Kapitel 5

4.2K 132 5
                                    

FÜNF~~

Elie's POV

Hmnn... Paano kaya ako makakatakas? Nakita ko yung nakasaradong bintana sa gilid ng kwarto pero nung binuksan ko ito ay nakita kong nasa pinakamataas pala akong parte ng mansion, building, kastelyo? Ahh! Ewan ko kung ano to basta mataas at gawa sya sa bato, malamang baka kastelyo nga ito, pero meron bang ganitong kastelyo sa pilipinas???

"Tsk! Bwisit na mga lobo yun!" Ugghh!!! Gusto ko na tlgang tumakas!

Napatingin naman ako sa sout kong damit at napaisip, SINONG NGA PALANG NAGPALIT NG DAMIT KO!?!?
Damn!!! Patay sa akin kapag nalaman ko kung sino!!! Agad ko namang hinanap ang damit ko at iba ko pang gamit pero hindi ko ito makita sa loob ng kwarto.

"Arrgghh! Kapag makawala lng tlga ako!!!" Tiningnan ko naman yung pinto, nasa isip ko na malamang sarado to, pero sinubukan ko pa ring lapitan para tingnan at nagulat ako ng pagpihit ko sa door knob ay bukas pala ang pinto!

Tiningnan ko naman ang labas ng pinto at nakitang wla man lng bantay... Ang lawak ng pasilyo nila at puti na may desinyo ng ginto ang mga pader, masyadong magastos sa pera ang mga wolf na to!

Bumalik ako sa loob ng kwarto at naghanap ng masusuot na damit, ang sout ko kasi ay simpleng puting night gown. Isinout ko kaagad ang nakita kong damit, sout ko naman pala kasi ang undies ko at ang nakita ko lng na damit sa lugar na ito ay puting polo at kulay brown na pantalon at mukhang panlalaki pa ito. Itinupi ko ang sleeves ng polo dahil masyadong mahaba pati narin ang pantalon, itinupi ko rin ito hanggang maging tokong.

Lumingon naman uli ako sa labas ng pinto at napaisip kong bakit wlang bantay....tapos napalingon uli ako sa paligid.

"Aaah... Kung ganun yun ang balak niya..." Nagsimula na akong maglakad pakanan ng pasilyo, at naalala ko naman ung sinabi ng siraulong Alpha na yun...

"No, no dear, this is not just because i want you in my pack, it's also because i want you as my wife"

Napaisip naman ako bigla, bakit nya ako gustong mapangasawa? Anong problema ng isang yun, sa itsura naman nya kaya nyang pumili ng kahit na sino, ngayon bakit ako pa?

"Ate!" Ang laki ng gulat ko ng biglang may humugot sa lalayan ng damit ko at nagsalita...

"Ate! Naliligaw ka po ba?" Nilingon ko naman ito at nakita ang isang batang may dilaw na buhok at asul na mata, nakasuot din sya ng pulang roba na may mga marka at desinyong kulay ginto...

"Aahhh... Hindi n-naglilibot lng ako" d ko masabi kong ano pero parang may kakaiba sa batang ito

"Aah! Ganun po ba!? Umnh...Kung may oras po ba kayo pwede mo po ba akong samahan?" Binigyan nya naman ako ng inosenteng ngiti

"Samahan saan?" Tanong ko bigla, hindi man lang ba nagdududa ang batang ito sa akin?

"Gusto ko po kasing uminom ng tsaa at kumain ng cake sa greenhouse pero nakakalangkot naman po kasi kung kakain ako ng mag-isa..." Bigla namang lumungkot ang itsura niya, iba tlga pakiramdam ko sa batang to....

"Aah.. Pasensya na pero may pupuntahan pa ako e" lalong lumungkot ang mukha nya

"Sige na plsss..." Darn! Why?! Why?! Bakit may cute na nilalang sa harap ko!? Bakit!? Paki layo sa akin ang kahinaan ko!!!!!

"S-sige pero saglit lng..." Napa-oo ako ng wala sa oras... Patayin nyo na lng po ako...

"YEHHHEY!!! Tara po dito ang greenhouse!" Hinila nya naman ako patakbo dun sa tinutukoy nyang greenhouse

Lokong mga lobo yun! Nalaman na ata nila ang kahinaan ko!!!!

(Greenhouse)

"Anong flavor ng cake ang gusto mo? Nagpahanda ako ng marami!" Uhh.... Balak ba ng batang to na magkaroon ng diabetes? .... Pakiramdam ko sa dami ng cake na nasa lamesa ngaun ay understatement na yung "marami" nya.

"I-itong caramel na lang..." Sabi ko sabay kuha ng caramel cake sa platito,

"Wag kang mahiya ate! Kumain ka lng ng kumain!" No... Please ayoko pang mamatay ng maaga...."siya nga pala ate, tao ka diba? Bakit ka nandito?" So nagtataka din pala siya.

"Kinidnapped ako." Sabi ko sabay inom ng tsaa. Bakit naman ako magsisinungaling sa bata? E sa kinidnapped talaga ako.

"Eh!? Bakit naman!?" Inosente nyang tanong, seryoso! Duda tlga ako sa batang to." Kung kinidnapped nga po kayo bakit po kayo pagala-gala sa kastelyo?" Oooh... So kastelyo nga tlga to!

"Nakabukas ang pinto ng kwarto ko" sinubo ko naman ung strawberry sa taas ng cake, waaa... Ang tamis tlga!!! Isa lng tlga kaya kong kainin!

"AHHH!!! Kung ganun!!! Tatakas ka po pala nun!?" Nagulat naman ako bigla sa pagsigaw nya" waaa! Dapat pala di kita pinigilan!!! Nakatakas na po sana kayo!" Mukhang nagsisi tlga sya, so balak nya akong patakasin? Napangiti naman ako

"Hindi ako tumatakas nun, alam ko naman kasing walang balak ung psycho na yun na patakasin ako atsaka may bantay ako kaya paano ako makakatakas?" Tumawa naman sya bigla.

"Hahaha kung ganun alam mo palang sinusundan ka ni Aki-chan?" Aki-chan?, lumingon naman sya sa kanan niya."di mo na pala kailangan magtago Aki-chan! Tara sumama ka na dito!" Lumabas naman sa may halamanan yung tinatawag niyang Aki-chan.

Sabi ko na nga ba isa sa kanila na humabol sa akin kagabi ung nakabuntot sa akin kanina.

"Maupo ka dito Aki-chan!" Tinapik-tapik nung bata yung upuan sa tabi nya, walang imik imik naman yung Aki-chan na umupo" chocolate cake favorite mo diba? Ito oh!" Kinuhaan niya ng cake ung lalaking nagngangalang Aki.

"Ate alam mo po ba kung bakit ka kinidnapped?" Biglang magsasalita sana yung Aki-chan pero na una akong sumagot.

"Yung psycho kasi na yun sa di malamang dahilan ay balak akong maging asawa" parang biglang nagalit yung Aki

"Alpha is not a Psycho!!! Kaya wag---"

"Aki-chan!!! Aaahh!!" Bago pa matapos ni Aki yung sasabihin nya ay isinubo na agad nung bata sa bibig nya ung cake, palihim naman akong napatawa.

"Ate, malamang isang dahilan lang naman kaya gusto kong pakasalan ni Psycho" sabi nung bata, aangal pa sana ung Aki kaso d sya makapag-salita dahil sa cake, tumingin naman ako dun sa bata.

"Ano naman kayang dahilan yun?"

"Dahil ikaw ang mate niya!" Napatawa naman ako bigla, silang dalawa naman ay nagtaka.

"Hahahahaha Mate??? Sinong makalumang lobo ang naniniwala pa sa ganyan? Marami nang lobo ngaun ang nagpapakasal sa hindi nila mate!"

"Hehe syempre ang makalumang lobong yun ay ang Psycho Alpha namin" hindi yun sarcastic nakangiti talagang sinabi yan nung bata yan.

Medyo sumeryoso naman ako pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa akin.

"Ang Alpha namin ay naniniwala pa rin sa lumang tradition na yun, bata palang sya hinahanap nya na ang Mate nya, gusto nya kasi ang ideyang may nakatakda para lng sa kanya!"

"Pero ang pagkahanap sa Mate ay isa lang namang koneksyon diba? Kaya nga maraming nagpapakasal sa hindi nila Mate kasi maraming lobong mas pinapairal ang puso kesa sa hila ng 'koneksyon' na meron sa mate nila" damn ang hirap ipaliwanag nun! Nakangiti ko pa ring paliwanag.

"Hmmn, hindi ko na desisyon yan, dahil kayo na ang bahala dyan" sabi nya tapos inosenteng ngumiti sa akin, mukhang bigla naman syang may naalala kaya napatayo sya bigla "Ah! Naku! Anong oras na pala kailangan ko ng umalis! Aki-chan ikaw na bahala dito ah!"sabi nya sabay tapik kay Aki at baba sa kinauupuan nya. Patakbo na dapat sya sa labas ng bigla syang bumalik.

"Ang pangalan ko nga pala ay Greiv!" Sabi nya sabay abot ng kamay nya sa akin.

"Ako naman si Elie, kinagagalak kitang makilala Greiv" nakangiti kong inabot ang kamay nya.

"Siya nga pala, hindi ka talaga isang tao tama ba? Ramdam kong isa kang kahanga-hangang nilalang" una nagulat ako sa sinabi nya tapos napatawa na lang ako bigla, ang lalim kasi ng sinabi niya. " hanggang sa muling pagkikita binibinig Elie" binigyan nya uli ako ng inosenteng ngiti bago lumabas ng greenhouse.

Napaisip tuloy ako...

Sino kayang kakain ng mga cake na to???

~*~*~*~*~*~*~*~*~
A/N: uhhhh... Mukhang nonsense ung mga naisulat ko...
Sensya na po!!!>~<

Sorry po pla kung may mga typo.

The White Queen(On Going Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon