Chapter 67 - Special Chapter #1

5.5K 182 50
                                    

Malapit ng matapos ang Book 2 at hindi ko alam kung gagawa pa ba ako ng Book 3 sa totoo lang napapagod na ako pero andami ko talagang plano para sa story na ito, i need your side guys.. Ano ba? Gagawan ko pa ba ito ng Book 3? Huhuhu!

T_______T

**

Chapter 67
Special Chapter #1

Lorraine's Pov

"Tralalalalalalalla~ Tralalalalalal~ Nyahhahahahaha~"

"Manahimik ka nga Kate ingay nito kitang may ginagawa ako oh!"  bulyaw ko sakaniya, ang ingay kasi eh!

"Che! Mayabang porke maganda ang takbo ng lovelife! Ulol walang forever tssk!"  sigaw niya sa mukha ko, naiinis na kinaladkad ko siya palabas ng kwarto ko sigaw naman to ng sigaw

"A-ARAAAAY PESTE! VITCHIWAAAAN MO KOOO ARAAAAAY!"

Patapon ko siyang tinapon palabas ng kwarto ko kakairita kasi lakas mang-asar inuulit-ulit niya kasi ang paghalik na ginawa saakin ni Kurt. Isa pa yun bwisit na yun eh! Masyadong talandeee.

"BYE!"  sigaw ko at padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko, narinig ko pa itong nagsisigaw gawa para mapailing ako. San kaya pinaglihi ni Tita yun hinayupak na yun? Laki ng bunganga bwisit.

*RinggggRingggRingggg*

Napatingin naman ako sa phone ko nang mag ring ito, may tawag. Agad ko itong kinuha at tinignan kung sino. Si Aeyjie.

"Hell----

[Finally! God.. Bat ngayon mo lang sinagot?! Nag-alala ako sayo EL!]

Agad kumunot ang noo ko, Ay oo nga pala inis-snob ko nga pala siya kahapon. Wala eh nairita ako sa ginawa niyang hindi pagsipot saakin pero, okay lang atleast si Kurt ang naging datd ko kahapon.

"Ah..N-Napagod lang ako sa party."

[Ganun ba? A-Ah.. Yayain sana kita bukas, sa Villa namin.. Isama mo na rin ang family mo.]

"Huh? Para saan?"

[You'll see tomorrow, dress up properly magpaganda ka ng sobra ah? Okay i'll hang up na.. See ya tomorrow i love you.]

*TOOOTTOOOTROOOT*

What the heck?! Ano bang meron bukas?! Agad kong inayos ang isusuot ko formal attire lang ang peg ko bukas dahil panigurado nandoon ang pamilya niya. Saka inimbitahan ang Family ko eh tssk so including Kuya? Aish.

"Daming alam amff!"  mahinang singhal ko at bumaba sa sala, agad kong nakita sila mom and dad. Pumunta pala sila kahapon ng umaga sa kompanya kaya wala sila nung umaga, I'm save! 

Agad kong nginitian si Manang at nakisalo sakanila ako na lang pala ang wala.

"Lorraine nagsumbong ang pinsan mo saamin, inaway mo daw siya."  mataray na saad ni Mom

"At kinaladkad mo pa."  walang emosyon na saad ni Dad

Agad kong pinanliitan ng tingin si Kate na nakanguso habang nakatitig sa plato niya.

"Sumbongera!"

"Lorraine!!"

Napa-irap naman ako sa pagka-irita damn it. -_____-

"Kasalanan niya ang ingay ingay kasi tss.." 

"Wag mo ng gagawin yun sa susunod, hindi mo ba alam na aalis ulit si Kate at baka matagalan siya pagbalik tas ginaganyan mo lang?" 

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Kate na malapit ng umiyak

"TOTOO?!"

"Yes tas inaway mo pa!"  sabat ni Kuya naguilty naman ako gawa para lapitan ko si Kate at inalog-alog

"I'M SORRRRRRRYYYY!!! PLEASE DON'T LEAAAVEEE!!!"

**

KINABUKASAN

Maaga akong nagising dahil nga pupunta kami sa Villa ng mga Mcgarden aware na sila Mom and Dad at ready na rin sila sa baba, medyo naging close na rin ang mga parents namin dahil Model Buddy kami ni Aeyjie kaya malaki ang tiwala nila saamin.

*TokTokTokTok*

"Bumaba kana daw! Aalis na!"

"Okay! suaunod na ako tatanggalin ko lang muna ang phone ko naka charge kasi!" sigaw ko at nagmadaling kinuha ang pouch ko sa kamat at mabilis na sinuot ang killer heels ko, agad akong pumunta sa plug at hinila ang phone ko dun. May 1 message pero hindi ko yun pinansin, nagmadali akong bumaba at nakakunot lahat ang noo nila

"Kahit kelan ang kupad nito!"  bulyaw saakin ni Migs, nagmake facd lang ako sakaniya at sumabay kila mom pinuri naman nila ako at sabay-sabay kaming umalis sa Mansion

At dahil medyo malayo ang Villa nila nakatulog ako sa byahe.

"Gising na Lorraine nandito na tayo." 

Agad kong binuksan ang mata ko at mukha ni Bea agad ang nabungaran ko.

"Hmmm.."  ungol ko dahil sa nangalay ang likod ko, agad akong pinagbuksan ng pinto ng driver namin at sabay kami ni Bea'ang pumasok

"Where's Kuya?"

"Nauna na sila ng Mom at Dad mo, antagal mo kasing gisingin."  tango na lang ang naisagot ko sakaniya

Namangha agad ako sa Villa nila Aeyjie mayaman talaga ang loko tsk! Medyo marami ang tao at hindi ko kilala sila halos, pero halata sa mga mata nila na Japanese sila.

"Mga intsek pala ang mga tao dito eh! Tayo lang ang Alien!"  hagikhik ni Bea gawa para matawa ako

"Ah? Asan pala si Kate?"  tanong ko ng mapansin ko ito

"I don't know, may inaasikaso daw siya eh."

Napa-aahh na lang ako at agad ring nanahimik ng pumunta sa gitna ng mama't-papa ni Aeyjie. Halata talaga sa mga mata nila na Japanese sila tch..

"Goodmorning ladies and gentleman thank you for coming here. I know not all of you know the reason of this party but please let my son explain it to you." 

Agad kaming napatingin sa bagong parating its Aeyjie. Anf gwapo-gwapo niya sa suot niyang white tuxedo, halata talagang galing siya sa magarang pamilya. Pero sumisigaw talaga ang kaputian at kagwapuhan niya eh.

"Goodmorning everyone! Salamat dahil pumunta kayo dito specially sa mga Jones."  saad niya sabay tingin sa table namin

"Pinapunta ko kayo dito para mag farewell goodbye sainyo dahil malapit na kaming umalis sa bansa ni EL. Right EL?" 

Nanlaki ang mata ko ng tawagin niya ako kaya napa-Oo na lang ako sa gulat. Pero teka? malapit na kaming umalis sa bansa?!

"One month to go lilipad na kami ulit sa Japan at hindi namin alam kung makakabalik pa kami." 

Dug..Dug...Dug...Dug.....

"So kaya ko kayo pinapunta dito para doon at.....Gusto kong magsorry personally kay EL, i'm sorry kung hindi kita nasipot kahapon may inasikaso lang kasi ako saka nakipag-usap pa ako kay Manager kahapon tungkol sa pag-alis natin."

N-No... I don't want to leave.

"I know you're excited halata sa facial expression mo hahahah.. And oh, i have a song for you my one and only EL."

Kasabay nun ang pagpatay ng ilaw sa venue, at biglang may tumunog sa music.

"Hope you'll pay me back a love, EL." 

***

NASA IBANG BANSA NA PO AKO GUYS KAYA MABABAGO ANG ORAS NG PAGU-UPDATE KO NA NAKASANAYAN NIYO! SANA MAINTINDIHAN NIYO THANK YOU!

Good Kisser 2: No Longer A Good Kisser [SEASON2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon