Chapter 1

11.1K 304 7
                                    

Chapter 1
Philippines

"Yes Manager.. Kakarating lang po namin sa NAIA 3 yes Manager. Okay po i'll tell her okay bye."

Nakatitig lang ako sa labas ng Airport nasa loob pa kasi kami at bahagyang tumigil para ma contact ni Bea ang Manager namin na nasa Japan. Finally! Naka-balik na rin ako sa Pinas after how many years.

"Sabi ni Manager i-hello mo daw siya sa mom and dad mo." ngiting sambit ni Bea at muling hinila ang maleta niya ganun din ang ginawa ko

"Hindi pa rin ako makapaniwala..Nasa Pinas na talaga ako Finally." mahinang sabi ko, bigla itong humalakhak habang naiiling

"Me too... Gusto kong dalawin ang family ko sa Davao." she said,

"Okay then, that's a good idea..Hmmm, diretso tayo sa Mansion ngayon gusto kong i-surprise sila Mom." ngiting pahayag ko, tumango naman ito at sabay kaming lumabas sa Airport

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas kami sa loob. Agaw pansin kasi kaming dalawa dahil sa balot na balot kong suot, hindi naman ako ganun ka sikat na talagang hahabulin ng media tama-tama lang..Model lang naman ako sa ibang branches eh kaya okay lang kung umalis ako ng hindi nagdi-disguise kasi hindi naman ganun ka hassle pero hindi pa rin maiiwasan ang mga mapanuring mata ng mga tao. Napapikit ako habang dinadama ko ang simoy ng hangin ng pinas, super init kaya hindi ko maiwasang hindi pagpawisan buti na lang agad pumara si Bea ng taxi.

"Lorraine na text mo naba ang Mom mo o kaya ang Kuya mo?" biglang tanong ni Bea sa gitna ng byahe

"Hmm..Hindi bakit naman?" imbes na sagutin nagkibit balikat lang ito.

Beatrice Marie Martis is my personal assistant at super close talaga namin sa isa't-isa. 4 years na ang friendship namin at dun kami nagkakilala sa Blue Sight, may isa pa kasi akong friend or should i call...Boy Friend, oh no...Hindi yung Boyfriend na magsyota ah?? nah....The other one.

Aeyjie Mcgarden, he's my boy friend at siya rin ang dahilan kumbakit ako nakapasok sa Blue Sight. Remember 5 years ago nung binaby sit ko si Keith na kapatid ni Err--Kurt? Yeah...Yung lalaking nakasabayan ko sa elevator yung hindi ako pinansin at mukhang seryoso? Siya yun. Small world right? Matagal na siyang Model sa Blue Sight as in mas matagal pa siya sakin ng 2 years, long story talaga ang pagkakakilala namin nun basta. Para sakin siya ay BOY-NEXT-DOOR at siya ang naging sandalan ko habang nagmo-move on sa mga panahong mahina pa ako.

"Hey nag-text sakin si Aeyjie tinatanong ako kung bakit hindi ka daw ma-contact." napa-angat ako ng tingin kay Bea na nakadungaw sa phone niya. Agad ko hinalughog sa bag ko ang phone at binuksan ito. At 5 miscalls ang bumalandra saki. at lahat ng yun ay kay Aeyjie. Walang sabi-sabi ako na mismo ang tumawag sakaniya at dalawang ring pa lang sinagot niya na ito agad.

[Finally! How's the flight EL?]

"Hmm..It's okay, medyo may jet log pa ako but i'm fine don't worry. Papunta na kami sa Mansion."

[How sad hindi ako pwedeng sumunod sayo agad si Manager kasi eh...But i promise, susunod dun ako soon.]

Napangiti naman ako ang sweet talaga ng mokong nato. "Really?" kagat labi kong sabi "Then...Bilisan mo na, ayokong may nami-miss." patuloy ko,

[Tss..Wag mo kong paasahin sa dila mo EL, you know how i hate it.]

Humalakhak ako ng sobra ng sumeryoso ang boses niya, napatitig naman sakin si Bea at sinenyasan akong tumahimik. Ngumisi lang ako at inirapan siya.

"I'm not Aeyjie! Hahahaha, wag ka ngang magpatawa. I'm damn serious here." bulalas ko

[Edi nye hahaha..Wala pang isang araw nami-miss ko na ang tawa mo tsk..Nandito pala ako sa condo mo opps~]

Good Kisser 2: No Longer A Good Kisser [SEASON2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon