Kabanata - 2

363 11 6
                                    

KABANATA 2



Nagulat man, mabilis na umaksiyon si Tria. She searched for a cabin crew to inform Cathy's situation. Ngunit pagdating niya sa galley, walang tao. Kaya tumuloy siya sa isa pang business class cabin na mas maraming hilera ng mga upuan. Ang galley nito ay nasa likod lang ng cockpit ng eroplano. Much to her relief, there are flight attendants there.

Mabilis nilang dinala ang buntis sa nasabing galley. Tinakpan nila ng kurtina ang daraanan papasok doon at hindi na ipinagamit ang toilet at lavatory sa ibang pasahero ng naturang cabin. Gumawa rin sila ng makeshift na higaan mula sa pinagsapin-saping mga comforters. Maririnig naman agad sa PA system na tinatawagan ang sinuman sa mga pasaherong may medical background. Ilang saglit lang, isang Pilipinang nurse ang pumasok ng galley. Eksaktong dumaing na si Cathy ng paghilab ng tiyan.

After series of checking and monitoring, the nurse informed them that Cathy isn't due yet. "Pero na-stress ang baby dahil sa lakas ng pressure sa loob ng eroplano," dagdag nito.

It's not certain however if her water bag had raptured. But if worst comes to worst, she may undergo Caesarean section as the baby is prematured. Lalo na't first pregnancy iyon. At malaking problema dahil kahit maging normal delivery iyon, bukod sa wala raw experience ang nurse sa pagpapaanak, nasa himpapawid sila at ilang oras pa ang hihintayin bago makalapag ng Pilipinas.

Ginawa nila ang lahat ng makakaya upang ma-relax at mabawasan ang stress ng mag-ina. Tinuruan ng nurse si Cathy ng breathing techniques sa tuwing hihilab ang tiyan. After a while, it seemed that Cathy's condition is getting better. Kaya bumalik na ang nurse sa upuan nito. Ganoon din si Tria. Ngunit nakaiilang hakbang pa lang siya nang may lumapit sa kanya. Pasahero din doon sa business class cabin.

"Ano'ng nangyari kay Cathy?"

Napahinto si Tria. Naisip tuloy niyang mahilig mang-joke ngayong araw ang tadhana. Ilang beses ko ba kasi kailangang makatagpo si escalator guy?

"They asked for medical help," malumanay na patuloy ng lalaki nang hindi siya sumagot. Nakamuwestra ang palad nito sa kurtina. "Is she okay?"

Umandar lalo ang kuryosidad ni Tria rito. Gusto niyang malaman kung kaano-ano nito ang buntis. "Kilala mo si Cathy?"

"Yes—No..." His pleasing eyes narrowed a bit. "I mean, magkatabi kami kanina sa waiting area and we got into a small conversation. So, I don't really know her, if that's what you meant."

Sa sandaling iyon, hindi nakaligtas sa paningin ni Tria na wala na itong suot na coat. He looks good though in a button-down gray shirt and dark colored pants. She can hardly ignore his broad shoulders and killer arms: not overly huge and not too thin. Tamang-tama lang. He is even taller, now that they are both standing just inches apart from each other. She can't help but run her gaze up over his face once more before her eyes met his.

Tumikhim ang kaharap. "So..?" he said, with a teasing smile. Ang mga mata nito ay nakatingin sa sariling katawan bago muling ibinalik kay Tria. "Did I satisfy your curiosity?"

She was shocked! Mabuti't hindi siya napanganga. She didn't realize na gumala nang ganoon ang pasaway niyang mga mata. She knew she was blushing again. Pati mga tainga niya ay nag-iinit sa pagkapahiya.

She tried to look composed. Her expression blank, trying not to give anything away—again. Mabuti na lang at iilan lang ang mga pasahero sa cabin na 'yon at walang nakapansin sa nangyari.

"So?" ulit ng lalaki. Humalukipkip pa ito, showing his not over-muscled arms.

She pressed her lips together. Then paced away from him. Bumalik siya sa upuan niya sa kabilang cabin.

Pakakalmahin na sana niya ang nataranta niyang diwa nang mamalayang sumunod pala ito. Umupo sa tabi niya, sa puwesto ni Cathy. Naalarma tuloy ulit ang utak niya!

"I know it was a bit out of line," umpisa ng lalaki nang lumingon sa kanya. "I was only kidding..."

A bit?! Kidding?! Bumuka ang bibig niya.

"... I'm sorry," dagdag nito.

Naitikom ni Tria ang kanyang bibig at nalunok ang dapat na sasabihin sana. Namagitan ang panandaliang patlang. Tanging ugong ng makina ng eroplano ang maririnig.

Then the man made a slight movement so he can face her directly. His lips curved. Inviting Tria's eyes to watch how he lazily smiles. "Will you tell me now kung ano ang nangyari kay Cathy?" patuloy ng kaharap. Banayad ang pagkakasabi noon.

Hindi bawal at puwede naman itong sumilip sa galley, pero dahil sa inis ni Tria sa pagkapahiya kanina, manigas ito sa kinauupuan!

"Concerned ka," tugon niyang mabagal ang pagkakabigkas.

"Yes, I am. Sinong hindi? Kausap ko lang siya kanina." Then, his carefree bearing became very serious. "I would also feel and do the same if something happens to you, even though I still do not know your name."

Napakurap si Tria nang ilang beses. "Are you for real..?" aniya habang naiiling. "Are you really hitting on me?"

He chuckled. The sound of it made him even more appealing. "I'm Damien," nangingiting pagpapakilala nito. "And yes, I'm trying to 'flirt' with you. But it also means that I'm trying to engage us into a conversation."

Nag-init ulit ang magkabilaang pisngi ni Tria. "Go away."

Damien shook his head. "Not until you tell me about Cathy."

"Ikaw lang dito ang curious kay Cathy," madiin niyang tugon. "Bakit? Boyfriend ka ba niya?" Bahagyang naningkit pa ang mga mata niya nang maisip na baka ito iyong ikinuwento ni Cathy na hiniwalayang boyfriend. She felt na kailangan niyang protektahan si Cathy sakaling tama ang hinala niya.

Damien chuckled once more. "Like I've said, I don't exactly know her. So," —sinadya pa nitong ilapit ang mukha sa kaharap— "no. I'm not her boyfriend."

Hindi nakaiwas si Tria sa amoy-mamahaling gamit na pabango ni Damien. Parang umakyat tuloy ang dugo niya sa kanyang ulo sa mga sandaling iyon. Sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, kayang-kaya na niya yatang bilangin ang mga pilik-mata nito.

Ngunit hindi siya nagpatinag. Hindi niya inalis ang tingin sa kaharap kahit ang totoo ay gusto na niyang matunaw at umatras. Para tuloy siyang may suot na stethoscope at naririnig ang malakas na pagtambol ng kanyang dibdib. Nakabibingi.

"Talaga?" sagot niya. The man surely knows how to use his charm, pero hindi iyon eepekto sa kanya. Though she didn't know why her heart is still pounding so hard out of her chest. "O baka naman nagbago ang isip mo nang malaman mong buntis si Cathy? At ngayon ay nakokonsensiya ka kaya concern ka." Lalong nabuhay tuloy ang inis niya sa kanyang ex. Pare-pareho talaga ang mga lalaki. Magaling manloko at magtago.

"What?" Mangha si Damien. Bahagyang umawang ang bibig nito habang ilang pulgada lang ang layo ng mukha kay Tria. "Buntis?"

Si Tria naman ay na-pipi. Nadi-distract siya sa mabangong hininga ni Damien. Gusto niya ring kastiguhin ang sarili kung bakit iyon lumabas sa bibig niya. Daig pa niya ang tsismosa!

Ilang sandali pa silang nagtitigan. Ang lima, naging sampung segundo.

Hanggang sa dahan-dahang nalipat ang titig ni Damien sa maninipis at pinkish na mga labi ng kaharap.

Pati yata mga nakapalibot na upuan, kung may buhay ang mga ito, ay pigil-hininga sa nagaganap.

"You really find me good-looking, don't you?" maya-maya ay basag ni Damien. He grinned and seemed not bothered by their closeness. "Admit it. Otherwise, hindi ka magtitiis na makipagtitigan sa 'kin."    

Aimless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon