The Day I Had a Perfect Day with Ice Howard

29 2 0
                                                  

Pagkauwi ko nung galing sa date namin ni Ice nasuka talaga ko ng rainbow. Joke. Sobra naman ang kakiligang nadama ko nung araw  nayon. He said he loves me and he also kissed me. Sobrang kaligayahan na itu!

At makalipas ang ilang linggo magdedate ulit kami. Kasi naman busy ako sa pag-aaral ko. Hindi naman pwede puro landi lang tayo di ba. Dapat nag-aaral din. Gamitin ang insipirasyon sa tamang pagkakataon. Anong kalokohan na naman itong pinagsasabi ko?

At dahil ngayon ay date ulit namin ni Ice, nagpakababae ulit ako. Ilang oras akong nag-ayos at nagpalit ng perfect na damit para sa date namin ngayon ni Ice. Minsan nga naiisip ko na parang panaginip lang 'to lahat. Para kasing masyadong...perfect. Ewan ko lang ha, hindi naman sa ayaw ko pero...ay di bale na nga. But this seems to good to be true. It really seems like this is a dream.

No doubts...bawal mag-isip ng kung ano ano.

Sinundo ako ni Ice sa bahay namin. Kilala na siya dito samin kaya wala nang ilangan. Si Mama at Papa nga e napaka-hospitable masyado kay Ice. Nakakahiya tuloy. Si Ice naman natatawa sa reaksyon ko nung pinakita ni Mama yung photo albums ko nung bata pa ko. Bakit kasi ang tagal kong magbihis?

Nung nakapag-ayos na ko at ready na ko kaya umalis na kami ni Ice. And as usual pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. How thoughtful!

"Let's go baby?" baby? paki-ulit pwede? Masyado naman akong kinilig sa sinabi niya kaya hanggang ngiti lang ang nagawa ko.

"You're blushing. how cute baby" then he gave a peck in my cheeks. gosh!

Narinig kong tumili si Ate. Gulay! Chismosa!

Narinig kong tumawa si Ice bago siya pumasok sa kotse niya at nagdrive. Nagdrive siya papunta sa theme park. Sabi niya, ako naman masayang masaya. Susuka ako ng rainbow.

Syempre nung nakarating kami ng theme park, sinakyan namin lahat ng rides na pwedeng sakyan. Natatawa ng ako eh, para kaming bata ni Ice. Buti ng nasasakyan niya lahat ng trip ko. Minsan pa nga siya yung nantitrip. Grabe lang. Pero hindi ako naiinis, medyo lang. Pero kinikilig ako, grabe kasi siyang maglambing pag nagtatampo ako. Niyayakap niya ko .

Feeling ko ang saya saya talaga ng buhay ko simula nung nakilala ko 'tong si Ice. Grabe ang pag-usbong ng love life ko. 

Hanggang 7pm lang kami ni Ice sa theme park kasi sabi niya pupunta daw ulit kami  dun sa park na paborito niya. Hindi talaga mawawala sa date namin yung lugar na yon eh nu. Gusto ni Ice eh, saka may surprise daw ulit siya sakin. Syempre, bilang butihing girlfriend, umoo nalang ako. Kaya pag dating namin doon, may surprise nga siya. The ever so consistent candle light dinner of my baby Ice Howard.

Alam mo yon na hindi nakakasawa lahat ng surprises niya kahit paulit ulit lang. I could deal with these everyday. Oh kaya ako naman ang magsu-surprise sa kanya. Palagi nalang kasi siyang nagbibigay ng surprise.

"Ice, may ibibigay ako sayo." sabi ko habang kumakain kami.

"Hm..baby you don't have to..." aynako napakabait talaga nitong jowa ko.

"But baby I want to so let me, okay" ngumiti ako at kinuha ang isang rectangular box. Binili ko pa 'to sa unisilver ha, hahaha.

"Here po.." binigay ko sa kanya at binuksan naman niya. Kinakabahan ako baka kasi hindi niya magustuhan. Kasi naman, yon lang ang nakayanan ng pera ko samantalang si Ice parang lahat kayang bilhin. Hmm, sports car kaya, kaya niya ding bilhin? Ano ba yan Liz, kung ano anong iniisip mo.

Nung binuksan niya yung box nakita ko ang gulat sa mata niya. Shucks! hindi niya ata nagustuhan kaya naman napayuko nalang ako. 

"Sorry, di mo ata nagustuhan" sabi ko hanggang sa narinig ko yung pagatras ng upuan at yabag ng paa ni Ice. Niyakap niya ko sa kinauupuan ko.

"Thanks for this, Liz. You don't know how much this means to me..." hala! so ibig sabihin nagustuhan niya yung regalo ko na necklace.

"N-nagustuhan mo?"

"Of course, baby. Best gift ever." kinilig naman ako sa best gift ever niyang linya. Grabe, nakakasuka ng rainbow. hahaha

"Pwede bang isuot mo sakin?" he pleaded. Of course naman yes! 

"Okay lang ba yung gift ko, isn't it too girly for you?" sabi ko habang sinusuot yung necklace sa kanya.

"No baby, ayos nga e. Hm, bakit nga pala teardrop yung pendant?" tanong niya sakin pagtapos kong isuot sa kanya yung necklace. Humarap siya at nilahad yung kamay niya sakin.

"Hm?" 

"Let's dance" o-okay. kaloka! Nakakakilig naman ito! eh, nasan yung sound system? 

"Hm, walang music?"

"Meron." hinawakan niya yung bewang ko ng isang kamay at nilagay naman niya yung kamay ko sa balikat niya. Tapos yung isa naming kamay ay magkahawak. Basta yung parang magsasayaw. Kilig!

"San?"

"Dito" sabay turo niya sa dibdib niya "at diyan" tinuro niya yung dibdib ko.

Napangiti nalang ako sa kakornihang banat ni Ice pero nakakakilig talaga. We swayed kahit walang music. Pinikit ko ang aking mata. I rested my head on his chest and I could hear his heart beating fast. Ang sarap ng feeling ng ganito. Yung taong mahal mo ay malakas ang tinitibok ng puso para sayo at para sayo lamang. I could feel his warmth around me. 

"Liz, bakit teardrop?" I heard him chuckle. 

"Hm...'cause my tears are only for you?" wala kasi akong maisip na magandang banat e. "Basta nung umiiyak ako, ikaw ang nandyan. Sounds too mushy but I really felt you wouldn't leave me that time. That you'll always be here by my side. That I'm safe and secure kapag nandito ka. Kaya nung nakita ko yan...I want to dedicate my tears only for you. Tears of happiness...even tears of sadness...That's what I thought the time I bought that." 

Lahat ng emotions I felt for Ice ay inilabas ko. This seems too perfect but who the hell cares. These hugs, these kissese, these dates...these perfect dates, his warmth, his smiles, his everything. I just love him so much. Alam kong mabilis but I couldnt help it. I just love him. Kung darating man ang panahon na mag-aaway o may pagsubok na dumaan samin, alam kong magkakaayos din kami. If we truly love each other, we could make it through. 

Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Ice. I really love this feeling. I really am. Masyadong nakaka-overwhelm. Hindi lang nakakasuka ng rainbow, nakakaiyak pa.

"Sana hindi 'to panaginip" sabi ko. Feeling ko kasi sobrang ligaya ko parang illegal na tuloy.

"No, it's not." 

"I know" beacuse he's here. He's real.

I always wish for this...to love and to be love in return for real.

"Ice, I really do love you" ngumiti ako sa kanya pagkasabi ko nun. Ngumiti din siya at hinalikan ako sa noo. 

"Me too, Liz. I love you so much that I think my heart would explode anytime." napangiti ako sa sinabi niya at of course kinilig.jusme! grabe naman yun. Sana naman hindi mangyari yun kasi mawawalan ako ng boyfriend.

"Liz, always believe in magic" he said then he lifted my chin.

I felt his lips into mine once again. Slowly and passionately. I really feel I am being love in return. And I'm glad about this. I love Ice Howard so much.

THE DAY I MET ICE HOWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon