Nagnod ako
"Alam ko kung ano ang mga nangyari sa inyo pero ang pinagtataka ko talaga ay yung side mo na bakit hindi ka pumayag kung ganyan naman ang mararamdaman mo?"
Kapag sinagot ko sya malalaman nya ang sakit ni Miley.
"Eh kasi.........sila naman talaga ang dapat bago pa mangyari ang lahat" palusot ko.
"Sino ang nagsabi sayo?"
"Pansin ko lang"
Napabuntung hininga sya.
"Hindi mo ba alam nang dahil sa ginawa mo pumayag si Steven na pumunta sila ng Palawan para ipakilala sya sa relatives ni Miley"
Parang biglang tumalon ang puso ko sa narinig ko.
"Sa february 14 sila aalis kahit tutol ang magulang ni Steven sa plano nilang pag alis"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang sasabog na ang utak ko.
"Alam mo ba kung ano ang sagot ni Steven nung tinanong ko sya kung bakit sya pumayag?"
Napalunok ako at tinignan lang si Ray sa mata.
"Dahil yun daw ang gusto mo" sabi nya.
Nagbagsakan ang luha ko.
"Kung alam nya lang na hindi ko gustong mangyari to" bulong ko habang nagpupunas ng luha.
"Ha? Hindi mo gustong mangyari? Ang alin?"
Napatakip ako ng bibig.
Shocks! Napalakas ang bulong ko!
"Sabihin mo nga ang lahat sakin Thania"
Napakagat lang ako sa lower lip ko habang tumutulo pa rin ang luha ko.
"Ginawa mo ba yon dahil sa kagustuhan ni Miley?" tanong nya.
Bakit ba lahat ng tanong na natatanggap ko ay puro tama?!
Kaya tuloy ang hirap magsinungaling!
Yumuko nalang ako.
Bahala na lang kung ano pang isipin nya sa ginawa ko.
Ayoko ng magsalita.
Basta nasasaktan ako...
"Bakit-------"
Bigla akong tumayo kaya hindi nya na naituloy pa ang itatanong nya.
"May klase na Ray" sabi ko tapos pinunasan ko na ang pisngi ko.
"Sandali"
Lalakad na sana ako pero bigla nya akong hinila kaya naout of balance ako at napaupo sa lap nya.
Parehong gulat ang reaksyon ng mga mukha namin.
Nabigla kami nang magbukas ang pinto.
Si Steven!
Nanlaki ang mata nya pagkakita nya samin ni Ray.
"ANO TO?!" sigaw nya.
Agad kaming tumayo ni Ray pero tumakbo si Steven palapit sa kanya at sinuntok.
"STEVEN!" sigaw ko tapos hinila ko sya para tigilan nya si Ray pero hindi sya natinag.
Hawak hawak nya si Ray sa may kwelyo at pareho silang nasa sahig.
Tinulak sya patayo ni Ray.
Susuntukin pa sana sya ni Steven pero pumalagitna na ako.
"TAMA NA!" sigaw ko.
Nagsmirk si Steven
"Tss! Tama na?! Sya ba Thania?! Sya ba ang dahilan kaya tumanggi ka sa engagement natin?!"
"Steven! Mali ang iniisip mo!" sabi ni Ray habang nagpupunas ng dugo sa gilid ng labi nya.
"Anong mali?! Baka mali ang timing ng pagpasok ko! Muntik ng magkadikit ang mga labi nyo! Siguro kung hindi ako pumasok hubu't huba---------"
-PAAAAAAAAAAAK!-
"Ganyan ba ang tingin mo sakin?!" sigaw ko habang tumutulo na ang luha ko.
Hindi ko na napigilan at nasampal ko sya.
Tinignan nya ako ng masama tapos namumula ang mata nya at nanginginig sa galit ang bibig nya.
"Ano bang nagawa ko sayo Thania para iparamdam mo sakin to?"
Nabigla ako sa tanong nya.
"Ok pa sana yung una mong ginawa eh, pwede ko pang intindihin na ayaw mo talaga pero ang makita ko kayo ng matalik kong kaibigan?"
Biglang may tumulong luha sa left cheek nya pero pinunasan nya din agad tapos nagsmirk.
Lalapitan ko sana sya para yakapin pero tinabig nya ang kamay ko.
"Kahit sabihin nyong mali ang nasa isip ko, wala pa ding magbabago"
Nagsimula na syang maglakad palabas pero huminto sya sandali.
"1 more thing, Wag mong asahang magkaibigan pa rin tayo Ray" sabi nya sabay alis
Para aking nanlumo sa lahat ng sinabi nya.
"I'm sorry Thania hindi ko sinasadya"
"No Ray ok lang...." sabi ko habang nagpipigil ng iyak.
"Gusto ko lang munang mapag isa."
YOU ARE READING
MY WRONG MATCH
Teen FictionThis book is a work of fiction,names,characters,some places and incidents are product of the author's imagination and are used fititiously. Any resemblance to actual events,places or persons, living or dead, is entirely coincidental. Copyright © 201...
MWM@39
Start from the beginning
