Run, run, run

2.2K 86 14
                                    

Natakbo na ako papasok ng school. Malapit na kasi ako malate.
Late na din kasi ako sa sobrang pagbabasa ng libro, pag susuat at pag aalala sa sapatos ko.

Oo nag aalala ako sa sapatos ko! Baka sukatin din ni Dwayne yon! No no no! Bawal! Ayokooo! Hindi pwede!

Sinabayan pa ako ng traffic. Lalo tuloy ako natagalan! Kung hindi lang traffic sumakay na ako ng tricycle or nang jeep.

Tinetext na ako nung tatlo.

{Angel: nics! Where na you?}

{Irene: nicoleeee! Malelate ka naaa! Di ka ba papasok?}

{Dwayne: hey. Di ka papasok? Hurryyy!}

{Dwayne: hurryyyy !}

{Dwayne: dali Nicole. Pumasok ka ha?}

{Dwayne: hurry up. Pumasok kaa! Baka dumating na si sir!}

Tumigil ako sandali at binuksan ang phone ko. Nireplyan ko na tong si Dwayne bago pa mag send ng message.

{Nicole to Dwayne: OO PAPASOK AKO! WAIIITTT LAAAANG. PAKISABI NA DIN KAILA IRENE!}

Beastmode on. Char haha. Joke lang.

Pagdating ko sa school, wala na akong makitang highschool. Puro elementary nalang ang nandito. Naka akyat na sila!

Tumatakbo na ako paakyat ng hagdan. 2rd floor palang hingal na hingal na ako. Bakit kasi nasa 6th floor kaming mga 4th year!

Hindi ko na kaya. Umupo muna ako sandali sa hagdan at nagpahinga.

Ang sakit ng dibdib ko! Tumutulo na pawis ko. Ang gulo na din ng buhok ko sa pag takbo.

"Haays! " tapos tumayo na ako at nagsimula ulit tumakbo.

Finally. 6th floor!

Inhale.. exhale.. inhale.. exhale.. Go Nicole!

Dahan dahan kong binuksan ang back door at tinignan kung may teacher na kami.

Good. Wala pa.

Nag tinginan yung mga kaklase ko saakin. Ofcourse, nakita nila ang isang hagard na Nicole Santiago.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa upuan ko, hingal na hingal.

Sit.

Para akong baliw na nakatulala sa harap habang hinihingal.

"What happened to you? Buti nakahabol ka.." Tanong netong nilalang na inuwi ang sapatos ko.

Dahan dahan ko siyang tinignan at humihinga parin ng malalim.

"I... ikaw... " inaangat ko kamay ko para duruin siya. Kaso pagod na ako.

Go Nicole!

"Ikaw... nilalang ka! Yung... yung sapatos.. " naka ngangang iniintindi ni Dwayne mga sinasabi ko.

"Yung.. sapatos! Inuwi mo.. asan.. na?"

Inangat niya yung dalawang kamay niya na parang sumusuko.

Yes sumuko ka talaga. Susunugin kita kapag sinukat mo yung sapatos ko.

"Woah.. chill. Nasa bahay... " pa cool pa niyang sinabi.

Lumaki mata ko at lumapit sa kanya. Hinila ko yung tainga niya. Wala naman siyang magawa kung hindi mapalapit saakin dahil masakit kapag lumayo siya.

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon