Kabanata - 4

276 7 1
                                    

KABANATA 4



"Interesting places," ani Damien. Huminto ito sa paglalakad at sandaling minasdan ulit ang mga mata ng kaharap na ngayon ay mababanaag na ang kalungkutan. He is itching to know more about this woman's life. "Here—take this seat," muwestra nito at mabilis na umupo sa katabing upuan kaya hindi nakaangal si Tria.

Sasabihin na sana ni Tria na hindi roon ang upuan niya nang bumungad ang isang flight attendant—ulit. Ngumiti ito at iniabot ang dalawang tray ng pagkain. Maliksing kinuha iyon ni Damien at inilapag sa inayos nitong dalawang tray tables sa harapan nila.

"So, ito pala ang gusto mong ipakita sa 'kin?" ani Tria.

"You need to eat something bago lumapag itong eroplano. I know you haven't eaten anything yet." Tumusok ang tinidor nito sa lettuce at sa iba pang mga berdeng dahon sa salad, sabay subo.

Maalalahanin pala ito, sa isip-isip ni Tria. Pinipigilan niyang hindi mapangiti. Just watching him how he holds his fork and knife—now slicing his beefsteak—made her realized na nagugutom na pala siya.

"I can't," taliwas niyang sagot sa kanyang gutom. "Ayaw pumasok sa lalamunan ko, e."

"Natural lang 'yan dahil kulang ka sa tulog, nasa biyahe, tapos may unexpected at nerve-racking incident na nangyari. Pero pilitin mong kumain."

Muling minasdan ni Tria ang nakalaang pagkain. Pinili niya ang leche flan.

Damien laughed inwardly. "Ang ibig kong sabihin ay kumain ka ng nakabubusog na pagkain. Tulad n'yang fillet o... n'yang salad."

Umiling si Tria. "Lasang damo."

"What?"

"Sabi ko, lasang damo."

"Yes, I heard you," natatawang sabi ni Damien. "Ang ibig kong sabihin ay natikman mo na ang damo?"

Hindi agad nakasagot si Tria. Ang weird nga palang pakinggan na alam niya ang lasa ng damo, lalung-lalo na ang dahon ng carabao grass o ang tangkay ng amorseco. Tumango siyang medyo nakangiwi. "Yes. When I was little and playing with other kids." Hindi niya mapigilang mapangiti sa alaalang 'yon.

"I see..." Interest is evident in Damien's eyes. Pagkatapos ay inilapag nito ang sariling leche flan sa tray ni Tria. "Finish it," he said, with his slow smile. "Now I know that you have a sweet tooth."

Umiling at tinanggihan iyon ni Tria.

"Mas mabuting puno ng leche flan 'yang tiyan mo kesa walang laman," madiin ngunit banayad na sagot nito.

Lumipas ang maraming sandali, mabilis na nakapasok ang medical team sa loob ng eroplano nang makalapag ito. Kaagad na sinuri at nailagay si Cathy sa stretcher. Isang lalaking staff ng airport naman ang nagtanong kung sino ang sasama kay Cathy sa ospital. Nagtaas ng kamay si Tria. At sa gulat niya, nagprisinta rin si Damien. Sinabi nitong magkakilala silang tatlo.

"Pangalan nila, ma'am?" tanong ng staff habang nagsusulat sa hawak na clipboard.

"Tria Arguelles." Ipinakita niya ang kanyang passport para sa spelling.

Sa tabi niya, tumikhim si Damien nang makalayo ang staff. Anito, "Now I know your last name."


~~~


Tria didn't expect what happened afterwards. First time niyang maka-experience ng special treatment sa airport. Ang mga staff na ang kumuha ng check-in baggage ni Cathy. Sila ni Damien ay hand-carry lang naman ang dala. Ilang mga pila ang nalampasan nila. Tangi nilang ginawa ni Damien ay patatakan ang kanilang passport. Paglabas, naroroong nag-aantay na ang ambulansiya kung saan nakasakay rin si Cathy. And in less than fifteen minutes, they were in the nearest hospital.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aimless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon