag-collapse sa kinatatayuan ko. Di ko lang magawa dahil sa sitwasyon ko ngayon.

"What are you going to do? Kill us?" tanong ni Zero na kala mo nagtatanong lang siya sa tindahan kung may tinda silang kendi.

Napakunot ang noo ko at pinunasan ko ang pawis na tumutulo na mula sa noo ko.

Ba't ang abnormal nitong lalaking ito? Mamamatay na nga kaming pareho tapos nagagawa niya pa ring maging kalmado?

Kinasa nung Gian, yung baril niya and he stepped forward.

"Yeah," sagot niya without even thinking twice.

Zero scoffed and he put his hand on his pockets. "Can you really do that?"

I saw Gian, gritted his teeth and his eyes sharpened to him. "What makes you think I can't?"

Nagpabalik-balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa may kung sinong pumutol ng katahimikan.

"Taeng hayup ka, Zero! Bumalik ka pa dito? KAFAL MO DIN ANO?!" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa grupo ng mga lalaki sa likuran namin ni Zero. "At isinama mo pa yang mukang janitor pish na yan!" and he eyed me.

Napangiwi ako when I saw the same man I hit last night standing with the rest of the guys. May cast siya sa kanang kamay niya at plaster sa bridge ng ilong niya. May cut din siya sa labi at medyo, uhhmm... puro pasa yung muka niya.

Galit na galit at namumula yung mga mata niya habang nakatingin sa akin, parang feeling ko kulang na lang eh bugahan niya ako ng apoy mula sa kinatatayuan ko.

T-teka? Ako ba yung tinutukoy niyang janitor pish? Este, fish?

"What the hell happened to you?" tanong nung Gian sa kanya with a frown on his face, his gun still aiming to us.

Napalagok yung lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay Ban ang pangalan. Nag-iba yung hitsura niya at halata kong biglang ninerbiyos nang makita niya yung Gian, saka niya iniwas niya yung mga mata niya.

"Uh-eh," Ban swallowed hard, tapos sumagi yung tingin niya sa akin.

Napahakbang ako papunta sa likuran ni Zero kasi biglang tumindig yung balahibo ko sa sobrang talas ng tingin niya.

Siyempre guilty ako. Ako may gawa nun, eh. May kasalanan ako sa kanya and I guess saying 'I'm sorry,' won't count.

Bumuntong hininga yung Ban tapos tumingin siya kay Gian. "A-ano, n-nalaglag lang s-sa hagdan."

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now