Kapitel 24

2.8K 85 0
                                    

VIERUNDZWANZIG~~

Elie's POV

Ughhh~ ang sakit talaga ng ulo ko... Halos hindi ko na maintindihan yung tinuturo ng prof namin, kulang kasi ako sa tulog atsaka kanina ko pa pinipigilan ang pakikipag-mindlink ni Psycho sa akin dahil ayoko talaga siyang maka-usap ngayon atsaka alam kong hinahanap na ako nun dahil pumasok ako ng walang paalam, maaga na akong umalis para makapasok buti na lang at may jeep pala na dumadaan sa lugar na yun kaya kahit papano ay nakasakay ako.

Sa di malamang dahilan kasi pakiramdam ko trinaydor ako...mas pinili niya kasi ang kaibigan niya kesa sa akin...

TEKA!!!! Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito!!! Ano bang nangyayari sa akin?!

Napahawak naman ako ng mahigpit sa bandang dibdib ko.

Hindi ko talaga nagugustuhan ang takbo ng pag-iisip ko lalo na ang kakaibang tibok ng puso ko kapag nandyan si Psycho...alam ko kasing hindi ko dapat nararamdaman to...

Kailangan kong pigilin to!

"Ok that's all the time we have for now don't forget to pass your reports tomorrow" huh!? Tapos na klase!? T-teka! Wala man lang akong naintindihan!? Arrrrgghhh!!!! Nakainis talaga!

(Break Time)

"Anong nangyari sayo dyan!?" Bigla tapik sa akin ng kararating lang na si Shiina, tiniklop ko naman na ang libro ko at saka siya hinarap

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya habang binabalik sa bag ko ang libro ko naalala ko tuloy ang mga bulto ng homework na gagawin ko...ahhh...di na talaga ako aabsent...

"Nakatulala ka kasi, parang hindi mo naman binabasa yung libro kasi mula pa kanina ay nakatingin ka lang sa iisang page, bakit ba nakatulala ka lang diyan? May problema ba?" so kanina pa pala siya dito?

"Kung kanina ka pa pala diyan bakit di mo man lang ako nilapitan?" Inilabas ko naman ang laptop ko naisipan ko naman kasing gawin ang report namin para madali ko nang matapos yung iba ko pang homework

"Ginawa ko naman ah! Kaya nga ako nandito e" sabi niya ng may malaking ngiti atsaka umupo sa tabi ko sa ilalim ng paborito kong puno sa loob ng campus /tamabayan din namin

"Kahit kailan ka talaga-" ginulo ko naman ang buhok niya "siya nga pala asan na si Nicky? Nasa klase pa rin ba?"

"Ah wala na kanina pa tapos ang klase nila pinatawag lang siya ng Prof" sagot niya "balik tayo sa tanong ko, bakit ka nga nakatulala kanina? Parang ang lalim kasi ng iniisip mo? Care to share naman diyan!" Akala ko si Nicky lang ang palabiro, isa rin pala to!

Dahil sa tanong ni Shiina isang tanong din ang nabuo sa isip ko

"Shiina sa tingin mo ba this past few weeks ay may nagbago sa akin?" Pakiramdam ko kasi naging ibang tao ako mula ng makilala si Psycho dati naman kasi hindi ako madaling mapikon at lahat nang bagay ay nahaharap ko ng kalmado pero nang makilala ko si Psycho parang lagi na lang akong naiinis at ang hirap din kalmahin ang sarili ko kapag kaharap siya

"Hmmn...may naiba ba???" Tinitigan niya ako ng malalim na akala mo ay sinusuri ako ng mabuti "ah! Tama! May naiba nga sayo! Tumangkad ka diba! Atsaka mas humaba din buhok mo!" Mahinang batok naman ang binigay ko sa kanya, akala ko kasi sasagot siya ng seryoso e!

"Hindi sa pisikal na anyo!" *sigh* mali na nagtanong pa ako kay Shiina madalas nga palang lutang ang babae na to

"Hehe nagbibiro lang ako ang seryoso mo kasi, pero may napansin nga akong pagbabago sayo nitong mga nakaraang araw kasi parang mas gumaan ang aura sa paligid mo, nung una ka kasi naming makilala nung High school ay parang sobrang misteryoso ng aura mo, yung tipong parang ayaw mong mapalapit sa maraming tao" yun naman kasi ang totoo, hangga't maari ayokong magkaroon ng koneksyon sa tao kaya nga bilang lang din ang kaibigan ko

The White Queen(On Going Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon