The Day Ice Howard Dated Me

35 2 0
                                                  

Ngayong araw ang date namin ni Ice. Grabehan na talaga itu! Di ko inakala na magde-date kami . Sabagay, sinabi na nga niyang he likes me, edi sana pa ba ang tuloy nun? 

So eto ako, nagpapakababae. Hinanda ko ang sarili ko para sa date na 'to. Confidence and humor. haha anong konek ng humor? basta, nagpaganda din ako ng bongga syempre para magpa-impress. 

At yung papel na yun, ayun tinago ko nalang. Tinanong ko si ate nung kinaumagahan e, wala daw siyang kinalaman dun sa papel na yon. Kung gagawa daw siya prank, bubuhusan nalang niya daw ako ng malamig na tubig. Ang witch talaga ni Ate. 

Dahil natapos na din ako sa ilang oras na pagpapaganda at pagpipigil ng kilig ay pumunta na ko sa mall kung san kami magkikita ni Ice.

Nagkita kami ni Ice, grabe so gorgeous. Drop-dead gorgeous. Nanuod kami ng sine at kumain sa isang restaurant. He even hold my hand when we're on our date. Kinikilig ako ng sobra. And isa siyang gentleman. Yung pagbubuksan ka ng pinto, ayun kulang nalang pati ladies room kusa niyang buksan. Pero joke lang yun, as if naman. Abuso yon pag nagkataon. 

"San mo nakuha yung number ko?" tanong ko sa kanya habang naglalakad lakad kami. Kasi wala naman siyang matinong naisagot sa tanong ko sa kanya dati.

"Hm..di ba sabi ko sayo sa Magic" Ayan na naman. Napakamapagbiro talaga niya pero bakit kinikilig pa din ako?

"I don't believe in magic"

"Talaga, edi you don't believe in me" sabi niya at nag-pout pa siya ng seductive lips niya, parang bata lang. At teka, pinagnasaan ko naman masyado ang lips niya ha.

"Bakit, magic ka ba?" sabi ko at natawa ko. 

Nagsmile lang siya sakin at hindi sinagot yung tanong ko. Napakacool-it talaga niya. 

Pagkatapos namin maglakad lakad sa mall ay niyaya naman niya ko na pumunta sa park. Dun daw sa favorite park niya. Ang cool niya talaga! he even loves nature. Nung pumayag ako sa kanya sobra siyang naging masaya. Kulang nalang magtatalon siyang parang bata pero tumawa lang siya at ngumiti ngiti. He's really adorable.

"We're here." sabi niya at lumabas siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Nakit ako ang park. Hm, simple and peaceful ang aura niya at may nakita pa kong magandang fountain dito. Pero pakiramdam ko, nakarating na ko dito. Pero di ko naman alam ang lugar na 'to. Feeling lang. Familiar feelings kumbaga.

"Let's go" he offered his hand and I accpeted it. He lead me to the fountain and we sat at the nearby bench. But I still feel this familiar feeling.

"This is my favorite place. Dito kasi ako nanggaling." 

"Huh?" sa fountain siya nanggaling?

"Taga-rito kasi ako." okay medyo bobo lang,

"Jusme akala ko sa fountain ka nanggaling." ang korni naman ng joke ko baka ma-turn off sakin si Ice.

"Pwede din" aba sinakyan niya ang joke ko, mahal ko na ata siya. 

"Hindi ka natawa sa joke ko nu."

"Hindi naman natawa naman ako nu." 

"Hay nako, I don't believe you, either you like the joke or you like me."

"Exactly, I like you" aww grabe naman, nginitian niya ko. Kinilig ata ako. Wait, mukhang susuka ata ako ng rainbow dito. Ayy, nakakahiya naman pag nangyari yun. Pero sobrang kilig ko dito.

The whole afternoon nandito lang kami ni Ice sa park. Ang peaceful talaga ng aura dito. Konti lang ang tao. Perfect place for a perfect date. Para sakin. Maghapon din kaming nagkwentuhan dito. Maghapon kaming nagtatawan. Sobrang cool niya pa rin para sakin. And ang bango niya pa din. Pati scent napansin ko nu. Ang bango kasi, yan talaga yung pabangong gusto kong amuy-amuyin. At saka grabe, sususka talaga ako ng rainbow mamaya. Pati yung mga butterflies wagas talaga kung makakiliti. Hays, mukhang mahuhulog na ata ako sa kanya. 

"Alam mo Liz, this place is my favorite place. Gusto ko sana ibahagi ang isa sa aking katauhan" sabi ni Ice. Grabe naman ang lalim ata ng tagalog niya. Nose bleed ng kaunti. Pero nakakakilig.

"Really? Then, thanks for sharing one of your favorite place." Gusto mo pa i-favorite place ko na din 'to para sayo Ice.

Naramdaman kong hinawakan ni Ice yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Pagkatapos, hinalikan niya yung likod ng kamay ko.

"I'm not here without you, Liz." he said in his cool, calm and soothing voice.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LOL hindi pa ko mamatay bakit walang humapay ang pasasalamat ko xD

THE DAY I MET ICE HOWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon