Prologue

474 15 9
                                    

COPYRIGHT © Jay-c de Lente

PHOTO/COVER ART: © Jay-c de Lente

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author/publisher except for the use of brief quotations in a book review.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


| P R O L O G U E |

Kalalampas lang ni Tria ng immigration counter. Kahit bihira niyang gawin, sinubukan niyang mag-selfie sa 23-foot yellow teddy bear na yari sa bronze. Marami ang gumagawa noon kaya kukuha na rin siya ng remembrance. Lamp Bear was one of the most noticeable features of Hamad International Airport in Doha as it sat in the grand foyer near the duty-free hall. According to the news, 6.8 million dollars ang art piece na ito.

Dalawang shots pa lang ang nakukuha niya nang nahinto siya at ibinulsa ang cell phone. Nahiya siya sa isang lalaki na kagagaling lang din ng immigration counter at sandaling inayos ang bagahe sa kalapit na mesa. Slight amusement was on his face. Iba rin ang paraan ng pagkakatingin sa kanya. Pakiramdam niya tuloy ay nagmukha siyang ignorante lalo pa’t sa paraan ng tindig at pananamit nito (smart casual attire na pinatungan ng business coat), mukha itong elite businessman. A kind of man accustomed to staying in posh hotels and lounging in fine restaurants. He appeared to be a frequent flyer as well.

Biglang lumipat ang tingin nito sa kabilang lane ng immigration counter, partikular sa isang lalaki na medyo may maninipis na buhok. Sumeryoso ang anyo nito nang nagsuot ng shades ang tinitingnan. Palagay ni Tria ay ganoon na talaga yata tumitig ang lalaki kahit sa ibang tao—nanunuot.

Near her, a group of young Japanese tourists did a groufie with the bear. Naisip niya tuloy na sana ay meron din siyang kasama sa mga sandaling ‘yon. Isang kasama na puwedeng kabiruan o tumawa kasama niya, nang sa gano’n ay hindi sana naging awkward ang ginawa niyang pangse-selfie.

Nag-flash bigla sa isipan niya ang palangiting mukha ni Alvin. Ang matipuno nitong pangangatawan at katangkaran. Ang pagiging maputi at magandang lalaki nito na ikinalilingon ng ilang kababaihan. Ang halos lagi niyang kasama at karamay noon. Ang kanyang ex.

“Jerk.” Hindi niya naiwasang mapasimangot nang bahagya. “Heartless, good-for-nothing jerk.”

The young tourists were cheerful and having lighthearted chatters. She, on the other hand, looked dejected. Her enthusiasm seemed to have flown away out of her consciousness.

Yes, consciousness. Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kaibigan at manager niya kaninang umaga: “You are conscious, aware of your surroundings. But you have no interest in them. You look lifeless. No soul, no happiness, no sparks in your eyes. That part of you is gone, love.” At nag-insist ito na mag-apply siya ng vacation leave.

“But Alison—”

“No buts, Tria,” the elderly British woman firmly said. “This is for your own good. Spending so much time working here in the office will not help you forget your pain, love. Besides… I have already booked your flight ticket yesterday.”

The woman was smiling kindly at her. Showing motherly sympathy. Medyo nangunot pa ang noo niya noon dahil kahit sa tatlong taon niyang pagtatrabaho sa kompanya nila, hindi pa rin siya sanay sa accent ng mga Briton.

“Take the flight now, love,” patuloy ng boss niya, “and heal your heart.”

And so she did.

Kaya nasa airport siya ngayon. Mamayang ala-una ng madaling araw ang flight niya. Inagahan lang niya nang tatlong oras sa pag-check-in para iwas sa hassle.
Kasalukuyan, nang natapos ayusin ng lalaking may kakaibang tingin ang carry-on baggage nito, dumaan ito sa tabi niya. Awtomatikong naputol sa kaiisip si Tria at nasundan niya ito ng tingin. Dere-deretso ang lalaki sa escalator pababa sa foyer.

Bumaba na rin siya. She couldn’t help but admire the man’s back while they were on the descending escalator. Likod at tikas pa lang nito, wala nang panama si Alvin. The man was oozing with confidence, air of sophistication, sexiness—

Sexy what?! Nagsalubong ang mga kilay niya. Ano ba’ng pinag-iisip ko?

Kinagalitan niya ang sarili. Was this her way of erasing Alvin in her system? Para ma-divert ang kalungkutan at sama ng loob niya?

No matter, iling niya sa sarili. ‘Di naman ako naniniwala sa first impressions.
For her, they never last. Pinatunayan iyon sa kanya ng ex niya nang binigyan siya nito ng pasakit.

Samantala, nang makababa sila ng escalator, palihim niya itong sinundan ng tingin. Aaminin niyang hindi pa siya naa-attract nang ganoon kabilis sa isang lalaki. And the fact na ikinumpara pa niya ito sa ex.

Kay Alvin, mabagal ang development ng relationship nila. Dumaan muna sa ligawan. Hanggang sa na-develop ang feelings niya. At na-in love. She thought she knew him well enough kaya niya ito sinagot after months of courtship.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at muling napabulong. “Enough of him.” Kaya siya magbabakasyon ay para makalimutan ito.

She glanced once more to the man’s direction. Patungo na ito sa kaliwang bahagi sa retail stores.

Sumungaw ang bahagyang ngiti sa kanyang mga labi kahit walang buhay pa rin ang mga mata. Panigurado, mapapangiti rin ang boss niya sa ginagawa ng kanyang isipan at mga pilyang mata. Sino’ng may sabi na wala na siyang interes sa paligid niya?

Dumeretso na si Tria sa departure gate. Hindi naman siya bibili ng kahit na ano. Wala siyang mapagbibigyan ng pasalubong, puwera sa kaibigan niyang si Sheriz. Kaso, hindi niya alam kung mabibisita niya ito.

Habang naglalakad, gumagala ang mga mata niya sa kabuuan ng terminal. Maganda at high-tech ito. She admired the steel-framed walls and ceilings (some with dramatic curvings), glasses, metals, marble and granite floorings. Dazzling and artistic lights were everywhere. Buhay na buhay at futuristic ang dating. Napakalawak. She felt that she had been walking for hours to get to the departure gate. Though it was just fine for there were many pairs of moving sidewalks around the complex.

Bigla, umalerto si Tria! Namumukhaan niya kasi ang isang lalaki sa unahan ng moving sidewalk.

Si Alvin ba ang nakikita niya?
Nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib. Totoong sinundan ba siya roon?

Aimless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon