Kapitel 11

3.5K 103 2
                                    

A/N: as requested by kimchellee here is my drawing of Cyan, Elie and Marie!^^

ELF~~

Elie's POV

Nandito ako ngayon sa kwarto DAW namin ni Psycho, nakaupo ako ngayon at nagsesearch sa laptop ko, si Psycho kasi ay mukhang nasa meeting uli...

Nagtataka lang ako kung bakit nandito si psycho sa pilipinas samantalang ayun sa impormasyon nakita ko ay sa capital ng Switzerland ang Main House ng M.E Pack (Midnight Equinox) so... Anong kailangan nila sa bansang to?

Tiningnan ko naman uli yung Screen ng laptop ko at nag-log in naman ako sa isang site na madalas kong puntahan dati isa itong sikat na site para sa mga paranormal enthusiast at madalas akong tumambay sa mga forum nito, Mga tao ang halos naka-log in dito pero minsan meron silang mga nakukuhang impormasyon na maaring isipin ng iba na kathang isip lng pero ang ilan dun ay may katotohanan.

-DarkAngel01: guys alam niyo ba yung kilalang black market ngayon? Narinig ko lang to sa iba-

Nagopen ng topic yung isa, black market?

-Night07: anong meron sa black Market na yun?- pagtype ko ay may isa namang sumagot.

-xXxLoverxXx: Ah! Yan ba yung bulong bulongan ngayon? Yung Black Market na nag-u- auction ng mga illegal na bagay?-

-DarkAngel01: oo yun nga! Balita ko di lang daw mga illegal na bagay ang meron dun!-

-PrettyGirl30: Ay! I think i know that! Sabi nila nagbebenta sila dun ng mga tao para gawing sex slave!- mukhang dumadami na yung tao sa forum.

-DarkAngel01: hindi lang tao ang meron dun! Nagpapa-Auction din sila ng mga hindi tao!- dun ako nagkaroon ng interes sa usapan.

-Night07: Anong ibig mong sabihin?- tanong ko.

-DarkAngel01: Yung mga alam mo na, yung mga nagbabalat kayong mga tao pero hindi naman talaga. mukhang hindi nga rin tao ang nagpapalakad ng Black Market na yun!-

-PrettyGirl30: waaa!!! Creepy!!! Sana hindi ako makidnap at mabenta dun! Sayang beauty ko.-

-11Moonless11: san mo naman nakuha ang impormasyon na yan DarkAngel01?- sabi ng bagong pasok.

-DarkAngel01: aahh... Narinig ko lang sa isang kakilala ang tungkol dito, dati na daw siyang nakapasok dun at kinuwento niya sa akin ang mga nakita niya-

-11Moonless11: hindi ka ba natatakot na kung saka-sakali ay balikan ka nila dahil sa impormasyon na to?-

-xXxLoverxXx: oo nga kung totoo man yung mga sinabi baka manganib ka!-

-•IdiotHere•: hala ka!XD-

-DarkAngel01: Hindi yan! Di naman nila ako kilala!-

-11Moonless11: sigurado ka ba dyan?- sino kaya tong moonless na to? Nakakapagduda siya.

-Prettygirl30: hey guys wag naman kayong manakot! Lahat tayo nalaman ang impormasyon na yun, so ibig sabihin nasa panganib din tau kung sakali?- hindi na nagreply sa thread yung DarkAngel01 mukhang natakot din.

Naramdaman ko naman na paparating si Psycho kaya ibinalik ko ang tab sa nireresearch ko na assignment kanina.

Nakatingin ako sa screen ng marinig kong bumukas yung pinto at sumara ulit, alam ko namang si Psycho yun kaya di ko na tiningnan.

"What are you doing?" Mahinahon niyang tanong, bakit kaya parang pagod na pagod ang boses niya?

"Doing my assignments." Walang tingin tingin ko na sagot. Naramdaman kong umupo siya sa kama at biglang may kamay na lang na pumulupot sa bewang ko.

The White Queen(On Going Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon