Chapter 3 - Rebirth

12.6K 346 41
                                    

Sa loob ng inupahan kong bago pero maliit na apartment, tumayo ako sa harap ng salamin ng banyo. Hawak ko sa kamay ko ang isang malaking gunting, habang ang isa naman ay nakahawak sa mahaba kong buhok.

"Come on. You have to do this, Lexie!" bulong ko sa sarili ko.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Hinawakan kong maiigi ang gunting at idinikit sa buhok ko para gupitin.

"Eto na," I whispered with my eyes tightly shut. "One... two... three... Go!"

Snip!

Pagbukas ko ng mga mata ko, hindi ko pala nagupit ang buhok ko. Ang layo pala ng pagitan, mga three inches pa. I groaned inside. Medyo feel na feel ko pa yung pag-gupit. I felt so embarrassed to myself; I could feel my cheeks burning.

"AARGGH!" Hinagis ko ang gunting na hawak ko sa sahig at saka ko tinignan ng masama ang sarili ko sa salamin.

"Ano ba, Lexie!" Sigaw ko, "Kailangan mo ngang putulin ang buhok mo! Bakit ba ang kulit-kulit mo? Ang hirap mong kausap, ah!"

I sighed deeply again and collapsed on the floor, hugging my knees and burying my face on them.

Isang linggo na ang nakararaan mula nang lumayas ako sa amin. Isang linggo na din akong nagtatago na parang kriminal na may 21 million pesos bounty sa ulo, pabuya ng mga magulang ko sa kung sino man ang makakahanap sa akin.

"Ano ngayon kung may problema ka sa buhay at nahihirapan ka? Sa tingin mo ikaw lang ang nakakaranas niyan sa mundong ito?"

That stranger's statement echoed inside my head.

Alam ko namang may point siya. Okay, fine. Alam ko namang tama siya, pero hindi ba sobra na din ang mga nangyari sa akin? Hindi ba parang unfair naman para sa akin? Hindi ba?

"Well, wake up bitch! There are more out there that's facing things way more worse than you, but they choose to fucking live, hoping that when they open their eyes, everything will freaking change and life will finally accord them! It's like waiting for a fucking miracle to happen but still they keep on going!"

Is that true? Yung sinabi niyang may mga taong mas pinipiling mabuhay with and through all the pain? Na ang tanging kinakapitan lang ay ang pag-asang magiging okay din ang lahat balang araw kahit walang kasiguraduhan? And in any case, lahat ba ng pagtitiis para sa paghihintay na iyon will all be worth it? Paano kung hindi iyon mangyari? Paano na?

I groaned and I ran a hand over my hair.

Pero kahit pagbali-baliktarin pa natin ang lahat, unfair pa din na sermunan ako ng lalaking iyon at paliguan ng mura dahil lang sa maling desisyon ko that night.

Tama naman di ba? Sobra siya. Lampas-lampasan kung magka-quota sa mura. Kung makapagsalita akala mo sinira ko yung buhay niya. Ang O.A. niya lang. Parang mas bitter pa siya sa akin. Isa pa, kahit kelan wala pang nakakatawag sa akin ng bitch.

Mula pa nung bata ako ang tawag sa akin ng mga katulong namin, laging Miss. Wala rin akong natatandaang nakaaway ko dahil sa pagkaka-alam ko wala naman akong attitude problem. Wala din akong mga kaibigan. So, I guess wala pa nga talagang kahit sinong nakaka-bastos sa akin gaya ng ginawa niya.

Anyway, salamat na din sa kanya. Kung hindi sa mga sinabi niya sa akin nung gabing iyon, baka tumalon na nga talaga ako sa bangin at patay na talaga ako ngayon.

Na-realize ko lang kasi, I don't really want to die miserably. Gusto ko kahit papaano, aalis ako sa mundong ito ng masaya. Kahit na iyon na lang ang consolation ko, at least masasabi ko sa huli na hindi ako sumuko sa buhay at wala akong pinagsisisihan. Therefore I want to start again. For starters, I want to forget all of the pain they've caused me including my parents, si Riza and of course si Kent, by trying to have a new life.

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now