Chapter 8 - Hello, VIOS!

Start from the beginning
                                    

Oh, my God! Anong ginagawa ng taong ito dito? Diyos ko!

I started to panic and take deep breaths.

Tapos, sunod-sunod na katok na ang ginawa niya sa pinutan ko.

Waaahhhh!!! Tulong!!!

Hinarang ko yung mga braso ko sa pintuan.

"Oy, Xander!" he said. "Ba't mo ako sinaraduhan? At para saan ito?"

I swallowed hard.

Bakit ba ngayon lang ako natauhan samantalang kagabi ko pa siya nakilala! To top it all, this man's a gang leader! He's an extremely dangerous man at ang lakas pa ng loob ko kagabing... Oh, My GOD!

"Open, up! Come on!" sigaw ni Zero mula sa labas ng pinto.

Gusto kong sapukin ang sarili ko dahil naalala ko yung mga nangyari at ginawa ko kagabi.

Ah! Basta! Hindi pwede! Hindi pwedeng makapasok dito sa loob ang taong ito! Yung mga pangyayari pa lang kanina! Naku! Ayoko na! Ayoko ng maulit pa!

Then, I heard my door knob turn.

Nanlaki ang mga mata ko when I realized the biggest mistake that I did.

WWWWWAAAAHHH! BAKIT HINDI KO NI-LOCK?

Bumukas agad ang pinto na sinasandalan ko. Sinubukan ko pang isara ulit at nakipagtulakan kay Zero pero nag-wagi ang loko and I was pushed away on the face by the door effortlessly.

Next thing I knew, kaharap ko na si Zero, habang hawak niya sa isang kamay yung first aid kit ko.

"Hello, Good morning!" he grinned at hinampas niya ulit ng pagkalakas-lakas ang balikat ko.

"ARA-hem!" napangiwi ulit ako at itinago ko ang sigaw ko sa kunyaring pag-ubo. "AHEM!!! AHEMMM!!!"

Hinilot ko yung balikat ko na hinampas niya.

Grabe, kung makahambalos naman akala mo hindi ako tao! Mukha ba akong labada at kamay niya ang palu-palo para gantuhin niya ako? Ang sakit lang! Sobra! Kagabi pa siya, ah!

Inilapag niya yung first aid kit sa lamesa sa tabi at pumasok lang siya ng dire-diretso.

"Ganda ng apartment mo," sabi niya habang nakasuot sa loob ng bulsa niya ang mga kamay niya. Dahan-dahan pa niyang nilibot ang buong apartment ko habang nakangiti. "Ang aliwalas."

Para siyang ewan. Alala mo nasa loob ng museum at puro bago sa paningin niya yung nakikita niya. Pati si Coco nga na nakapatong sa mesa, napagdiskitahan pa niya. Hinila-hila niya yung tenga tapos pinagbabato sa ere na akala mo laruan.

Ay, teka. Laruan nga lang pala si Coco.Masama ito, masyado na akong nagiging makakalimutin. Resulta ba ito ng pinaghalong stress at depression? Kung ganoon nga, I must immediately see a professional or something.

"Mag-isa ka lang dito?" he asked me.

I nodded.

"Ah, so you live alone."

Bumuntong hininga ako at sumandal sa pader habang pinapanuod ang stranger na ito na mamangha sa mga bagay-bagay na meron ang apartment ko.

Kaya naman, inilibot ko na rin lang ang mga mata ko sa bago kong tirahan mula pa nung lumayas ako sa amin.

Uhh... halos wala nga akong mga furniture sa apartment ko. Isang sofa lang at isang TV sa console area, tapos kitchen na maliit sa tabi, dining table for two, isang pintuan papunta sa banyo ko at isa naman para sa kuwarto. May paintings na nakasabit sa pader na cream ang kulay at isang balcony na may magandang view ng lugar.

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now