The Day Ice Howard Bids Goodbye

29 3 1
                                    

Thanks you sa lahat ng nagbasa! :)

-------------------------------

Nagising akong kaharap ang mukha ni Ice na natutulog. Nakaupo siya sa sahig at yung ulo niya ay nakasandal sa kama ko. Napaupo ako at nagising siya sa paggalaw ng kama ko. Tumingin ako sa orasan sa kwarto namin, it was 7 o'clock. Ni hindi pa ko kumakain ng kahit na ano.Tinignan ko siyang mabuti at tinignan niya din ako. My face was blank.

"L-Liz," tumayo siya at umupo sa kama para punasan ang luha ko. Yeah, tears are flowing through my cheeks. I can't believe what I've just dreamed of.

"Kung hindi ka totoo, bakit ka natutulog?" I said coldly while he's wiping my tears.

"I still have this human form, na natutulog, nagugutom, umiiyak, tumatawa at nalulungkot." he explained.

Tinignan ko yung relo niya. Suot suot niya pa rin yon. Makabago na rin ba ang magic na tinutukoy niya ngayon?

"Why are you here?" tanong ko ulit sa kanya.

"Because I love you." 

"Tigilan mo ko Ice. Tapos ano mawawala ka naman agad bigla?" naiyak na naman ako. Magic. Magic. Magic. Oh how I hate magic

"Shh..I'm so sorry Liz" yakap yakap ako ni Ice. 

So that thing. Nung araw na hindi ko alam kung nasa wisyo pa ba ko dahil nakakita ako ng kuminang na hindi ko maipaliwanag sa harap ng nilulumot na fountain kung saan nakalagay doon ang estatwa ni Cupid. 

"You are made from that park?" 

"Yes, I am" nakita kong tumango pa siya. 

Would I believe this? Is magic true? Bakit kailangang may time limit? Bakit kailangang matapos kung ganoon? Akala ko ba magic? All of my wishes will come true pero bakit kailangang bawiin?

----

Nagising nalang ulit ako kinaumagahan. Wala si Ice sa tabi ko. Panaginip lang ba ang lahat? 

I wish that it was all a dream pero nakita ko ang pagpasok ni Ice sa kwarto namin ni Ate. May dala siyang tray ng pagkain. Some soup and bread. Ginutom tuloy ako bigla. 

"Kain ka muna, Liz. You passed out last night and you had a fever" sabi niya saka kinuha yung bowl of soup at kutsara. At akma pang susubuan ako.

"I can eat by myself" kukunin ko sana yung hawak niya pero hinawi niya ito sa malayo.

"No, Liz. Let me do this."

"Para ano pa? Tss, para maniwala dyan sa magic na sinasabi mo? You fool." nabi-bitter ako sa totoo lang, parang hindi kasi kapani-paniwala. Naging fantasy na ang buhay ko nang dahil kay Ice Howard. Akala ko ba romance ang genre ng istorya ko? Manloloko pala yung author nito eh. 

"You don't have to believe in me. I'll be gone anyway" sabi niya saka siya sumandok sa soup. Hinipan ito at sinubo sakin. Tinanggap ko naman ito kasi sobrang ginugutom na ko. Pero dun sa sinabi niya, naluha na naman ako. Naiinis ako pero mahal ko pa din siya kahit kung ano anong kalokohan ang pinagsasabi niya. 

"Liz" nilagay niya yung soup sa may table at pinunasan na naman niya yung luha ko.

"I can wipe my own tears." hinawi ko yung kamay niya at saka nagpunas ako ng luha. Damn, I still want a happy ending here. 

"Bakit may time limit Ice?" this time I totally break down. I lose my appetite to eat dahil alam kong nasasaktan ako. 

Hindi niya ko sinagot at niyakap niya lang ako. I want an answer, Ice. Baka sakaling maniwala pa ko. 

THE DAY I MET ICE HOWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon