The Day I Met Ice Howard

73 3 1
                                                  

"Lizzy, tara na!" sabi sakin ni Ate Andy sa palabas ng kotse. Nakita ko ang isang banner sa isang harap ng restaurant at may design na hearts at baloons pa.

Seriously, blind date event?

I'm only 20. bakit ba kailangan isama pang isama ko ng kapatid ko dito? yeah, kapatid ko yan 23 na siya at naghahanap siya ng mapapangasawa. Oo, mapapangsawa. At eto lang ang tanging paraan na naisip niya. Ang pumunta sa blind date event na ni-organize pa ng ex niya. Oo, ex-boyfriend.

Kung bakit siya mag-aasawa, yun ay dahil sa kakulitan ni Lola. Gusto na daw nitong mag-asawa si Ate. Ang kaso lang naghiwalay ng si Ryan at si Ate. Ang ending ni Ate ay ipakasal sa kapit-bahay namin. At eto ang dahilan ng pagiging desprada ni Ate. Ang pumunta sa blind date. Desperate measures daw.

"Push ko na 'to" sabi niya pa ng may determinasyon bago kami pumasok. 

"Ayaw mo lang ma-arrange sa kapitbahay natin" tumawa ko ng malakas. Grabe naman kasi yung kapitbahay namin e. Wala, he's so funny at...

"Yeah, funny Lizzy." sarcastic niyang sabi kaya naman tumigil na ko sa pagtawa baka magalit ang witch.

At pumasok na nga kami sa loob. Well, pagkapasok ni Andy,este Ate nakihalubilo agad siya sa mga boys ako naman dito muna sa may bar stool. Ayoko munang makipag-mingle. Ilang mga minuto, nakikita ko naman na Ate's doing well. May pangiti ngiti na nga siya ngayon e. At ako naman, I am also chatting with guys. Some were hot na parang mapapaso na ko dahil hindi pagiging friendly ng pinapakita niya, friendly fire na ata. Meron naman na halos nakatulugan ko na dahil wala siyang sinasabi. Meron naman na nanggaling ata ako sa Mars kasi hindi ko talaga maintindihan ang alien word at pilit niyang English na pinasakit lang ang ulo ko.

Until someone caught my eye...

Lumapit siya sakin dahil siguro napansin niyang matagal ko na din siyang tinititigan. I can't take my eyes of him. Lakad palang parang magdo-drool na ko. Sobrang cool kasi. Hindi ko pa man din gawain ang mag-drool kaso iba 'to. He's rare.

"Hi, Miss. May I know your name?" nginitian niya ko. 

Kahit yung ngiti pang-toothpaste commercial, nakakasilaw pati ang puting mga ngipin. Pati kakisigan niya, tamang-tama lang. Hindi siya ganun kapayat at hindi din naman pang weightlifter ang katawan. I feel like throwing up a bunch of rainbows.

"Miss?" kumunot siya ng noo. 

"A-ah, Sorry. I'm Elizabeth Santos, you can call me Liz or Lizzy." ngumiti ako at nakipag-shake hands sa kanya. Napaka-soft naman ng palad niya. Bibihira 'to sa isang lalaki.

"Elizabeth, nice name. Eli, Liza, Beth, so many to choose from" sabi niya while counting from his fingers. Teka, namimili ba siya ng pwedeng itawag sakin? Then he snapped out from his thoughts.

"Oh, sorry. I'm Ice Howard" nagshake hands kami.

Ice? Really?

"Bakit parang hindi ka ata makapaniwala? Do you want to see my I.D?" akma pang may ilalabas siya sa bulsa niya.

"Ah, no, no no." sabay wave ko ng mga kamay. Nagulat lang naman ako kasi "It's just.." ano bang word na babagay para hindi siya ma-offend? hm, isip isip.

"Weird" he chuckled.

"No, it's just rare." sabi ko. phew! pwede na siguro yun.

"Okay, just like you. You're different" HA?

"In a good way. I think I like you"

WHAT?

Nagulantang naman ako dun. Like agad? We were just talking here for 5-10 seconds tapos like agad? Ganito ba talaga dito sa blind date? Sa sobrang desperado na ng mga tao na magka-love life ay agad agad na magsasabi ng 'I like you'?

"Oh..Kay. Thanks, I guess" medyo nagblush pa ko sa pagsabi ko nun. KAsi naman e, like agad? parang di pa nga nakakatagal ng isang oras ang pag-uusap namin. Anong katalandian ang taglay ni Ice Howard?

"You're so cute, Liz"

Napayuko ako sa kahihiyan kasi naman cute daw ako oh. Baka mamaya mapuno na ng sahig ng suka na rainbow. Ano kaya ang itsura nun?

Bago pa man ako sumagot sa sinabi ni Ice Howard ay hinigit na agad ako ni Ate Andy. Sayang, ilang minutes palang kaming nagkakausap. I want to know him more. Dahil parang si flash si Ate hindi ko na nagawang makawala sa kanya. Ano na naman kayang problema ng witch na 'to? Sayang talaga. Sobrang laki ng panghihinayang ko. 

Sumakay na kami ng kotse at nakita kong nakasimangot si Ate. Uh-oh. I know that look. Bitterness. Teka, I just found her while ago na maayos naman na nakikitungo sa iba at may pangiti ngiti pa. 

Did they see each other?

"Ate" try nga baka tumama ang conclusion ko.

"What?" tsk. iritable ang boses. Tama nga ko.

"Something happened?"

"Yeah, Ryan wants me back" she said with a cold voice. "Oh God! After all this time, after all he has done to me, and...you. After all that shit. Pinatawad ko siya nung...at bigla biglang nakipaghiwalay siya. Damn him" sabay palo niya sa manibela. 

"Do you still love him?" natulala siya sa tanong ko. At biglang nag-iba ang expression ng mukha niya.

Oh no! I'm doomed.

Narinig kong bumuntong hininga muna siya bago nag-drive. At ang ending, karipas ang pagmamaneho niya. Wew! ang hirap talaga kapag may bitter na kapatid.

Pero di ko pa din malimutan ang pinaka-cool, pangalan palang, na lalaki na nakilala ko. Ice Howard. HAhaha, sayang talaga! kung hindi lang ako hinila ni Ate e, jackpot na sana!

pero okay na din, kasi baka ang sumunod niya nang sabihin ay I Love You masyado naman atang mabilis yun pag ganon.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Salamat kay AlterStrike54 sa pagrereview ng stories ko sa dating account. Simula palang RX2. ibabalik ko yun pramis. wait wait lang. :)

THE DAY I MET ICE HOWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon