Kapitel 30

2.5K 67 2
                                    

Song: Don't you dare forget the sun by Get scared

Got addicted to this song!XD

DREIßIG~~

Elie's POV

I woke up feeling groggy, at sa di malamang dahilan ay nananakit ang puson ko kahit na alam kong hindi ko pa naman buwan(Girl thing)

Naramdaman kong bumangon si Gabriel

"Good morning" ngumiti siya sa akin bilang sagot habang hinihimas niya ang mata niya, ang cute talaga ng batang to...kahit naman ganito ako babae pa rin ako at malaki rin ang pagkahilig ko sa mga cute na bagay, unti nga lang ang nakaka-alam nun

"Maghilamos kana, sabay na tayo kumain tutal panghapon ang pasok ko ngayon" masigla namang bumaba sa kama si Gabriel at agad na pumasok sa banyo

Malapit na pala sem break namin...naalala ko tuloy yung sinabi ni Psycho, ang hilig niya talagang mag-plano ng agad-agaran

Lumabas na si Gabriel sa Banyo at may malaki siyang ngiti na lumapit sa akin, masyado naman siyang excited na makasabay ako sa almusal, dahil na din siguro madalas akong wala sa umaga at halos hapon na din uwi ko

"Tara na?" Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa gilid ng kama pero bigla din akong napahinto ng biglang uminit yung bandang colar bone ko

"Anong--" hinawakan ko yung parte kong saan parang napapaso ako at bigla kong naalala "yung marka?!" Lumapit kaagad ako sa salamin at nakitang namumula yung parte kung saan ako minarkahan ni Psycho...

Ang totoo niyan ayaw na ayaw ko talagang tingnan to kaya hindi ko din napapansin ang desinyo ng marka ngayon ko lang napansin na parang di pa tapos ang marka na ito...

"Aray!" Napangiwi naman ako sa sakit, ano bang nangyayari sa marka na to? Halos namumula na rin ang balat ko sa gilid ng marka

"Hhn!" Nagulat naman ako ng biglang hinila ni Gabriel ang laylayan ng damit ko at halata sa kanya ang pag-aalala kaya tinakpan ko agad ang marka ko at lumuhod para maging ka-level niya

"Ayos lang ako, wag kang mag-alala..."pinat ko siya sa ulo atsaka tumayo "tara na sa baba" inabot ko ang kamay ko sa kanya at agad niya naman tong kinuha

Lumabas na kami ng kwarto at nakitang kompleto na sila sa lamesa at mukhang kami na lang ang inaantay

"Aaah!!! Sa wakas nandyan na kayo! Kanina ko pa gusto kumain e! Kaso hindi pa daw pwede magsimula ng wala kayo!" Sigaw ni Greiv di ko naman maiwasang mapansin ang mga nasa plato niya, C-cake sa almusal??? At ibat-ibang variaties pa...bigla akong nawalan ng gana

"Sit here" utos ni Psycho habang itinuturo ang upuan sa tabi niya, madalas kasi na una akong kumakain ng almusal kaya bibihira ko silang makasabay ng ganito

Umupo na ako sa upuang tinutukoy ni Psycho at inupo ko rin sa tabi ko si Gabriel at tahimik naman na kaming kumain pero iniiwasan ko talagang tingan si Greiv dahil malamang hindi ko din mai-enjoy ang pagkain ko parang ganun din naman ang ginagawa ni Mio at Tsuki pwera na lang sa mga kampanteng kumain na si Psycho at Kylon si Gabriel naman ay mukhang nag-eenjoy lang na tingnan si Greiv

Habang kumakain ay bigla ko namang naalala yung pananakit ng Marka ko baka dahil hindi pa ito kompleto kaya sumasakit to, ang totoo niyan kunti lang talaga ang alam ko tungkol sa mga mate thing na yan lalo na sa pag-marka since hindi naman yun mahalaga para sa paghihiganti ko

Well may mga lobo naman ako sa harap ko bakit hindi ko na lang itanong

"Alam niyo ba kung paano makukumpleto ang isang Marka?" Nagulat naman ako sa mga reaksyon nila, Si Mio agad na naidura ang kinakain niya si Tsuki naman na susubo dapat ay biglang namula at Si Kylon na sa una ay nabakasan ng pagka-gulat ay biglang palihim na natawa si Greiv at Gabriel lang ang No reaction, Nacurios ako sa ako sa reaksyon ni Psycho kaya nilingon ko siya pero isang makahulagang ngisi lang naman ang binigay niya sa akin

The White Queen(On Going Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon