Chapter 8: Unexpected Party

7.2K 164 9
                                    

Chapter 8: Unexpected Party

[Adriel’s POV]

Natapos ang buong week na hindi kami nag papansinan ni Miss. Goddess, pag Chem. Lab lang kami nakakapag-usap pero napaka-ilap pa rin namin sa isat-isa kahit nag-eexperiment. Hindi narin namin binuksan yung tungkol sa ngyari noong nakaraan.

And There’s this awkward silence between the both of us, walangyah kasing Aron na yun naikwento pa sa akin yung about sa destiny. Totoo kayang destiny ko si Miss. Goddess? Baka totoo nga, destiny kami na hindi magsama. *I let out a tongue*

Dahil Saturday naman ngayon, hindi ko na muna popoblemahin yang destiny na yan dahil walang Erisa sa paligid. Makakapag pahinga na rin sa wakas!!! This is what I need, peace and quiet. Ako lang ngayong mag-isa sa bahay dahil umalis si mama para sa trabaho, Sunday pa kasi ang day-off niya. Kaya SOLO ko ang bahay ngayon! 

Manunuod ako ng Shingeki No Kyojin!!, updated na ata yung episode niya eh. Inaabangan ko talaga yun pag Saturday, kasi Saturday lang ako may free time, inuuna ko ang school bago ang lahat. Pag Sunday naman ay bonding kasama si mama. Yap, SATURDAY is my FREE DAY! bubuksan ko na sana yung PC ng biglang tumunog yung phone ko. WTH?! Sino naman kaya 'to? Iistorbohin pa ang panunuod ko!

Tinignan ko kung sino yung tumatawag pero unknown number. Sino naman kaya 'to? “Hello?” I uttered

“ADDY!” sigaw nung tao sa kabilang linya WTF?! Bingi ba ako?! Kung maka salita parang bingi ang kausap ah! Wait addy? Isa lang yung kilala kong tumatawag sa akin ng palayaw na yan maliban kay mama. Ou naalala ko na! kinuha nga pala ni Aron yung number ko kahapon nung nagkita kami sa harapan ng school gate after class.

“Adik ka Aron! bingi ba ako?! anong kailangan mo?” galit na tanong ko

“hahaha! Tara may pupuntahan tayo! Sunduin kita jan sa inyo!” ehhh?! Pero FREE DAY ko ngayon! Shingeki No Kyojin DAY ko NGAYON! At biglang may nag doorbell! at sino naman kaya 'to?! “sandali lang may tao sa labas”

“sige puntahan mo na dali!” ibinaba ko muna yung phone pero hindi ko pinatay yung tawag ni Aron. Isa sa mga ayaw ko ay ang doorbell, epal eh! tulad kapag nanonood ka ng movie lalo na at nakakatakot yung movie tapos biglang may magdodoorbell POTEK lang! kahit naman matapang ka, syempre may mga horror movies na nakakakaba talaga. Bakit kasi inembento pa tong doorbell na 'to!

Binuksan ko na yung pinto

Ako >> O____O

Yung tao sa labas >>  ^_____^

Ang sarap niyang saksakin, kung may dala lang akong panaksak eh napatay ko na 'to.

“gulat ka ba? Hahaha!” tawa siya ng tawa.

“patawag-tawag ka pang nalalaman naririto ka na pala” lokong Aron na 'to, no choice sumama na ako sakanya, makakatanggi pa ba ako? See you next Saturday Shingeki No Kyojin.

“san ba tayo pupunta?” naka sakay na kami sa sasakyan niya

“papakilala kita sa mga kaybigan ko” ehh?! Baliw ata tong si Aron alam naman niya na hindi naman ako sanay na makisalamuha sa mga tao, at panigurado maraming royal blood sa mga kaybigan niya.

“oi alam mo naman na hindi ako sanay sa mga ganyan, ipapakilala mo pa ako?!”

“relax ka lang, para nga masanay ka eh. Kaya hindi ka nasasanay panay iwas mo sakanila” masanay? Hindi ko na kailangan pang masanay, Masaya na ako kung anong meron ako. Malayo sa mga tao.

“here we are” at huminto siya sa tapat ng isang malaking bahay.

“tara na” lumabas na kaming dalawa sa sasakyan at may biglang lumabas na babae sa gate.

The Vampire and The GoddessWhere stories live. Discover now