Ice and Fries

2.7K 96 5
                                    

Kalagitnaan na kami ng lesson ni Sir. Tinigilan ko nang titigan si Dwayne. Nakinig nalang ako at nag sulat. Doodle, drawing, lettering, at mag sulat ng quotes at lyrics ng mga kanta. Medyo nawala na ang sakit ng ulo ko kakaiyak kanina. Medyo namamaga din mga mata ko.

Lumipas na ng oras at last subject na namin. Puro sulat parin ako. Nakabuo pa nga ako ng tula eh. Siguro mauubos na yung tinta ng ballpen ko at kailangan ko nang bumili ng bagong notebook. Wala akong pakialam sa paligid ko. Basta nagsusulat at nag dodoodle lang ako. Himala nga at hindi ako nasisita ng mga teacher.

May maliit na papel na pinasa saakin ni Dwayne. Pasimple niyang pinatong sa notebook na pinag susulatan ko yung papel.
Tinignan ko siya bago buksan ito dahil naka tupi ito. Naalala ko yung mga letter saakin, yung mga sweet letters. Hayys!

Go to McDonald's after the dismissal time. Meet me there ASAP.

Yun yung nakasulat. Sumagot ako at sinulat ko sa baba..

Bakit? Ayoko.

Tinupi ko ulit yung papel at nilagay malapit sa ballpen niyang nakapatong sa libro niya. Mabilis niya itong kinuha at binasa. Agad siyang yumuko at nagsulat.

Nakatingin siya sa teacher namin habang pinapasa ang papel. Kunwari nakikinig siya. Binasa ko iyon habang medyo natatawa sakanya.

Huwag ka nang umangal. Basta pumunta ka. Mag aantay ako.

Di ko na siya sinagot at binato nalang sa bag ko yung papel. Ano kayang gagawin namin dun? Baka may makakita nanaman saamin! Jusko ayoko nang mapahiya.
Natapos na din ang last subject namin at uwian na.

Tumayo na si Dwayne pero hindi lumabas. Hindi siya nakatingin saakin pero duon kaila Irene. Lumapit siya kaila Irene at may sinabi. Bigla na siyang lumabas. Kami nalang nila Irene at yung mga inatasang maglinis ngayon ang nasa classroom. Hindi nila kami pinapansin at tuloy lang sa pag aayos at linis ng classroom. Lumapit saakin sila Angel.

"Okay ka lang, Nics?" Tanong saakin ni Irene. Ngumiti lang ako sakanya habang nag aayos ng gamit.

"Nicole, sabi ni Dwayne.. pumunta ka daw kung saan man kayo mag kikita." Sabi ni Angel habang nagkakamot ng ulo...

"Ahh sige. Pupunta na ako. Una na ako sainyo." Sabi ko at lumabas na. Dirediretso lang ako at iniwasan ang mga fangirls sa labas na nagtatanong saakin. Wala akong gana kausapin sila. Actually, nawawalan ako ng gana habang palapit ng palapit ako sa McDonald's. Hinihingal na din ako.

Pumasok ako sa loob at hinanap si Dwayne. Umakyat ako sa second floor ng McDonald's. Nakita ko si Dwayne duon sa may bintana sa sulok. Nakatingin lang siya sa bintana. Dahan dahan akong lumapit sakanya at tumayo sa likuran niya. Tinapik ko balikat niya. Medyo napamura sa gulat si Dwayne.

Umupo na ako sa harap niya. Kami lang ang tao dito sa taas kaya tahimik. Hindi man lang maisip ng mga tao umakyat dito kahit na siksikan na sa baba! Jusko.

"Okay... uhm.. Nicole.. uhmm.. I-uh... I-I-I j-just... uhhmm.."

Inaantay kong magsalita si Dwayne ng diretso pero hindi niya magawa. Nabubwiset na ako sakanya kasi utal na utal siya.

"Ano ba yon Dwayne?!"
Nagulat si Dwayne saakin. Kahit ako nagulat sa sarili ko. Kinagat ko nalang dila ko habang inaantay si Dwayne. Huminga ng malalim si Dwayne.

"Im sorry... again."

"Sorry?" Tinanong ko siya. Hindi naman niya kailangang magsorry ah?

"Kanina. Yung sa mga fans at.. sa kiss." Jusko! Lahat nalang ba big deal sa lalaking ito!? Sus Nicole! Akala mo hindi naging big deal yung kiss niya sayo? Sus!

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon