Chapter 16 - Misunderstandings

9.2K 210 7
                                    

Pagkatapos ko labahan si Coco, iniwan ko siya na nakasampay sa tapat ng aircon para matuyo. Di ko kasi siya pwedeng iwanan sa labas. Baka may makakita kasi sa kanya tapos sungkitin pa. Bago din ako pumasok ng trabaho, sinigurado kong naka-lock ang pintuan. Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko si Zero.

"Hello!" nginitian at kinawayan ko siya, saka ko ibinulsa yung mga kamay ko sa jacket na suot ko.

"Morning," sabi niya sa akin at ngumiti rin pabalik. Nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa trabaho. Tumango naman siya at hinampas na naman ako ng malakas sa balikat para daw good luck.

BOGGSHH!!

Ano bang problema niya at ang hilig niyang mang hampas?! Pati napabigat talaga ng kamay niya. Hindi na ba siya magbabago?

"Well, goodluck," sabi niya at naglakad na siya ulit papalayo. Pero hindi pa siya nakakalimang hakbang nang humarap uli siya at nagsalita, "Wait. Mamaya pag-uwi mo, may pupuntahan tayo, alright?"        

Napakurap ako at tinignan ko siya ng may pagtataka, "Ha? Saan?"

He gave me a little smile, and he shrugged, "You'll see. Basta umuwi ka agad." At iniwan na niya ako mag-isa.

Habang naglalakad ako sa daan, hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung saan kami pupunta at kung bakit kailangan kasama pa ako.

-------

Pagpasok na pagpasok ko sa Sweet Heart, cake shop kung saan ako nagtra-trabaho,nanlaki ang mga mata ko nang makita kong ang napakaraming customer sa loob. Lahat ng tables occupied pati ang pila sa cashier napaka-haba. Akala mo pila ng last day of filing para sa voter's registration sa city hall. Nakakanula.

They all turned their heads in my direction the moment I closed the door behind me. Ang mas nakakagulat pa ay sabay-sabay silang naghiyawan.

"MAAAYY GGHHHAADDD!! HE'S HERE!!!" they all screamed.

Nanalamig ang pakiramdam ko. I felt my sweat dropped at nanuyo ang lalamunan ko. Nung una akala ko hindi ako 'yung tinutukoy nila pero nang mag-sink in na sa akin ang nangyayari, feeling ko napunta ako sa ibang dimension. Lahat sila ay nagtakbuhan papunta sa akin.

Tatalikod na dapat ako para tumakbo pero hinarangan ng boss ko 'yung pintuan para pigilan ako.

"Hep, hep, hep!" she said while eying me. "At saan ka pupunta?"

Napalunok ako dahil sa talas ng tingin niya. Nakakatakot. Naalala ko tuloy si Gian sa kanya.

"Here, wear this," inabutan ako ng boss ko ng apron na may logo ng shop. "Late ka na ng five minutes kaya magtrabaho ka na kung hindi babawasan ko ang sahod mo!"

Napatalon pa ako sa gulat nang bigla niya akong sigawan. She walked inside her office, slammed the door, and left me surrounded by the loud customers.

"Tsk! Tsk! Tsk!" Napalingon ako sa babaeng may suot ding red apron na gaya ng nasa mga kamay ko. "Wag mong pansinin yun si Ma'am Sonia, mainit lang ulo 'nun ngayon."

I blinked and looked at her. She has her hair braided in French at may hawak pa siyang basket na puno ng croissant.

"Ha? Bakit naman?" I asked her.

She leaned her face to me and whispered, "Edi dun sa jowa niya. LQ yung dalawa kaya nagkaka-ganyan. Wag mo nang pansinin at intindihin mo na lang. Isipin mo na lang may dalaw."

"Ahhh...." I nodded and helped her on what she's doing, placing the bread on the self-service counter.

Sige na nga. Kung sabagay, hindi naman kasi siya masungit kahapon nung una kaming nagkausap.

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now