Kabanata - 3

321 10 2
                                    

KABANATA  3



Ang kapal! Akala mo sobrang g'wapo, inis na hiyaw ng utak ni Tria.

Nawili yata si Damien sa sitwasyon nila. Ang mga mata nito ay ilang beses na gumala-gala pa sa kabuuan ng kanyang mukha.

Hindi niya mapigilang ma-conscious muli (tulad nang nag-selfie siya kanina sa airport) lalo pa't alam niyang napakasimple lang ng ayos niya. Nakalugay lang ang hanggang balikat niyang buhok, walang make-up (lip gloss lang); nakasuot ng jeans, white canvas sneakers, at cute na ruffled white blouse.

"Wow..." aniya na naiiling. Kunwari hindi talaga siya apektado. "You really think that this planet revolves around you?"

Natawa si Damien. Nang malakas. A rather genuine laugh, which he had not done and felt for quite a while. Sumungaw ang mapuputi nitong ngipin at tila nagkikislapan ang mga mata. "That's one way of saying na conceited akong tao." Sabay tawa muli.

"Or narcissistic," tuod na tugon ni Tria, kahit pa kapuna-puna talaga ang baritonong boses ng lalaki. "Anyone sensible would agree."

"Anyone sensible, huh?" he said animatedly and finally distanced himself from her. Humilig ito sa sandalan ng inuupuan at sige pa rin sa tawa. "Alam mo, ngayon lang ako ulit natawa nang ganito. You're the only person who gave me that kind of witty remarks."

Tria did the same. Inilayo rin niya ang sarili. To the point na dumikit na siya sa katabing bintana. What has just happened? litong saad ng utak niya. Si Cathy at ang pagbubuntis nito ang pinag-uusapan namin, pero bakit naiba ang takbo ng usapan? Ni hindi ko man lang in-attempt na itulak palayo ang damuho kahit obvious ang pangpe-flirt!

Nilingon ni Tria ang bintana kahit puro dilim lang ang makikita sa labas. Gusto na niyang umiwas. Hindi siya iyong klase ng tao na tigasin at dominante. Iyong kayang makipagsalpukan. Pero sa kaso ngayon kay Damien, nagawa lang niyang makipagtigasan at sagutan dito para mapagtakpan ang pagkapahiya niya kanina. Hindi niya inakalang game pala ito sa gano'ng challenge. Inakala yata nito na katulad siya ng ibang mga babaeng nakasasalamuha nito, iyong kunwaring pa-hard to get para maintriga lalo. Komo napatagal lang nang kaunti ang pagtitig niya rito kanina, inakalang bibigay siya agad sa pangpe-flirt nito.

"You're really different..." ani Damien makalipas ang ilang sandali. His laugh already died down into a smirk. But still, he looks at her intently. Na para bang may kakaiba nga sa kanya.

Different in what way? her inner thought asked. Pero pinili niyang hindi na magsalita.

"Okay, I will stop now. I can see that you're getting uncomfortable and annoyed with me." His smirk became a sincere smile. "So... can we start all over again?" Nang hindi pa rin sumasagot ang kaharap, nagpakilala na ito. "Once again, I'm Damien. Damien Romanillos...."

"Tria."

"Any last name?" Inilahad ni Damien ang palad upang makipagkamay.

Subalit bumungad ang babaeng flight attendant sa kinaroroonan nila. Pinapabalik si Tria sa galley.

Mabilis na sumunod si Tria. Nakangiwing mukha ni Cathy ang nabungaran niya. Tila ito maiiyak habang hawak-hawak ang ulbok ng tiyan.

Dumating din ang kaninang nurse at mabilis na nagsagawa ng cervical check. Umiling ito at sinabing hindi pa nagda-dilate ang cervix kaya hindi pa manganganak.

Naupo si Tria sa tabi ni Cathy at nagbigay ng kaunting encouragement. Nakakaawa ang kalagayan nito, lalo pa't kitang-kita ang pagpipigil na hindi mapahiyaw, bukod pa sa nagsisilabasan ang mga litid sa leeg sa tuwing nagko-contract ang tiyan.

Aimless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon