The Day Ice Howard Saved Me

30 2 1
                                                  

Wala akong pasok ngayon. Mabuti naman dahil alam kong uusisain na naman ng mga kaibigan ko ang lovelife ko. hehe. Kung alam niyo lang ang hirap magkwento sa sobrang kilig. Baka makaluwa ako ng rainbow kung magkukwento ako. Sobra kasi yung kilig at kaligayahang naramdaman ko kagabi. Alam kong korny kasi isang simpleng candle-light dinner lang yun pero iba yung epekto sakin. I really do think I fell in love with him.

"Hoy, ngingiti ngiti ka dyan, kay aga aga."

"Sus, inggit ka lang Ate."

"Che! Ay oo nga pala pupunta dito si Ryan pati na rin kaklase namin nung college" sabi ni Ate.

"Okay."

"Sure ka Lizzy?"

"Oo, okay lang." kasi alam kong may darating na kung sino man. Makatanong naman to si Ate eh,

Three hours later, dumating si Ryan. Siya palang. Nagulat ako nang makita kong nagbeso beso pa yung dalawa. Something is fishy, hehe. Ngumiti din ako sa kanya. Okay na naman siguro ang lahat, pati siya ok na di ba?

"Sorry nga pala sa nangyari, Lizzy" sabi ni Ryan na ngayon ay nakahawak sa bewang ni Ate. Sus si Ate naman, mukhang kinikilig sa ginawa ni Ryan.

"Okay lang Kuya Ryan. Di naman kayo yung naloko. Saka mapapatawad kita kung totohanan na naman yan e," ngumiti ako ng nakakaloko kasi nakakaloka silang dalawa. Haha Kitams, nagblush pa si Ate bago kumawala sa hawak ni Ryan.

"Sus! Kayo talaga, pinipigilan nyo pa sarili niyo. Di niyo naman kailangang madamay dun sa nangyari kaya humayo kayo't magpakarami." 

"Hoy! anung humayo't magpakarami yang pinagsasasabi mo?" binatukan pa ko ni Ate. 

"Tara na Andz," oh kita mo?

"Wow at sinunod nyo nga suggestion ko," tumawa si Ryan at sumimangot na nagblush si Ate.  It's time for my revenge. 

"Gaga, magluluto kami. Parating na din yung iba, ikaw mga kalokohan mo" humarap naman siya ngayon kay Ryan "Ikaw naman, tatawa tawa ka pa dyan, edi ikaw na magluto."

"Haha, sorry na Andz" nag-walk out si Ate at sinundan ni Ryan. Kaya ako lumabas na muna, sa terrace lang naman. Wala papahangin at maghihintay sa text ni Ice. 

"Lizzy" minulat ko yung mata ko. Nakatulog pala ko dito, at nakarinig pa ko ng boses na pamilyar sakin. Parang na bad vibes tuloy ako ng wala sa oras.

"L-lizzy" sinasabi ko na nga ba!

"Oh?"

"Usap tayo." nagmamakaawang sabi niya.

"Naguusap na tayo." Ewan ko ba, parang naiinis ako na nasasaktan. Na naman. Nandito siya, dapat handa ako e. Bakit ganito? Hindi ako makahinga kasi may kumikirot sa puso ko. Masyadong masakit.

Kaya tumayo ako sa duyan kung san ako nakatulog kaso hinawakan niya yung kamay ko. Bwisit. Hinahawakan na naman niya yung kamay ko.

"Neil, bitawan mo yung kamay ko." nakatalikod ako sa kanya at hawak nya pa din ang kamay ko. Ayoko siyang tignan. Masyadong masakit pero nanghihina ako na di ako makagalaw.

"Lizzy, sorry. Please, pwede bang ako nalang ang gustuhin mo? Nung nakita kitang may kasamang ibang lalaki saka ko na-realize na mahal kita." Nawala ang sakit na nararamdaman ko at napalitan ito ng galit. Galit dahil hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi. Galit dahil alam kong lokohan na naman ito,

"Ano 'to Neil? another bet? Neil, hinding hindi na ko magpapaloko sayo." sabi ko at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tama na ang katangahan ko sa paghahabol at pagpapaloko sa taong minahal ko at pinaasa ako. Tama na.

"Bitawan mo nalang ako, Neil. Wala akong panahong magpaloko sa pustahan niyo."

"Ayoko Lizzy, please." hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko.

"ARAY, ano ba sabing bitawan mo ko e" nagpupumiglas ako kaso hindi ako makawala. Pilit kong inaalis.

Sa isang iglap nakita kong may sumuntok kay Neil. Napalabas ng bahay sila Ate at Ryan.

"I-Ice" nakita ko ang galit sa mukha niya. Si Neil naman nakahandusay sa sahig at hinawakan ang nagdugo niyang labi.

Natulala ako hanggang sa hinila ako ni Ice palabas ng bahay namin. Sinakay niya ko sa sasakyan. Di ko pa rin mapigilan ang mga luha ko.

"I don't want this, Liz. You're not happy" pinunasan niya ang luha ko.

Dinala niya ulit ako sa park na paborito niya. Nakakahiya na nakita niya kong umiiyak pero ramdam ko din ang saya na nandito siya sa tabi ko. Ramdam ko ang yakap niya na para bang palagi niya kong poprotektahan. He saved me.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

THE DAY I MET ICE HOWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon