Kapitel 41

1.9K 47 1
                                    

EINUNDVIERZIG~~

Elie's POV

Sa ngayon ay nasa kotse na kami papunta sa main house ng Midnight Equinox halos isang araw din kaming nasa eroplano pero hindi ko naman ramdam yun dahil halos buong biyahe akong tulog, si Psycho tuloy ang mukhang pagod dahil si loko binantayan pa pala akong matulog.

Madaling araw na ngayon kaya may kadiliman pa ang paligid pero yung ideya na nakabalik na ako sa bansang sinilangan ko ay di pa rin maalis sa isip ko pagka-apak na pagka-apak ko pa nga lang sa lupa ay parang kinilabutan na ako lalo pa ng nagsibalikan sa akin ang mga alaala ko ng nasa basel pa kami ni Mama...

"tsk!" napalingon naman ako at nakitang hinihimas niya ang mata niya para yata pigilan ang antok

Tumingin naman ako sa driver ito yung sundo na pinadala sa amin ng M.E sa tabi naman ng driver ay si Kylon na nakatingin lang sa labas sa gilid ko naman ay ang natutulog na si Greiv at sa kabila si Psycho

"hayaan mo munang nakapikit ang mata mo at wag mong kusutin" lumingon lang naman sa akin si Psycho "malapit lang naman na tayo kaya makakatulog ka na rin sa inyo"

"hmp, I doubt it, the old man would probably summon me right away" old man? Yung Tatay niya siguro, naisip ko lang wala pala talaga akong alam tungkol sa pamilya ni Psycho...

"bakit naman agad-agad?" kitang galing sa biyahe ang tao at may jetlag pa

"Ganun talaga ang dating Alpha masyado niya kasing mahal ang anak niya kaya gusto niya agad makita"nakangising singit ni Kylon

"Please note the sarcasm, that geezer isn't that soft...ugghh...I can't wait to sleep in bed!" nakasimangot niyang sagot kay Kylon atsaka nakayukong sumandal sa balikat ko, hinayaan ko lang siya sa ganung pwesto hanggang sa makarating kami sa Main house, pagkalagpas namin ng barrier ay isang engrandeng palasyo sa paanan ng bundok ang bumungad sa amin at literal na nakanganga ang bibig ko ng makita ito, nagpalinga-linga naman ako para alamin kung nasa 20 1st century pa rin ako dahil puro medieval na bahay na ang nakikita ko

"Alpha Adalbert, Alpha Adolphus is already waiting for you" bungad ng medyo may edad na lalaki na mukhang head butler dito

"I understand" Lumingon naman sa akin si Psycho "Guide her to my room" utos niya sa iba pang kasambahay atsaka lumapit sa akin at hinalikan ang noo ko "I'll be back" para namang sa malayo ang punta niya, pagkatapos magpaalam ay sumunod na siya sa butler

Kasabay ko namang naglakad papaakyat si Kylon na buhat-buhat ang tulog na si Greiv mukha tuloy siyang tunay na bata kahit na sabi nila Psycho ay daan-daan na daw talaga ang edad nito

"yung Alpha Adolphus yun ba ang Ama ni Psycho?" tanong ko kay Kylon

"yeah he is, malamang makikita mo siya mamaya kapag nagbigay ka na ng pormal na pakilala" sagot nito

"ano kayang itsura niya" mahina kong tanong sa sarili ko

"hmmmn...mahirap ipaliwanag e dahil hindi naman siya kamukha ni Alpha, mas hawig si Alpha sa kanyang Ina which is this lady right here" huminto naman kami sa tapat ng isang malaking portrait ng isang babae

Napanganga naman uli ako dahil sobrang kamukha siya ni Psycho, Female version niya ito ang pulang buhok ay namana din pala niya sa kanyang ina

"Nasaan na siya ngayon" ngayon ko lang kasi narinig na may nagbanggit sa Nanay ni Psycho

"Wala na siya, pero hindi ako ang dapat na magkwento nito" nakangiting sagot ni Kylon "dito na ang daan namin Luna" tumango na lang ako sa kanya atsaka tiningnan siyang maglakad sa kabilang hallway

The White Queen(On Going Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon