The Day I Noticed Something from Ice Howard

25 1 0
                                                  

Another date!

Medyo malandi lang.Ganoon talaga! Ngayon naman sa Tagaytay daw kami magde-date. At overnight ito. Syempre, di lang kaming dalawa nu. Hindi pumayag si Mama at Papa. Kahit daw payag sila kay Ice na siya ang maging boyfriend at asawa ko. LOL asawa. Kaya ayun kasama si Ate at si Ryan. At eto on the way na kami papunta doon.

Oo nga pala kanina habang nagliligpit ako ng gamit may napansin na naman akong 'weird' sa kama ko. Eto na naman yung papel na parang treasure map. Ewan ko ba, baka kay Ate na naman yun. Nako talaga! At napapaisip talaga ako dun sa papel na yun, nung una 'Be careful what you wish for 'cause you just might get it' ngayon naman 'Even wishes has its time limit.' Buti na nga lang hindi na naman siya isang PussyCat Dolls lyrics e, haha. Baka nga si Ate na naman yung may gawa nun. Ang lame ng prank niya these days ah.

"Baby" napalingon ako kay Ice na ngayon ay nagda-drive.

"Hm?" napangiti ako.

"Okay ka lang, may iniisip ka ata?" Nakatingin siya sakin ngayon. Nakatigil pa kasi traffic light.

"Wala naman baby." ngumiti ako sa kanya. Kasi naman yung papel na yun e. Nung niliko ni Ice yung kotse nakita ko yung relo niya. Ang weird naman nung design. Imbes na yung standard na relo na may roman numerals at yung mga ordinary numbers, hour glass yung design niya dun sa bilog.

"Weird." napalingon sakin si Ice pagkasabi ko nun. 

"Hm..something wrong baby?"

"You're watch..." napatingin siya sa relo niya.

"Ah..this one.." ngumiti siya ng cool niya ngiti sabay sabing "It's magic"

Napangiti at natawa nalang ako sa palusot niyang iyan. It's always magic for Ice Howard. Ang walang kamatayan niyang linyang magic. Hinayaan ko nalang pero hindi ko pa din maiwasang mahiwagaan sa relo niya.

Ilang oras din bago kami nakarating sa isang five-star hotel dito. Sila Ate at Ryan ay tulog lang buong byahe kaya medyo tahimik din nung byahe. Noong una ay nag-aaway pa yung dalawa pero kinalaunan nung byahe magkadantay naman. Sus, si Ate talaga minsan topakin. Ginising namin sila at umakyat na sa hotel rooms. Ako at si Ate ang magkasama sa isang kwarto at si Ryan at Ice naman sa kabila.

Nung natapos kaming mag-imis at magpahinga ng kaunti, pumunta kami sa isang Nature Park. Nakakatuwa palagiang sa park ang date namin. Medyo nakakamiss din pala yung park na lagi naming venue ng date ni Ice. Pero maganda dito. Ang lamig ng hangin, walang polusyon. Salamat at nakatakas din sa mausok at maingay na syudad. Nagpicnic kami, nag-horse back riding at pumunta sa zoo. Basta masaya lang. At syempre, yung kasama naming couple away-bati. Si Ate kasi nagger eh. Kawawa naman si Ryan. hahaha. Buti nalang kami ni Ice.

"Hm, Ice...do you still have family?" eh kasi naman hindi ko pa ito naitatanong sa  kanya at saka di niya pa ko pinapakilala sa family niya. Tumingin ako sa kanya at umiling siya. It means wala na siyang pamilya. I just hugged him tight nung nalaman kong ulila na siya. Gosh!

"It's okay Liz, as long as I have you, you're my famiy" sabi niya sakin. Naiyak naman ko ng rainbow dun. 

Pagkatapos namin pumunta ng park, bumalik na kami sa hotel at kumain ng dinner. Si Ate at Ryan sa ibang lugar kumain. Sinabi sakin ni Ryan na magpo-propose daw siya kay Ate. Gusto niya i-surprise kaya ayun sa ibang lugar sila pumunta. Hm, nalungkot naman ako sa nalaman ko kay Ice. Ang lungkot kaya pag walang pamilya pero siya nakaya niya. Kaya mamahalin ko pa si Ice lalo hindi dahil sa awa kundi dahil mahal ko lang naman siya ng lubos. Hindi ko na rin tinanong kung anong kinamatay ng parents niya kasi wala baka ayaw niyang pag-usapan.

Pumunta na kami sa kanya kanyang hotel room. Wala pa din si Ate saka si Ryan san kaya pumunta yung mga yun. Eh hindi pa naman ako inaantok kaya tumawag ako kay Ice. Nahihiya ako kasi naman baka tulog na siya.

"Yes baby?" grabe naman. Narinig ko ang malamig at malambing niyang boses.

"A-ahh..hindi pa ko inaantok." 

"Hm...stargazing?" 

"O-okay lang ba sayo? baka inaantok ka na eh"

"No. Anything for my Liz" tumawa siya. Nakakaiyak talaga ng rainbow.

Kaya naman lumabas kami sa hotel. Nandito kami sa may garden ng hotel na 'to. Sosyal di ba? Nagrequest din si Ice ng telescope at ng mat sa mga staff. Grabe meron nga silang telescope dito. WOW!

Humiga ako sa mat para makapag-star gazing na. Siya naman inaayos yung telescope. Hindi ko pa din maiwasn tignan yung relo niya na may design na hourglass. Bakit kaya? ano kayang meron dun? Nakakapagtaka pa din kasi e.

"Ice,"

"Yes, baby?" napalingon siya sakin at ngumiti. Pamatay talaga ang ngiti ni Ice.

"Kung okay lang sayo, pwede bang hiramin yung relo mo?" napakunot pa siya ng noo nung una pero binigay niya din sakin yun.

"Sure, baby" at bumalik na ulit siya sa pagsilip dun sa telescope.

Habang busy siya dun, ako naman busy sa pagtingin dito sa relo niya. Pinagmasdan kong mabuti ito. Pinagbali-baligtad ko na din yung sand sa loob nito pero wala. Kumikinang din yung sand sa loob. Sand pa ba ang tawag dun kung it's shine bright like a diamond. Haha napakanta pa tuloy ako. Ang kinang kasi talaga e, Pero gold yung kulay.  Pero weird talaga ang relo na 'to. Million times ko nang pinagbaligatd ang relo niya wala pa rin. Umupo na nga ako ganun pa din, malapit nang maubos yung sand sa itaas. Ayaw naman bumaba nung mga sand kapag binabaligtad. Hay, kaloka naman 'to. Malapit na kong ma-frustrate.

Nagulat ako ng biglang niyakap ako ni Ice. Kahit napaka-cool niya, ramdam ko pa din ang init ng katawan niya. This is the warmth of the cool guy I fell in love with.

I felt that he kissed my temple and he whispered something that suprised me. It surprised me to the point that I really felt that my heart would explode, not because of happiness but because of pain.

"Iaalay ko sayo ang natitirang oras ko"

THE DAY I MET ICE HOWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon