Chapter 11: A sudden Twist

5.4K 125 1
                                    

Chapter 11: A sudden Twist

[Erisa’s POV]

“What are you doing here Mr. Snob?!” inis na tanong ko sakanya

“Mr. Snob?! Grabe naman yang tawag mo sa akin Miss Goddess” naiinis talaga ako pag tinatawagan niya akong Miss Goddess!!, hindi ba niya napapansin na naiinis ako pag tinatawagan niya ako ng ganoon?!

“Nakakainis ka kasi biglaan ka nalang umalis kaninang umaga na hindi man nag papaalam. Tapos naririto ka bigla, ano ba ang ginagawa mo rito aber?”

“Kailangan ko kasing umuwi dahil hindi ako nakapag paalam kay mama na makikitulog ako sa kaibigan, teka lang ako una nagtanong sayo kung ano ginagawa mo rito. Stalker ka ba? Sinusundan mo ata ako ehhh!” hala?! Ang kapal!

“Hoy! Hindi ako stalker noh! hindi ba halata na nabigla rin ako dahil nakita kita rito!”

“aba malay ko ba, pwedeng nagpapanggap ka lang. remember nung sa chem. Lab ‘can I see your eyes?’ tapos may ‘Please’ pa. baka ngayon ‘can I see your chest’ naman” he let out a tongue, namula yung pisngi ko, at talagang tanda pa niya ha?!!!

“ANG KAPAL MO! At kelan kapa naging madaldal, makapal at assuming?!” ganito ba ugali niya sa labas ng school? Grabe lang!! parang hindi si Adriel Horiento ang nasa harapan ko, asan na yung tahimik na guy na nakilala ko? Asan na yung lalaki na nakasama ko kagabi?!

“Tinawagan mo kasi akong snob eh, I’m just teasing you” TSK! I hate you!

“Bakit ka pala nandito?” Tanong niya

“To see my father” hindi nako nakipag talo kung sino ang unang nagtanong.

“I’m here to see my mom” at itunuro niya yung restaurant

“M’s Resto siya nagwowork?”

“Yap, hindi nga siya umuwi eh, Sunday ang day-off niya as far as I remember” same with papa.

“Kami ang may-ari ng resto at hindi rin umuwi si papa”

“Pag mayaman andaming business eh noh, phsss” ayaw ba niya sa mga mayayaman?

“Ano bang meron sa restaurant ninyo at ayaw mag day-off ng mga tao kahit dapat eh day-off naman nila” aba malay ko, sa akin mo pa itinanong eh curious nga din ako. I really smell something fishy about this!

“Tara na nga at pumasok nalang tayo, dahil wala rin akong kaalam-alam kagaya mo” pero bago pa kami makapasok eh may lumabas na magkasintahan. Halata naman na magkasintahan sila, may HHWW kasi silang nalalaman ehhh.. plus super dikit pa sa isat-isa. … sandali lang, familiar yung guy… what the?!

“PA?” sambit ko

“MA?!” sambit naman ni Adriel, actually sabay kami.

Tumingin kami sa isat isa

“MOM mo?!”

“TATAY mo?!”

at ibinalik ang tingin sa dalawang tao na ngayon ay hindi na magkahawak ang kamay.

“Sweetheart I can explain” lapit sa akin ni papa

“you should!” napasigaw ako, I know nakakahiya yung ginawa ko dahil nawala bigla yung manners ko.

“Hey! are you two going out?!!” sabat ni Adriel

“Addy” awat ng mama niya.. mukang galit rin si Adriel sa nakita niya..

“Yes, I’m dating your mom” sagot ni papa *BOOGSH* biglang sinuntok ni Adriel si papa. “ADDY!” HOY! papa ko yang sinuntok mo *PLAK* hindi ko napigilan yung sarili ko at sinampal ko siya.

“Freya!”

“Wala kang karapatan para saktan ang papa ko!” humarap siya sa akin, pulang pula yung pisngi niya na sinampal ko.

“Freya it’s alright, it’s my fault dapat sinabi na namin agad sa inyo.” Hindi naalis yung pagtitig ko sa mga mata ni Adriel. Hindi na galit ang nararamdaman ko sa mga mata niya. More like, grief. Nawala bigla yung galit ko, napalitan ng sakit. Gusto kong bawiin yung sampal na ibinigay ko sakanya…

“hijo let’s talk about this privately. Let’s come inside the resto” tumingin si Adriel kay papa with raging eyes at bigla na lang siyang umalis.

“Addy!” tinawag siya ng mama niya pero hindi niya ‘to pinansin at nagtuloy-tuloy lang siya “pasensiya ka na sa anak ko Franco, kakausapin ko muna siya” sabay tingin niya sa akin “Masaya ako at nagkita na rin tayo sa wakas” nag bow siya sa amin at sinundan na ang anak.

“She’s nice” I blurted

“I know you’ll like her”

“kaya ba ang aga-aga mong umaalis sa bahay dahil dumaraan ka muna rito?”

“I’m really sorry sweetheart, Dapat sinabi ko na noon pa”

“are you going to marry her?”

“I really do like her a lot. I still love your mom so much. It just happened. I fell for her, she was so caring like your mom and she makes me happy, a feeling I have never felt for so long since your mom died. Yes you make me happy sweetheart but there’s something missing and she’s the missing part” nakita ko yung sadness sa mga mata niya. I don’t want to rob him the happiness he’s having right now.

“If you’re happy, I’m happy” I hugged him “but no more secrets”

“yes I promise” he said. Pero…. Ibig sabihin ba noon magiging kapatid ko si Adriel? Why does my heart waver?

Nakauwi na kami sa bahay “so, how long do you know each other?” tanong ko. He sat on his favorite wooden chair. “for a year or two”

“that long?!”

“but we’re dating for only 2 months now.” Natawa ako sa sinabi niya, parang bagets lang.

“so you knew about her son” dumating si nanay Ising na may dala-dalang miryenda. “thankyou po nay” kinuha ko kay nanay yung dala-dala niyang miryenda at iniwan na niya kami.

“Yes but I never met him, ngayon palang kami nagkita. Sakit parin ng suntok niya, kung magkaka boyfriend ka ganoon ang hanapin mo. Protective kind, I like his personality. He really loves his mom” namula naman ako sa sinabi ni papa.

“He was a classmate of mine and actually kasama ko s'yang natulog kagabi”

“WHAT?!” kung maka react si papa wagas, haha!

“nothing happened, just a game with friends” my heart still wavers, bakit kaya?

“Do you like the boy?” nagulat ako sa sinabi n'ya, my reaction was so obvious. pero napalitan din agad ito ng pagkalungkot. What’s wrong with me?

“wala din naman hindi ba, magiging kapatid ko siya…” I mumbled

“I’m sorry, if you really like the boy then I won’t marry his mom”

“No! It’s okay, I barely know the guy anyway. saka I want you to be happy” kakalimutan ko nalang ‘to, kung ano man ang meron dito sa puso ko…drama eh noh? haha! but I think I really do like him?.. hmmm...

The Vampire and The GoddessWhere stories live. Discover now