Kapitel 16

3.1K 92 1
                                    

Pasensya na po talaga!!!>~< ang tagal bago ako tinantanan ng sabay na writer's block at procastination!

Sorry kong matagal akong di naka-update!

Babawi po ako Pramis!!!!

Yung drawing pala sa taas ang sout na damit ni Elie hindi ko na natapos dahil din sa procastination....^v^')>

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SECHZEHN~~

Elie's POV

"Just do the plan! And don't do any unnecessary things! And also you must never take this thing off, and remember to--" ako na ang pumutol sa kanya.

"Remember to call you right away if something happens! I got it already! Pang sampung beses mo na yang pinaalala!" Sobrang protective naman ng lalaking to!

Nandito ako ngayon sa loob ng isang itim na kotse habang hawak ko naman sa kamay ko ang invitation, itong invitation na ito ay ibinibigay lang sa piling tao na gustong imbitahan sa private illegal Auction na yun at mukhang madalas na mga kilalang tao ang nakakakuha nito, sobrang humanga nga ako kay Tsuki ng makakuha siya nito dahil sa source niya kaya napag-isip din nila na maaring isang tao lang din talaga ang nagpapalakad sa illegal auction na yun dahil hindi naging ganun kahirap ang pag-obtain sa invitation kaya malamang taga-kolekta lang ng mga 'merchandise' yung mga dark beings na kasama nila...

"Ma'am andito na po tayo..." Sabi ng driver tapos lumabas siya sa pinto at pinagbuksan ako, isang tao ang driver na ito na binayaraan lang para ihatid ako dahil ang susundo na sa akin pag-uwi ay sila Psycho, pinagpilitan niya talagang siya ang susundo para daw siguradong ligtas ako...

Bumaba naman ako sa kotse at nakitang mukhang isang lumang bar lang ang lugar pero maraming mga mamahaling sasakyan ang nagsisi-hinto sa harap nito ngunit umaalis din naman agad maliit lang kasi ang lugar kaya walang pwedeng pagparadahan, bakit kaya walang naghihinala sa kanila sa lugar na ito?

"Makakaalis na po kayo" sabi ko dun sa driver at yumuko naman siya sa akin, pagkapasok nang driver sa kotse ay sumunod naman ako sa mga ibang pang pumapasok sa loob na naka-pormal ding damit.

Sa likod kami ng bar dumaan at doon makikita ang dalawang malaking bouncer hindi sila dark beings mga normal na tao lang sila, nakakapagtaka nga e kasi wala akong maramdamang dark beings sa palagid... Sigurado bang ito talaga ang lugar o sadyang mahina pa rin ang pandama ko? Pero alam kong kahit papano ay bumalik na ako sa dati.

"Invitation Ma'am?" Sabi nung isang bouncer, inabot ko naman ang hawak kong invitation at agad niya itong tiningnan kinabahan pa ako nung sumulyap sa akin yung bouncer pero sinubukan kong kalmahin ang sarili ko...

"Tumuloy po kayo..." Pinagbuksan naman ako ng pinto ng bouncer at pagpasok ko ay agad nila itong isinara, wala nang balikan kung ganun...

Tumingin ako sa harap ko at nakita ang mahabang hagdan pababa na naiilawan lang ng mga puting kandila...

"Are you already in there?" Narinig kong tanong ni psycho sa earphone ko, umaasa kami ngayon sa teknolohiya dahil ayun kay Jessie may witch sa grupo nila at dahil sensitibo pagdating sa mahika ang mga witch hindi kami pwedeng mag mind-link dahil isa din itong uri ng mahika.

"Yeah." Maikling sagot ko dahil baka may nakakarinig sa akin at magtaka kung sino ang kausap ko.Sout ko ngayon ang earpiece na to para kahit papano ay marinig nila ang nangyayari sa paligid ko meron din itong maliit na camera pero mukhang dahil sa liit nito kailangan parin talaga nila siguraduhin ang nakikita nito.

Palihim ko namang inilibot ang tingin ko sa paligid napasimangot ako dahil sa sobrang pagtataka, meron akong kasunod nung pumasok ako sa lugar na ito pero ngayon ni hindi man lang ako makaramdaman ng presensya ng kahit isang tao...

The White Queen(On Going Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon