Kabanata - 1

421 15 13
                                    

KABANATA  1



Ramdam ni Tria ang paggapang ng malamig na sensasyon sa kanyang katawan. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa takot niyang makita siya ni Alvin o dahil takot siyang mabasa rin nito ang nabasa ng boss niya sa kanyang mga mata: na siya ay nahihirapan pa rin.

At ayaw niyang makita iyon ng lalaki.

Sandaling ipinikit niya ang kanyang mga mata. Isang parte niya ay gustung-gustong makita ito at makausap. Sabik na muling maramdaman ang presensiya nito. Umaasam na maaayos ang masakit na nakaraan.

Ngunit kahawig at kasintangkad lang pala ng ex niya ang kanyang namamasdan.

Nanikip ang dibdib ni Tria. Bakit hanggang sa airport ay nakikita pa rin kita?!

Mabilis na uminit ang sulok ng mga mata niya. Gusto niyang umiyak doon mismo sa gitna ng maraming tao. Gusto niyang ipagsigawan sa ex na napakasakit at sobrang unfair ng ginawa nito sa kanya. Siya na inalagaan nang husto ang relasyon nila pero siya ang nasaktan at naging kawawa sa huli. Oo, nangungulila pa rin siya rito. Hinahanap-hanap pa rin niya ito.

Humugot siya ng malalim na hininga. Ang isang parte niya na lumalaban at gustong lumimot ay nanaig. Pinilit niyang hindi magpadala sa emosyon. Determinado na mag-move on.

"He's not worth your love and commitment," pakonsuwelo niya sa sarili.

Pagdating sa waiting area, pumili siya ng upuan na may power outlets sa tabi. She reached for her tab charger, found a vacant socket, and went to plug it in. Bigla, may bumungad. Nasa aktong magsasaksak din. When she looked up, medyo lumaki nang kaunti ang mga mata niya.

It's him! hiyaw ng utak ni Tria. Ang lalaki sa escalator.

Umangat din ng tingin ang lalaki.

Those eyes! sambit muli ng utak niya nang magtama ang mga tingin nila. Hindi niya akalain na gano'n pala ka-attractive ang mga mata nito sa malapitan.

Medyo umarko ang mga kilay ng lalaki matapos ang dalawang segundong pagtitig sa kanya. Namukhaan yata siya nito?

His gaze is still penetrating. Katulad kanina nang nag-selfie siya. Then his lips curved into a slight smile. "Go ahead. Do'n na lang ako sa kabila," he said, and left.

I knew it, Pinoy nga! Negosyante kaya siya? Turista? Malamang ay OFW rin?

Nailing si Tria. It's not her business to be this inquisitive. They don't know each other and she intends that they will remain that way.

Normal lang naman na ma-attract sa oppsite sex, 'di ba? kumbinsi niya sa kanyang sarili. Lalo na kung totoong guwapo naman talaga 'to.

Nagsuot siya ng earphones at nanood na lang ng online TV series sa tab. Libre naman ang wifi. Nagsuot na rin siya ng jacket. Malamig ang paligid lalo pa't Oktubre na at nalalapit na ang winter sa Qatar. Madali siyang lamigin kahit pa may temperature controller sa buong terminal. She leaned back on the seat and tried to dismiss her curiosity for the man. Though she realized that he effectively made her forget Alvin for a while.


~~~


"This is the pre-boarding announcement," wika ng babae sa PA system, "for flight QR 788 bound for Manila..."

Ibinalik ni Tria ang earphones sa magkabilaang tainga at hininaan ang volume. Itinuloy niya ang panonood sa tab. Alam niyang pauunahin muna ng mga gate agents ang mga priority passengers na may business class ticket; mga bata at matatanda. Ngunit ang ilan na may economy class ticket ay hindi makahintay at nagsitayuan na. Siya ay nanatiling nakaupo lang. There's no rush and she's taking her time. Kumbaga, hinahayaan na lamang niya ang tadhana at panahon sa kung ano ang plano ng mga ito sa buhay niya. For the truth is, once she reached Manila, she isn't sure where to go next. She doesn't have a fixed destination. Aimless and no plans.

Aimless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon