The Day Ice Howard Kissed Me

28 2 1
                                                  

Naging okay na ko pagtapos nung eksenang yun. Mabuti nalang talaga at nandon si Ice. Medyo na-guilty nga ako kasi parang lumalabas na ginagamit ko lang siya para maging masaya ko. Alam ko naman sa sarili ko na nahuhulog na yung puso ko kay Ice. Pero di pa rin maalis sakin yung sakit nang niloko ako ni Neil. Na pinagpustahan lang ako kasama din dun si Ryan. Kaya nga nagbreak si Ate at si Ryan nang dahil sa pustahan na yon. Nasa tabi ko lang si Ice nung hapon. Hindi muna ko hinatid ni Ice hanggang sa di pa nakakauwi si Neil. Dahil baka masuntok na naman ni Ice si Neil.

"Liz, tama na! Mas nasasaktan ako kasi nasasaktan ka. Tumahan ka na Liz. Nandito lang ako okay." yan ang sinabi niya sakin.

Nasa tabi ko lang siya hangga't sa tumahan ako at umuwi ako. Nagsorry sakin si Ate at si Ryan. Wala na naman silang magagawa, nangyari na.

Kinabukasan, nagligpit na ko ng gamit para sa klase ko. Magtetext palang ako kay Ice kaso nauna na siyang magtext sakin.

'Have a nice day, Liz! Cheer up, okay? Take care. I love you'

Napangiti ako sa text niya. How sweet! Kaya tinext ko din siya na mag ingat din. Todo naman sa pangingiliti ang mga paru paro sa tiyan ko. 

Wala naman masyadong kaganapan. Ganun pa din, nakinig lang ako sa mga lesson at nakipag-chikahan din sa mga friends. Tinext din ako ni Ice at niyaya na mag-dinner. Kinilig naman ako sa invitation niya. At siya namang aking tinanggap. 

Pagkatapos ng klase, sinundo niya ulit ako. Pumunta ulit kami sa park. Talagang favorite niya yung lugar na 'to ah. Naghanda ulit siya ng candle light dinner. 

"Favorite mo talaga 'tong lugar na 'to nu," sabi ko habang nakain kami. Napangiti siya sa sinabi ko.

"Alam mo bang konti lang ang napunta sa park na 'to."

"Hm, talaga? Bakit naman? Ang ganda kaya dito. Tahimik pa, at saka yung fountain talaga yung pinakanagustuhan ko dito sa park na 'to." napangiti ulit siya.

"Konti lang talaga ang pumupunta dito kaya ang lungkot dito. Pero nung dumating ka unti unting sumaya ang park na 'to." hinawakan niya yung kamay ko habang sinasabi niya yun.

Napaisip tuloy ako. So sakin nakasalalay yung mood ng park?

"Stargazing tayo, gusto mo?"

"Sure."

Nang natapos kaming kumain ni Ice, naglatag siya ng mat at doon kami nahiga. Sabi pa nga niya na October-February daw maganda mag star gazing kasi kitang kita daw yung mga stars. At totoo nga, napakaganda at malinaw na malinaw kong nakikita ang mga stars. Naglaro pa nga kami na paramihang makakita ng constellations. Nakakatuwa nga e, kasi isa lang naturo ko. Yung Orion's belt lang o Tatlong Maria. Samantalang siya big dipper, Orion at kung anu ano pang constellation ang nakita niya. Kulang nalang nga ituro niya na yung constellation ng zodiac signs. Tinuro niya din sakin yung mga planeta na mukhang stars tulad nung Venus at Uranus. Ang galing niya nga e, di ko alam na may passion siya sa mga ganito.

May nakita pa nga kaming shooting star e kaya nag-wish ako. Hiniling ko na sana di na matapos 'to. Sana nasa tabi ko nalang si Ice habangbuhay.

"Anong hiniling mo, Liz?" humarap siya sakin.

"Secret, bawal sabihin baka hindi magkatotoo, ikaw anung hiniling mo?"

"Wala. Hindi naman ako pwedeng humiling." nag iwas siya ng tingin sakin. Nagtaka tuloy ako.

"Bakit naman? Tao ka rin naman ah." tumawa siya pero halata sa mata niya ang lungkot. Tapos nagkaroon ng katahimikan.

"Naniniwala ka ba sa magic?" biglang tanong niya. Weird question.

"Hm, ayos lang. Wala namang mawawala kung maniniwala ako dun. Ikaw nga naniniwala sa magic e"

"E, bakit hindi ka naniniwala dun?" ang cute niya, nag pout pa. "Please, believe in magic, just for a while" hehe, bakit ba mapilit siya masyado sa magic na yan? Para tuloy siyang bata.

"Para kang bata, Ice. Ilang taon ka na ba?" nag-pout ulit siya tapos tumingin ulit sa stars. Haha, ang cool-it naman nito magtampo. Simpleng magic lang.

Kaya ang ginawa ko, umupo ako at nilapit ng konti yung mukha ko sa kanya. Medyo nagulat ako sa ginawa ko. Face to face na tuloy kami. Nakaupo ako at nakahiga siya. Natulala rin siya sa ginawa ko.

"Sige na po, Ice. Naniniwala na ko sa magic kahit kay Tinker Bell pa o kahit sa magic dust pa." ngumiti siya pagtapos kong sabihin iyon sa kanya.

"I love you, Liz" natulala ako sa sinabi niya. I could feel his breath when he said those words. I could feel every beating of my heart after he said that. Our faces are so close right now and I could see him breathing hard.

The next thing I knew, our lips met. His lips taste like mint. His breath inside his mouth were warm. I could see fireworks as I close my eyes and I feel his kisses into mine.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE DAY I MET ICE HOWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon