Chapter 22: You wrecked my isolated world

5.7K 110 3
                                    

Chapter 22: You wrecked my isolated world

[Erisa’s POV]

“okay so what happened? Tell me all the details.”

“we just talked and I fell asleep”

“ehhhh? Tinulugan mo siya?! Tapos natulog ba siya in your bed?”

Napabigwas ako sa sinabi niya “N-NO! Pagkagising ko wala na siya, sabi ni nanay umuwi daw sila agad”

“aw sayang naman, pero sure ka talaga na walang ngyare?” ngumisi siya

“s-stop it Cleo, nothing happened” wala talaga akong maalala kagabi, ang naalala ko lang ay sinabihan ko siya na pasandal sa braso niya hanggang makatulog ako tapos ayun nga nakatulog na.

“ang sabi ni Aron may pupuntahan daw sila ni Adriel, may ituturo ata siya na kung ano. Hindi ko siya maintindihan eh, nagmamadali kasi kaninang umaga. Pero ang sabi naman niya it’s for Adriel’s sake” napakunot yung noo ko, wala akong katiwatiwala kay Aron. Baka kung saan niya dinali si Adriel at anong ituturo?! I smell something fishy about that.

Kinuha ko yung phone ko at idinial agad ang number ni Horiento. -ring ring- walang sumasagot -ring ring-

“sis?”

-“the subscriber cannot be reached”- idinial ko pa muli ito “sis sino ba yang tinatawagan mo?”

“si Horiento”

“nako sis ah masyado ka na atang obsess sa boyfriend mo” nakangisi niyang sabi, lumakas yung tibok ng puso ko

“hi-hindi ko siya boyfriend” hindi naman talaga, hindi ba? Wala naman siyang sinabing gusto niya akong maging girlfriend, he never asked me out. Yeah he tried to kiss me pero hindi niya ako niyaya so I guess wala ata siyang balak.

“plus I’m calling him because I don’t trust YOUR BOYFRIEND” inis na sabi ko

“don’t worry they’re fine”   -“the subscriber cannot be reached”-

“they’re fine pero hindi ko siya makontak” ibinaba ko na yung phone

“baka hindi lang niya naidala or naka silent” hmmm baka nga tama si Cleo plus alam naman ni Adriel ang ginagawa niya, masyado lang akong OA.

“let the boys have some fun, bisitahin nalang natin si Caelen” yaya niya

“sige let’s take her to the mall, matagal ko na rin siyang hindi nadadalaw” I miss her so much

Sumakay na kami sa car nina Cleo at tumuloy sa bahay ng mga Mizushima. After awhile nakarating na rin kami sa house nina Caelen. Pinatuloy kami nung isang kasambahay nila, ang sabi wala raw si Fraust may pinuntahang importanteng lakad. Pero naririto raw si Caelen.

2nd time ko palang nakapunta sa bahay nina Caelen. Kapag kasi niyayaya ko siyang lumabas hinahatid siya ng kuya niya sa amin. Ang gaganda ng mga nakasabit na larawan sa dingding nila. Nung last time na pumunta ako rito ay madalim kaya hindi ko sila masyadong napagmasdan.

Kyaaaah! Ang ganda ni Caelen para siyang doll! Ang mama siguro nila ang nagbihis sa kaniya. Ang cute cute niya! Napatingin ako sa isa pang larawan, family picture ata nila ito. Ang daming kasama sa picture, ayun siguro yung lolo nila yung nasa gitna.

 Ang ganda ng mama niya, heto siguro yung papa nila, yung nakahawak sa right shoulder ni Fraust. Kamukha din niya si Adriel, hindi pa nasasabi ni Adriel sa akin yung about sa sikreto niya pero I won’t rush him. I’ll wait. Hmmm weird, parang nakita ko na yung guy sa left side na katabi ni Fraust, hindi ko lang matandaan kung saan.

The Vampire and The GoddessWhere stories live. Discover now