Chapter 3 - Rebirth

Start from the beginning
                                    

All was set pero bigla na lang nalaman kong pinaghahanap pala ako nila Kent at ng parents ko the day after I ran away. My pictures were all over the city as a missing person. Dahil malaki-laki din ang pabuya, marami din ang may gustong makahanap sa akin para sa pera.

I sighed and frowned because of thinking about the situation I was in.

I'm broke. Wala akong dalang kahit ano the night I left our mansion. Wala ang phone ko. Wala ang kotse ko. Wala ang susi ng condo ko, wallet, at passport para sana makalabas ako ng bansa, so that it will be harder for them to find me.

Itong apartment na tinitirahan ko ngayon, nire-rentahan ko lang mula sa pera ko na galing sa private bank account na hindi naka-register sa company namin. Konti lang ang laman at hindi ako masusuportahan habang buhay, which also means I have to find work sooner to provide for myself.

This sucks so much. Paano ako makakapagsimula ulit kung hindi man lang ako makalabas ng apartment na ito sa takot na baka may makakilala at makahanap sa akin?

I sighed heavily again and I stared at the rabbit doll lying down at the cold tiled floor of my bathroom. Ang tanging kausap at karamay ko mula nang magsimula akong mamuhay ng mag-isa.

Ang nag-iisang kaibigan at most loyal friend na meron ako na kahit yakapin ko pa ng sobra o gawin kong alternative na pang-mop ng sahig, never akong iba-back stab, pla-plastikin at makikipagrelasyon sa fiancé ko.

Get it? Hindi siya katulad ni Riza, and that's what I like about my stuffed doll.

"Coco, anong gagawin ko?" I asked the doll but it gave me no response.

Then, all of a sudden, an idea flickered on my mind. I stopped for a moment at tinignan ko ng matagal at seryoso ang stuffed bunny ko na si Coco.

"You think I can do this?" I asked the synthetic rabbit sitting beside me.

Hinawakan ko yung ulo niya at pinatango siya.

"You really think so?" pinatango ko ulit ang pink na plushie.

Tinignan ko siya ng masama. "Parang hindi naman, eh!"

I turned the doll's head for it to look at me in the eyes.

"But there's no other way, Lexie," I said mimicking – ahem - a bunny's voice.

Meron bang boses ang bunny? Ah, basta. Kunyari na lang may sariling identity at utak ang manika ko.

"Fine," I told the doll in defeat.

I smiled wearily at lumabas ng banyo. Kinuha ko ang hooded gray jacket na nakapatong sa kama ko at sinuot agad ito kasama ang aviator, saka lumabas ng apartment para walang makakilala sa akin.

Kahit takip na takip na ako parang agaw atensyon pa din ako sa mga tao sa paligid. Siguro dahil obvious na hindi ako taga dito. Nakakailang kaya binilisan ko na lang ang paglalakad ko. Nililngon nila ako kahit sa baba na ako nakatingin at nakayuko para maitago ang muka ko.

Then, a group of three men ran across me. Lahat sila tinitignan ako mula itaas pababa tapos pataas ulit habang naglalakad ako.

Sumipol yung isa sa akin and he yelled. "Hey, sexy! Can I get your number?"

I ignored the man at ipinagpatuloy ang paglalakad ko.

The others laughed at him. "Durog... Basted ka pare! Ang panget mo kasi!"

"Pshh... perverts," bulong ko na hangin na ako lang ang nakakarinig and then I pushed my aviators up saka binilisan pa ang lakad papalayo.

I went to the nearest clothing store at bumili ng mga t-shirts, polo, jackets, caps, mga ragged pants, at shoes. Nung feeling ko meron na ako lahat, pumunta ako sa grocery store para bumili ng madami-daming bandages.

Nabili ko na ang mga basics pero may malaking kulang pa din.

After a few minutes of walk, nakarating din ako sa isang wig shop. I took a deep breath before entering, and when I got in, a middle aged lady greeted me warmly.

"Good morning, Ma'am! How may I help you?" tanong niya habang nakangiti sa akin.

I smiled back at her, too.

"Meron bang wig na," I searched the racks of the stores till I spotted one at the corner.

"Na ano po?" she asked.

"Ah, teka. Parang nakita ko na." I bit my lip at lumapit ako sa lalaking mannequin na may suot na cool na hairstyle. I took off the wig to take a much better look.

Napangiti ako tapos tumingin ulit ako sa sales lady. "Paano po ikabit ito ng tama? Yung kahit anong gawin mo hindi matatanggal unless kung gugustuhin lang ng nagsusuot?"

Ngumiti ang babae sa akin at naglakad palapit. "Well, may alam akong isang paraan," she whispered. "Tara, ituturo ko sayo."

-------

Pag - uwi ko sa bahay- I mean, sa bago ko palang apartment, nagpaalam na ako sa dati kong sarili. Huminga ako ng malalim bago ko iminulat ang mga mata ko at tinignan ang sarili ko sa malaking salamin sa kuwarto ko.

Ibang-iba. Sobrang ibang-iba na ako ngayon. Wala na ang mahabang buhok ko. Napalitan na ng maikling buhok na akala mo natural na buhok talaga pero artificial lang.

Wala na ang dibdib ko dahil naipit na ng bandage na ipinalibot ko sa chest area ko. Ang mga binti't braso ko na halatang pambabae talaga- wala na din dahil natatakpan na ng jeans at malaking jacket na suot ko.

Kaso ang mga mata ko ganoon pa din. Malungkot. Kasi the obvious naman na hindi pa din nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa loob kahit na nagpapanggap pa ako na wala akong nararamdaman.

Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang likuran ng kamay ko para mapigilan ako sa pag-iyak. I sobbed while looking at my new self in the mirror.

Bakit? Bakit kailangang umabot pa ang lahat sa ganito?

I closed my eyes and tried to absorb this situation I was in.

Now, I get it. Alam ko na kung bakit noon pa lang gustong-gusto akong maging lalaki ng mga magulang ko.

I took a deep breath and touched my face while looking at myself in the mirror.

"Shet, ang gwapo ko," And I sobbed even more.

Kaya naman pala ganoon sila, kasi ang laking sayang ko pala.

Kung nagkataon, isa pala akong biyaya ng Diyos sa lahat ng kababaihan sa balat ng lupa.

Ngayong may bago na akong buhay may mga bago na akong rules.

Una, bawal na akong umiyak kahit kailan.

Pangalawa, bawal ma-in love sa sarili.

Nakakamatay dahil mas matindi pa ang impact pag na basted ka o niloko ka ng fiancé mo. Kasi kahit anong gawin mo, hindi mo pwedeng syotain sarili mo, di ba?

---

A/N: Get the Female X Male ebook for 499 pesos until January 31, 2020! Visit https://saimanozo.com/shop to purchase.

feMALE X MALEWhere stories live. Discover now