Sa ginawa nito sa kanya ay sisiguraduhin niyang mabubulok ito sa bilangguan. No one messes up with a Steven Villarez.

Inayos ni Steven ang butones ng suot ng polo at nagpasalamat sa doktor.  May dala siyang extrang malinis na damit kaya napalitan na niya ang duguang polo. Lumabas na siya ng emergency room at naglakad patungo sa silid ni Faye. Nadatnan niya ito at nahimasmasanng tiyahin nito na kausap ang isang guard. Napakunot-noo siya dahil tensyonado ang anyo ng ginang at takot naman ang nakita niya sa mukha ni Faye.

“May problema po ba?” tanong niya nang makapasok sa silid.

 Napakamot sa ulo ang guard nang humarap sa kanya.

“Sir, kasi... tumawag po sa presinto at sinabing nakatakas daw po ‘yong lalaking muntik ng dumukot sa misis n’yo,” pahayag ng guard.

Hindi na niya tinama pa ang akala nitong asawa niya Faye. Napansin niya si Faye na para bang gusto nitong itama ang guard pero itinikom na rin nito ang labi.

“Ano? Teka anong klase bang pagbabantay ang ginawa nila at nakatas ang gagong ‘yon?”

Hindi na niya napigilan nag pagtaas ng boses. Lalong hindi na malaman ng guard kung ano ang dapat na sabihin sa kanya dahil para bang natakot ito sa kanya. Sa huli ay humingi na lang ito ng paumanhin at nagpaalam sa kanila.

“May palagay akong may kapit si Marciano sa kapulisan kaya nakatakas ito. O, pinatakas,” komento ni Tita Elsie.

Napabaling siya kay Faye nang umiyak ito. Agad naman itong dinaluhan ng tiyahin.

“Tita Elsie, ang mga anak ko. Baka kung anong gawin niya sa kanila,” sabi nito sa pagitan ng pag-iyak. Mahigpit itong niyakap ng tiyahin at pinakalma.

“Sshh...walang mangyayaring masama sa mga anak mo, Faye. Magiging ligtas sila dahil hindi pahihintulatan ng panginoon na makalapit sa kanila ang demonyong Marcianong ‘yon.”

Bilang ama ng kambal ay hindi rin niya hahayaan na may mangyaring masama sa mga anak niya. Mas sigurado ang kaligtasan ng kambal kung nasa poder niya kaya titiyakin niyang maisasama niya pug-uwi ang kambal. Pero...

May maliit na tinig na nag-uudyok sa kanya na huwag ding pabayaan si Faye. Seeing her scared and face wet with tears made him feel wanting to protect her.

“Come live with me, Faye. Kayo ng mga anak natin.”

Hindi na niya napigilang masabi ang nasa isip.

====================

HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin makapaniwala si Faye na inalok siya ni Steven na sumama dito pauwi ng Manila at tumira sa poder nito kasama ang kambal nila.

“Come live with me, Faye. Kayo ng mga anak natin.”

Naaalala niyang sinabi nito na talagang ikinagulat at hindi niya inaasahan. Naisip pa nga niyang baka nagkamali lang siya ng rinig. Pinatunayan naman nito na seryoso ito sa sinabi.

At magiging ipokrita siya kung itatanggi niyang hindi niya gusto ang plano nito. Pero nagdalawang isip naman siya dahil inaalala niya sina Tita Elsie at Marj na maaring malagay naman sa kapahamakan. Walang nakakaalam kung ano ang maaring gawin ni Marciano at ikinakatakot niyang baka balikan ang tiyahin at pinsan niya ng lalaki.

Pero in-assure naman siya ni Steven na magpapadala umano ito ng mapagkakatiwalaang magbabantay sa tiyahin.

“May kakilala rin ako na maaaring tumulong para mahanap at madakip ang lalaking iyon. Sa ngayon makakabuti kung sasama kayo at ng mga bata sa akin pabalik ng Manila. Mas ligtas kayo sa poder ko,” ani Steven.

“Tama siya, Faye. Mas ligtas kayo kung malayo kayo sa lugar na ito. Hindi natin alam kung nasan maaaring nagtatago si Marciano at hangga’t nandito kayo, walang kasiguruhan ang kaligtasan n’yo ng mga bata,” giit naman ni Tita Elsie bilang pagsang-ayon kay Steven.

“Pero Tita...”

“Huwag mo kaming alalahanin. Sabi naman ni Steven ay magpapadala siya ng magbabantay sa amin kaya magiging maayos din kami. Ang mahalaga ay maging ligtas kayo ng mga anak mo.”

Sa huli ay pumayag na rin siya. Nakasalalay ang kaligtasan ng mga bata kaya hindi niya pwedeng isakripisyo iyon. At hindi rin niya gugustuhing malayo sa mga anak dahil hindi rin siya mapapalagay.

Nasa harap si Steven ng manibela samantalang nasa backseat silang mag-iina kaya hindi niya makita kung ano ang maari nitong iniisip ngayong sama-sama sila.

Hindi niya napigilang palihim na mapangiti. Parang deja vou. Naalala niya na ang kaligtasan din niya noon ang dahilan kaya inalok siya ni Steven na tumira sa poder nito.

“Fu—Faye, paano ka nakakatagal sa lugar na ‘to? To think na babae ka at mag-isa ka lang,” hindi makapaniwalang sabi ni Steven matapos ang nasaksihan.

Inihatid siya ni Steven sa tinutuluyang apartment nang magkaroon ng kaguluhan. May ilang kabataan ang nagkasagupaan sa lugar. Muntik pa siyang hindi iuwi ni Steven at dalhin sa condo nito sa sobrang pag-aalala sa kanya. Pero mabilis namang may rumesponde ng baranggay at napigilan ang gulo.

“Ilang taon na akong nakatira dito kaya sanay na rin ako, Steven. At saka hindi naman laging may gulo dito,” pagpapakalma niya dito.

Nang tumungtong siya ng kolehiyo, pitong taon na ay sa lugar na iyon siya nanirahan.Tahimik ang lugar nila kung hindi lang dahil sa mga dayong kabataan na hanap ay manggulo sa baranggay nila.

“Why don’t you move in with me?”

Hindi niya iyon inaasahan. But, how she so loved the idea of living with him.

“Or if you want I could find you a safe place. A safer place to live.”

“I am safe here, Steven. Kilala ko na ang mga tao dito.”

“No, Faye, you are not safe here. Pagkatapos ng nasaksihan ko kanina. Hindi ako papayag na magtagal ka pa dito.”

“Can I think about it?”

“Bilisan mo lang mag-isip. Dahil kapag naiinip ako, kung kinakailangang kaladkarin kita paalis sa lugar na ito ay gagawin ko.”

“Guess, I don’t I have choice, huh.”

Hinayaan na siya nitong makauwi sa apartment niya, pero hindi ito pumayag na iwan siya. Kaya ang ending doon ito natulog.

Muli niyang sinulyapan si Steven sa tahimik nitong pagmamaneho. Ngayong nabigyan uli siya ng pagkakataong makasama ito ay hindi niya maiwasang umasa. Mali bang hayaan niya muli ang sariling umasa na baka sakali... ay mahalin na rin siya nito?

===================

AFTER an AFFAIRWhere stories live. Discover now