Chapter 27

7K 196 18
                                    

Chapter 27
Secret Admirer

Lumipas ang tatlong araw at tatlong araw na si ring wala si Aeyjie sa Mansion namin well bumalik na siya sa pugad niya kasama ang pamilya kaya text-tawa-skype na lang ang ginagawa namin. Habang ako eto katabi si Bea busy kaming pareho habang inaasikaso ang mga pinasa samin ni Manager para sa Bluesight kaasar nga eh!

"Kaasar si Manager bat tayo pa ang pinapa asikaso nito grr.. Kitang Off natin sa trabaho eh."  i cry

"Trulalooo~ Tsk! Laging tayo ang napapansin nakuuuuu..."  sagot naman ni Bea at muling nagtype sa laptop ni kuya, ewan hineram niya ata

*TOK!TOK!TOK*

"Guys nansyan ba kayo?! Sabi ni Manang nandito daw kayo!"

Sabay kaming napatingin ni Bea sa pinto ng kwarto ko, agad din akong tumayo at pinagbuksan siya. Wow naka red si Babae anyare?

"Ampula mo ata? anong meron?"

Malapad itong ngumiti at tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto ko. Medyo nairita pa ito sa mga nagkalat na papeles.

"BRUHA WAG MONG TAPAKAN! HINDI YAN PHOTOCOPU ORIGINAL YAN!"  sigaw ko ng maapakan niya ang isang papel

"Arte nito anong akala mo sa paa ko?! Marumi! Excuse me..?"  maarteng irit nito at pabagsak na humiga sa kama ko

"Ano ba yang mga papel na yan? Nagmukhang basurahan na Class A tong kwarto mo Insan? ano ba yang pinagkakaabalahan niyo huh Bea?!"

"Mga papeles na ibinigay saamin ni Manager wala din kaming alam kung para saan to eh."  nakangusong sagot ni Bea, umuponaman si Insan sa kama at hinila ang isang papeles

Kunot noo niya itong binasa. "Haluh?! Akala ko ba OFF ang trabaho niyo?! What izz thizzzz?! Kailangan niyong pumunta sa kompanyang to para magpa sign! Omegesh!"

"ANO?!"  gulat na sigaw naming dalawa ni Bea

"Bobolecious niyo guys! Basa-basa sin kasi! Tingnan niyo yung ibang papeles na may tatak i mean may Corporation...Bale pupuntahan niyo yan para magpa-sign."

Laglag ang panga naming dalawa ni Bea at agad na sinunod ang sinabi ni Kate, hanggang sa maka-kolekta kami ng lima?

"Lima lang pero pare-pareho ng Corp. eh?"  saad ko

"Eh? Para saan tong...Ah i get it! Mga demo ito sa mga model at ibang supplies natin sa Bluesight! Bat hindi ko napansin?"  banggit ni Bea habang pinagkukumpara ang isang papeles sa isa niya pang hawak

So kung lima ang nakolekta namin? Anim lahat plus sa hawak ni Insan!

"Kate anong Corporation yang hawak mo?"

Takhang tumingin to sakin "Huh? Hindi ako naghahandle ng business--

"TANGA! I mean yang hawak mo!"  iritadong singhal ko, natatawang hinarap niya ang papel na hawak at ganun na lang ang paglaki ng mata niya

"O-OMY!" 

"HOY BAKET?!"  sigaw ni Bea sabay lapit kay Insan

"Haluh same sa papeles na nakolekta natin? Teka nga.....Hindj familiar ang Corp. na yan? Bago ba yan?"  takhang tanong ni Bea sa nakangangang Insan

"Oo....B-Bago!" 

"Ano ba kasi yan!"  iritadong baling ko sabay kuha sa kamay niya ang papel

Kyumi Corporation?

Teka... Familiar to ah....Parang napuntahan ko na toh!

teka asan nga yun?

*Tok!Tok!Tok*

"Hoy Lorraine buksan mo tong pinto! may nagpadala ng letseng pulang box dito ano bato?!!"

Agad akong lumapit sa pintuan ng kwarto ko at pinagbuksan si Kuya, May hawak tong maliit na red box tama lang para sa sapatos pero malapad to.

"Ano yan?"

"Baka pagkain?"  pambabara niya, naiinis na kinuha ko sa kamay niya ang box at padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko

"KAHIT KELAN KA TALAGANG PANGIT KA! MUNTIK MATAMAAN ANG MUKHA KO!"

"Hahahaahaha.." tawa nila Kate at Bea napailing nalang ako sakanila

"Ano bang nagustuhan mo sa lokong yun Bea?"  iritadong ani ko, natatawang nagkibit balikat to

"Ano yang hawak mo? Pulang-pula ah!"  natutuwang ani ni Insan

"Oo nga eh, para sayo siguro.. Terno sayo oh."  sagot ko sabay tingin sa red na box

Agas kong kinuha ang card na maliit dun.

To: Forever Ko <3
From: Secret Admirer

Sana magustuhan mo to, gusto kong isuot mo yan sa friday sa mismong birthday ni Kaizer. :) Wag masyadong magpaganda.. Seloso pa naman ako.

PS. HULAAN MO KUNG SINO AKO :P

Nakataas ang kilay ko habang binabasa ang nasa card at sinong jejemon ang abnormal na magbibigay nito saka ano?! Birthday ni Kai?!

"Birthday ni Kai sa Friday?!"  gulat na sigaw ko

Natameme naman si Insan at medyo namutla tss..

"Anong araw naba tayo ngayon?"  tanong ni Bea na busy habang inaayos ang nagkalat na papeles sa lapag ng kwarto ko

"T-Tuesday?"  patanong na sagot ni Kate na namumutla ano bang problema ng babaeng to?

Imbes na mang-intriga sa buhay niya binuksan ko na lang ang red na box at halos mapamura ako ng Latin ng makita ko ang nasa loob nito.

SILVER GOLD NA NECKLACE?! ANG DESIGN IS KEY AS IN SUSI??? PARA SAAN TO?!

Good Kisser 2: No Longer A Good Kisser [SEASON2]Where stories live. Discover now