Chapter 9: Spending the night with her...

7.1K 140 1
                                    

Chapter 9: Spending the night with her...

[Adriel’s POV]

“Dare” I blurted out, I thought I picked the safest choice.. pero nagkamali pala ako…

“you can use one of the guest rooms, right, my princess?” ang sabi ni Aron habang nakatingin kay Cleo.

“yes, my prince” sagot nito ng nakangiti. damn! this is madness!!

“hey, why me? Why the hell do I have to spend the rest of the night with him?” sabay turo sa akin ni Ms. Goddess.

“it’s a dare, you should abide by the rules, Ms. Goddess” sambit ni Aron.

“you will pay for this!” sagot niya na may bahid ng inis.

“hindi niyo pa naman tinatanong si Adriel kung tinatanggap na ba niya ang ipinapagawa ni Aron, nag dedesisyon na kayo jan” sabat ni Drake sa dalawang nagbabangayan.

Sabay-sabay silang napatingin sa akin na para bang hinihintay ang isang nakaka abang na parte sa isang pelikula. Potek na Aron naman ito!!, alam naman niyang hindi ako sanay na kasama si Erisa ehhhh! pagsasamahin pa niya kami sa isang kwarto?!!! buong gabi paaa! dammit!! hindi ba niya na-isip ang mga posibleng mangyari?!

“paano kapag hindi ko ginawa?” tanong ko.

“kayong dalawa ni Erisa ay gagawin ang parusa.” Bulalas ni Aron.

“huh?! Bakit ako nadamay? Siya lang naman ang tinamaan ng bote hindi ba? bakit kailangan eh kasama ako?” sabat ni Erisa.

“dahil a rule is a rule, naihayag ko na ang task at kasama kayong dalawa roon, so it means pati sa parusa ay magkasama pa rin kayo.” ngising sagot niya.

“At kelan pa naging ganon?!!!” pa sigaw niyang bulalas.

“chill ka lang sis, lumalabas na yung mga sungay mo” natatawang sabi ni Cleo.

“Hoy Ar-“ “oh wag kanang makisali” pagpigil ni Drake sa kapatid.

Heto naman kasing si Aron, *sigh* “tinatanggap ko na” inisip ko kung tatanggihan ko ay baka lalong magalit itong si Erisa at hindi na sila magbati ni Aron. Sa mga pangyayari ay mukang ayaw talaga niya nung parusa. Ou nga naman sino ba naman ang may gusto na tumayo sa harapan ng school na konti nalang ay hubad na?! next time Adriel when there is a game like this one, wag na wag ka ng sasali. note to self. 

Buti nalang dala ko yung contacts ko, para pagsapit ng gabi ay hindi Makita ni Erisa ang pulang mata ko. Ngunit paano ko iiwasan ang kanyang dugo? *sigh*

Mukang ayaw rin akong makasama ni Ms. Goddess, galit  na galit siya kanina. Minsan ang bait-bait niya sa akin, minsan naman ay parang gusto niya akong patayin sa galit o inis. Hindi ko siya maintindihan. *sigh*

"Hey don't sigh Addy, Happiness will escape you" ngising sabi ni Aron. damn you! this is your fault! “wag kayong mag-alala, this will be fun” dagdag pa nito. mapapatay na talaga kita Aron Ramirez!

“sabi ko na sayo Erisa, yang si Aron hindi mapagkakatiwalaan” sambit ni Ayra. I support Erisa's friend on this one.

“wag ka namang ganyan, I’m doing them a favor. Dapat pa nga magpasalamat kayo sa akin eh.” Tinignan niya kami sabay ngiti.

Napakunot nanaman si Ms. Goddess “you will pay for this Aron Ramirez!” nauna siyang pumasok at sumunod ako.

“Goodnight to both of you, sleepwell” pang-asar ni Aron at isinara na niya ang pinto.

“nakaka-asar talaga siya, the nerve of that guy!!!” inis na inis na sabi ni Ms. Goddess.

Malaki yung room, may couch, doon nalang ako matutulog mamaya. may veranda din. Pag mayaman ka nga naman, pati guest room may veranda. May flat screen TV pa with complete movie set at may PS3 ba yun? Meron din mini fridge, ano kaya ang laman neto sa loob? Swerte naman ng mga guest nila, pampered.

The Vampire and The GoddessWhere stories live. Discover now