Beanie

9.2K 137 18
                                    

NICOLE

"Aaahhhhh! Oh my gosssh! Ang gwapo mo talaga!"

"I love you! Pansinin mo ako! "

"Hello! Hi! Omg! Hiiiii!"

"I really like you! Im your fan! Aaaahhhh!"

Fangirls. Kung saan saan nalang sila. Umaaligid sa mga idol nila. Katulad nalang ng mga to. Nakakapagpahinga pa ba yung idol nila?
Naglalakad ako paapunta sa canteen. Ang daming nakatayo as usual, dahil nandito ang idol nilang si Dwayne Santillan.

Gwapo naman talaga siya. Maganda pa boses at magaling sumayaw. Kaya naman walang dudang madaming nagkakagusto sakanya. Masyadong maingay dito.

Nagkakagulo ang mga fangirls sa ginagawa ng idol nila-which is kumakain lang! Bumili ako ng juice at pumunta nalang sa isang corridor na walang tao. Tahimik dito. Madalas talagang walang tao dito kasi malapit lang yung library dito.

Umupo ako sa lapag at nag headset.

Im Nicole Santiago. Mahilig sa music pero mapili ako kung sinong artist ang papakinggan ko. NBSB? Hindi ah. May boyfriend ako, pero hindi niya alam na boyfriend ko siya. Hahaha. Joke lang. Oo NBSB ako. Ewan ko ba kung bakit walang nagkakagusto saakin. Or wala lang talagang naamin. Siguro dahil hindi ako maganda para sakanila.

Kailangan ba kasing ganda ni Anne Curtis? Bea Alonzo? Or Pia Wurtzbach? Tss. Bahala na.

Hindi ako magpapaganda para lang magustuhan ako. May dadating din na lalaki para saakin.

"Whaaaat!? Lowbat na ako? Hay ano bayan!" Binulsa ko nalang yung Cellphone at headset ko. Tatayo na sana ako nang may bigalang kumalabit saakin.

"Excuse me? Bakit ka nandito?" Tanong saakin ng isang lalaking naka black sweater. Kilala ko siya, pero di niya ako kilala.

"Ikaw si Ryle Cabaltera diba? Bestfriend nung Dwayne?" Magaling din kumanta tong si Ryle, pero mas maganda daw boses nung Dwayne. Gwapo din siya at sikat.

"Fangirl ka din no? Well, yes. Bawal dito!" Pinapaalis niya ako?! Sino ba siya?! At ako, si Nicole Santiago?! Isang fan nila? Na-ah!

"Hindi niyo ko fan no! At bakit naman bawal dito ha?!"

"Since hindi ka namin fan, Tambayan namin ito ni Dwayne. Kapag may naka alam, wala na kaming pwedeng mataguan na lugar! Kumakalat na kung saan saan yung mga Fangirls sa campus! Kaya please? Alis ka na? Bago pa may makakita saatin!"

"Sus! Bahala ka." Iniwan ko na siya. Pumunta na ako sa classroom kahit maaga pa. Tinext ko si Angelica Mendoza, Bestfriend ko.

{Nicole: nasaan ka ? Nasa classroom ako. Ang inay sa canteen!}

{Angel: hinahanap ko si Ryle! Wala siya sa canteen! Di niya kasama si Dwayne!}

Oo nga pala. Fangirl din pala tong si Angel. Pero crush niya si Ryle, yung lalaki kanina.

Minabuti ko nalang na hindi replyan si Angel dahil ayokong sabihin sakanya na nakita ko kanina si Ryle. Hindi naman sa madamot ako, pero ayokong maggulo pa isip nung Ryle at Dwayne dahil lang sa malalaman ng mga fans tambayan nila.

Nag bell na at nagpasukan na classroom yung mga kaklase ko. Dumating na si Angel na hingal na hingal.

"Oh? Kamusta ang search and rescue mo?"

Binatukan niya ako. Ouch !

"Ulol! Wala siya! Wala siya sa canteen, sa gym , sa field, wala siya!" Umupo siya sa tabi ko. Maya maya biglang dumating ang isang maingay na babae. Si Irene Romero. Bestfriend ko din.

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon