Kapitel 9

4K 117 0
                                    

A/N: feel free to listen to the music box tune titled 'Childhood' by Peder B. Helland. Accompanied din to ng ibang instrument.

Ito yung tune ng music box ni Elie.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

NEUN~~

Elie's POV

Nakahiga ako ngayon sa kama habang nakatingin sa kisame.

Hanggang ngayon di pa rin talaga ako makapaniwala na kabilang si Psycho sa mga Kings.

Ang Kings kasi ay isang organization ng maimpluwensya at makapangyarihang mga Alpha Wolf na nagmamay-ari ng malalawak at maraming teritoryo, Meron 10 kings sa boung mundo at ang mga higher rank na 3 kings ay ang Pinakamalakas. Kaya lalong di ako makapaniwala kay Psycho nung sinabi niya na Rank 3 siya sa Kings....

"*sigh* masyado palang kilala ang Pack na ito kung ganun..., tama ba ang naging desisyon ko?" Hangga't maari kasi ayokong makakuha ng maraming atensyon mula sa Wolf society pero dahil nag-alok ng kasal sa akin ang isa sa mga Apha Kings at ako namang tong si tanga na sumang-ayon.... Malamang nasa akin nga ang atensyon....

Pero malaking advantage naman din ata to dba? Lalo pa't mas mapapadali ang paghahanap sa Killer nila mama dahil maimpluwensyang tao sya..

Mukhang may gamit pa si Psycho!

Hinalungkat ko naman ang backpack ko at kinuha ko ung isang maliit na asul na box sa loob, binuksan ko ito at inikot ang pihitan kaya tumunog ang munting music box, tiningnan ko naman ang dalawang litratong nakalagay sa ilalim ng takip ng music box, yung maliit na litrato ay picture naming tatlo ni Mama at Tatay nung bata pa ako at yung malaking litrato ay picture ni Mama habang nasa Tyan pa niya ako at Katabi naman niya ang bioligical Father ko.

Ang sabi ni mama sa akin ay si Papa(bioligical father) daw ang gumawa ng Maliit na music box na ito, pati na ang mga nota ng kanta nito regalo daw dapat sa akin to ni Papa sa 1st Birthday ko kaso, namatay siya bago pa maibigay ito sa akin. Hindi ko alam kong bakit namatay si Papa dahil tuwing mababanggit ko siya ay umiiyak si Mama.

Mga 6 years old ako ng magkita si Mama at Tatay sa Paris isang registered nurse doon si Tatay, siya ang nagbalik ng mga ngiti ni Mama kaya mahal ko din sya, pero dahil tutol sa kanila ang Pack ay pinalayas kami kaya napagdesisyunan nila na sa Pilipinas na kami manirahan ngunit ang akala kong bagong simula namin ay nauwi lng sa malagim na trahedya dahil sa pagpatay sa kanilang dalawa ng di ko kilalang mga lobo...

Ipinikit ko naman ang mata ko saka iniikot uli ang music box kasi huminto na, kumakalma tlga ako kapag pinakikinggan ko to,

hinawakan ko naman ang sout kong choker sa leeg at kinapapa ko ang pendat nitong Krus...

"Malaki na ang lamat nito..." Binigay sa akin ito ni Mama nung pumunta kami sa Pilipinas isa itong Limiter para hindi ko mailabas ang wolf ko pero mukhang unti-unti na itong nasisira kaya hangga't maari pigil ang lakas na ilalabas ko...

Itinakip ko naman sa mata ko ang braso ko, ayoko munang isipin kong gaano kalupit ang mundo...

Unti-unti naman akong inaantok dahil na rin ata sa music box...mukhang panaginip na lang talaga ang takas ko....

Naalimpungatan ako ng bigla kong maramdaman ang presensya ni Psycho sa di kalayuan, tiningnan ko naman yung labas ng bintana at nakitang madilim na sa labas. Napahaba yata tulog ko maliwanag pa kasi ng makatulog ako, hindi ko naman makita ang oras sa relos ko kasi sobrang dilim.

Narinig kong bumakas ang pinto at nakita ang Silhoutte ni Psycho nasa likod niya kasi yung ilaw ng hallway...

"What are you doing here?" Tanong niya. Tinakip ko naman sa mukha ko ung unan, wala bang lock ang pinto na yan?

The White Queen(On Going Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon