The Day Ice Howard Had Hurt Me

25 1 0
                                                  

"Iaalay ko sayo ang natitirang oras ko" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa kanya.

"Ice, what does that mean?" nalilito pa din ako. Hindi naman ako bobo para hindi malaman ang ibig sabihin ni Ice sa sinabi niya. Gusto ko lang makasiguro sa mga iniisip ko. Na sana mali ang kung anumang tumatakbo sa isip ko.

Pero hindi niya ko sinagot. Nakita ko lang sa mga mukha niya ng lungkot at nangingilid niyang mga luha. I can't believe this. Ice Howard is crying in front of me.

"Ice..." my voice almost cracked.

"I'm so sorry Liz" what is he sorry for?

"Ice, what does it mean? Are you dying? Mamamatay ka ba? Please tell me." Ang sakit sa pusong pakinggan yung sinabi ko.

"No, Liz"

"Then what?" I asked irritatedly. Please, Ice wag mo naman akong biruin ng ganito.

"Would you believe anything I will say?"

"Of course Ice,"

"Would you believe that I'm one of the magic you had wish for? Would you believe that I'm created by magic?"

Naguluhan ako lalo sa kanya. And in my frustration, tumayo ako. Nababaliw na ata ako sa mga tinanong niya sakin. Anong kalokohan 'to, Ice? Hinawakan niya yung braso ko pagkatayo ko.

"I only have few times left, Liz. I'm not supposed to tell you this pero ayaw kitang saktan." damn this, feeling ko niloloko ako dito.

"Ice, what the hell is this? Is this some kind of prank? kasi hindi nakakatuwa, Ice. Baby, alam mong ayokong niloloko ako. Why the hell would you say this things? Bakit ba masyado kang mapilit sa magic na yan? Can't you tell that you're sick nalang para hindi mas masakit? I can accept it but the fact that you tell my face that you're a freaking magic I'm supposed to believe in parang niloloko mo ako. Ice, stop this prank. This isn't funny." I can't stop these tears. Kalokohan ito, what magic? Yung pambata sa fairy tale lang matatagpuan? Kung ganoon bakit ang sakit? Di ba dapat 'happily ever after' bakit parang hindi naman. Kung prince si Ice, okay sakin pero yung sabihin niyang he has few times left. What the hell? I won't believe in his freaking magic thing.

"This isn't a prank, Liz. Totoo 'to. It's real that I'm just a magic." yun lang ang sinabi niya sakin. I can't believe this! Tumakbo ako at nung gabi din iyon umuwi na ko samin.

----

"Lizzy"

"Tulog pa ko Ate, don't you dare wake me up"

"Tanghali na, may pasok ka pa. Ano bang nangyari? Nag-away ba kayo ni Ice?" tinakpan ko ulit ng unan yung mukha ko. Nakakatamad pumasok. Tumingin ako sa phone ko. Puno ng missed calls at text message.

"Ate, sabado ngayon. Wala akong pasok."

"Nandito si Ice, araw araw. Sa couch na halos natutulog. Hindi na ata napasok ng trabaho yun. Ano bang problema, Liz?" mamamatay siya at hindi niya maamin yon dahil pinagpipilitan niyang isa siyang malupit na mahika. Bullshit!

Narinig kong bumuntong hininga si Ate. Dumilat ako ng kaunti at naaninag ko ang nakakasilaw niyang singsing. Err..love ha..

"You're so stubborn, Lizzy. Ge pakabulok ka sa kama mo. May pasok pa ko." Mataray niyang sabi at umalis na sa kwarto namin. Bumalik nalang ulit ako sa pagtulog.

Isang linggo. Isang linggo na ang nakakalipas simula nung sinabi niya yon sa mukha ko. Hindi nakakasuka ng rainbow. Nakakasuka ng dugo. Ugh! this is so damn frustrating. What's with Ice? Ano ba? Ipagpipilitan niya bang 'magic' na pauso niya? Hindi ako maniwa-niwala. Will he stop this damn prank already?

Lagi nalang tuloy akong late ngayon sa school. Late kasi palagi akong tulog. Ganito ako kapag frustrated, depressed at nawawarak ang puso. Damn heart. Halos wala na akong kinakausap sa klase ko. Sinusundo din ako ni Ice galing school. Hindi ko magawang pansinin siya. Hindi ko alam kung malulungkot ba ko, maaawa o masasaktan. Kung may sakit siya sa kung ano mang parte ng puso at katawan niya, please pakisabi nalang ngayon. Hindi yung magdadahilan pa siya na kesho isa siyang mahiwagang tao. Nakakainis lang diba. I feel like I'm being cheated. Mababaw kung para dun sa ibang napagtataksilan, pero masisisi niyo ba ako? Bwisit, para akong niloloko for the second time around. Alam ko kahit hindi naging kami ni Neil ay niloko niya pa din ako. Niligawan niya ko  tapos pinagpustahan pa. 

Sa sobrang pag-iisip ko, nakatulog nalang ako.

-----------------------------------------------------------------

[flashback of what happened a year ago]

Tumakbo ako ng nalaman ko ang katotohanan. Nakakainis na luha, it won't stop. Hindi ko man lang napansin na pinagpupustahan na pala ako. Hindi ko man lang napansin yon. Damn, I was too blind to see that. I like him so much at masaya ko kasi akala ko he also likes me back. Pero hindi pala.

Sa sobrang inis ko, sumakay ako ng jeep at bumaba sa isang park na never ko pang narating. Never ko pang nakikita. Walang katao-tao kaya doon ko ibubuhos lahat ng frustrations ko. Pumunta ako sa may fountain na nilulumot. Maganda sana ang design kung hindi lang nilulumot. At ang buong paligid, puno ng dahon mula sa nalalagas na puno. Patay na patay ang park na 'to. Perfect place para ipagluksa ang namatay kong puso.

I'm a hopeless romantic. I do admit it yet I regret it. Ni hindi ko man lang inalam na ganito pala kasakit. Sa pagiging hopeless romantic ko, here I am crying in front of the nilulumot na fountain.

"Hey you stupid cupid" I shouted. Wala namang tao at wala akong pake.

"Why did you let me fall in love with a person kung alam mo naman palang pagpupustahan niya lang ako." Nakakabaliw na ang nangyari sakin.

"Alam mo bang nakakainis ka Cupid, beacuse of you...it's because of this stupid fairy tales that I like. It's because of this romantic bullshit that you've given me hope." sinisi ko na lahat ng dapat sisihin kahit alam ko sa sarili kong hindi dapat. I fell in love to much and this is what I get.

"What the hell did I do wrong? Mabait akong bata. I just want someone to love me in return yet this is what I get?" mas lalo na akong naiyak na parang bata. Niyuko ko ang sarii ko sa nilulumot na fountain.

"I just wish for someone to love me in return..." I said in between sobs.

THE DAY I MET ICE HOWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon