Sweet naman nila grabe

2.7K 97 15
                                    

Lahat ng mga babae sa school nakatingin saamin habang pabalik kami sa classroom kasama si Ryle. Yung iba nag bubulungan, yung iba ang sama ng tingin, yung iba mangiyak-ngiyak kaming sinusumpa.

"Bakit ang swerte nila?!"
Narining kong sinabi ng isang babae. Medyo nahihiya pa kami dahil nga FRIENDS na kami kay Dwayne Santillian at Ryle Cabaltera. Pero kung titignan mo si Dwayne at Ryle, parang wala lang sakanila. Ang cool pa nga ng lakad nila eh.

"See ya later guys!" Sabi ni Ryle habang nag wa-wave papunta sa classroom nila. Nag smile nalang kami nila Angel. Pumasok na kami sa classroom. Maingay as usual. Pero natahimik sila nung sinara ni Dwayne yung pinto. Nakatingin silang lahat saamin. Dali dali nalang umupo si Irene at Angel. Napansin ko si Daphne, halatang naiirita siya. Inirapan niya ako nung nagtagpo yung mga mata namin. Inakbayan ako ni Dwayne at hinila ako paupo. Medyo nailang ako. Naghu-hum si Dwayne habang pinaglalaruan yung ballpen niya. Nakayuko nalang ako. Ayokong tumingin sakanila. Baka masama na din ang tingin nila saakin. Kinuha ko nalang yung bag ko at pinatong sa tuhod ko para kunin ang ballpen ko. Pag bukas ko ng bag ko, ang daming papel. Puro sulat. Di naman makalat bag ko eh. May naglagay sa bag ko. Isa isa kong binasa yung mga letter.

Hoy! Sino ka ba ha?! Friends daw kayo ni Dwayne babes ko?! Akin lang siya!

Ganyan ang nabasa ko sa isang letter. Sweet no? Ang bilis naman nila mag paabot ng pag mamahal. Wow.

Layuan mo na sana si Dwayne ngayon palang. Lagot ka saamin. Aabangan ka namin.

Naka marker pa yang isang yan. Sweet naman nila. Aabangan nila ako. Yiieee.

How to be you? Maging friends nga tayo para friend ko din si Dwayne.

Yan naman nakasulat sa isang index card. Palihim kong binabasa ang mga ito sa loob ng bag ko. Ilan lang yan sa mga letter na nabasa ko na tumatak sa isip ko. Di ko alam kung anong gagawin ko. Ayoko silang patulan dahil baka lumala lang. Natatakot din ako dahil baka anong gawin ng mga to sa amin. Grabe! So sweet. Wala na akong nagawa kundi mapaluha. Mapaluha sa takot at inis. Nanginginig kong nilukot at binilog ang mga papel para itapon.

"Okay ka lang? Anong nangyayari sayo?" Hinawakan niya yung baba ko para iangat yung ulo ko. Basa pa naman yung baba ko sa luha. Iniwas ko yung ulo ko sakanya at pinunasan ang baba ko gamit ang braso ko habang hawak hawak parin yung mga letter. Hinablot niya yun at binasa pero yung nasa kaliwang kamay ko lang yung nakuha niya. Natahimik ulit yung mga kaklase ko. Alam kong nakatingin na sila saamin dahil malakas ang pagkasabi ni Dwayne kanina. Lalo lang akong napaluha. Binitawan ko yung ibang letter na hindi nakuha ni Dwayne sa bag. Nanginginig ako sa takot.  Nagulat nalang si Dwayne sa mga nabasa niya. Nahulog  na yung bag ko sa sobrang nginig ko. Ayun, kumalat at lumabas sa bag ko yung ibang letter. Tumayo si Dwayne para damputin yung iba. Binasa niya ang mga ito habang naka crouch. Naiinis na si Dwayne sa mga nakasulat. Tumayo siya at tumingin saakin. Nag aalala siya. Lumapit siya kayla Angel at Irene kung may mga letters din sila. Mayroon silang naibigay at duon lalong nag init si Dwayne. Kokonti lang yung sakanila. Halatang mas tinira ako ng mga fangirls.
Nung nakuha na ni Dwayne lahat ng letters saamin. Dahan dahan niyang pinunit yung iba sa harap ng mga classmates namin. Tapos tinapon na niya sa basurahan. Masama ang tingin niya.
Lumapit si Dwayne saakin at hinila ako patayo. Hinawakan niya ang mga kamay ko. Naluluha parin ako. Tumingin siya saakin ng seryoso pero umiiwas ako ng tingin. Naramdaman kong may luha na nagbabadiyang tumulo. Pinunasan ni Dwayne iyon gamit ang thumb niya bago pa ito tumulo.

"Siguro naman alam niyo nang lahat na mga kaibigan ko sila. And I know na kumalat na yung sinabi ko kanina na maging mabait kayo sakanila." Napayuko nalang ako sa mga sinasabi ni Dwayne. Gusto ko nang lumabas. Tinatanggal ko yung paghawak ni Dwayne saakin pero mahigpit yung kapit niya.

"At bakit si Nicole yung mas pinuntirya ninyo? Leave them alone. Lalo na si Nicole..."
What the...

Hinila ako palapit ni Dwayne sakanya. Magkalapit ang aming mga mukha.

"This girl is mine. Back off." Sinabi niya ng malakas. Pinatong niya ang mga kamay niya sa braso ko bago niya ako hinalikan sa noo. Oh? Expect mo sa lips? Tsss. Hindi ako makagalaw at nakatulala lang.
Dahan dahan siyang lumayo at tinitigan ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pero alam kong namumula ako. Hello? Halikan ka ba naman sa harap ng maraming tao... pero di naman kayo.
Bumalik ang tingin niya sa mga kaklase namin.
"Spread the news." Sinabi niya bago kami umupo. Laking gulat naming lahat talaga. Di parin ako makagalaw. Nakakahiya!

"Good afternoon class. Im sorry Im late..." dumating na si Sir Joseph, teacher namin sa PE at Music.

"Good afternoon Sir Joseph..." Mahina at matamlay naming bati sakanya. Halatang mainit parin ang atmosphere dito sa classroom, kasing init ng mukha ko ngayon sa sobrang pula. Napansin ni sir ang aming katamlayan.

"Oh? Anyare sainyo?"

Walang sumagot. Yung iba tumingin saamin ng mabilis. Napatingin nalang ako sa sahig habang kagat kagat ko ang labi ko. Tumingin ako kay Dwayne.. naka poker face lang ang mokong. Bakit niya ba kasi ginawa yon!? Okay na sanang pagsabihan niya nalang yung mga kaklase namin.

"Sige na. Sit down students." Lahat kami umupo na. Nakatingin lang ako kay Dwayne habang nakatingin lang siya sa harap. Halata namang nakatingin ako sakanya pero di niya ako pinapansin. Ang kapal ng mukha niya ah! Nakakaurat.. pero nakakaiyak.

Hindi ko alam kung papaano ako mag rereact. Oo sige aaminin ko, kinilig ako. Gwapo naman si Dwayne eh. Kapal naman ng mukha ko kung mandiri ako. At saka minsan lang mangyari sa buhay ng isang ordinaryong babae na katulad ko ang ganon no!

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon