Chapter 45 - Hurting </3

7.7K 173 53
                                    

Author's Note: Hello! ^__^ Grabe. Binasa ko ulit tong story na to, tapos natatawa ako dun sa mga mali kong grammar at mali mali kong spelling. Pasensya naman. Hahaha. Anyways, wag kayong masyadong mag-expect sa update na to ha? Hahatiin ko kasi yung naisip ko na mangyayari. Ayun :) Huhuhuhu malapit na concert ni Quen :'< SINONG PUPUNTA? 

Natawa ako dun sa picture ----> Credits to the owner :)

---

Julia's POV

Kararating ko lang sa school. Hindi na nga ako sumabay kay Katsumi dahil ang bagal bagal niyang kumilos. At isa pang dahilan kung bakit ako nagmamadali ay dahil iniiwasan ko si Quen. Nag-insist siyang ihatid ako, kaso ayoko talaga. Natatakot ako. Sobrang pagkabog na naman kasi ang inihatid niya sa puso ko nang sabihin niya ang mga katagang iyon kay Tita. Ang sarap pakinggan. Pero ang hirap paniwalaan. 

"Julia!" 

Nilingon ko ang taong tumawag sa akin. And to my surprise, ang nakangiting si Sam lang pala.

"Hi Sam! Good mood ka ata ngayon?"

"Nakow hindi ah!" Bigla siyang sumimangot. "Aga aga nga, may nanira na agad ng umaga ko e."

Nacurious naman ako bigla. "Sino naman?"

Sam smiled at me. "Di mo na kailangan malaman. Haha! Nakita mo ba si Enrique? Kailangan ko kasi siya sa social hall."

"Uhm, baka nasa bahay pa yon. Bakit? Anong meron?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Bakit naman kasi bigla nitong kakailanganin si Quen, diba? 

"Di mo ba alam? Tsk! Freshmen Night natin sa Friday. Inatasan kaming mga dance club na mag present ng dance number."

"Talaga?!" Mukang exciting ah! Freshmen Night? Yun siguro yung party party moment ng mga freshmen! Edi kasali ako dun. XD

"Hindi naman siguro maga-actingan ang drama club don, ano?" Baka kasi mamaya, magtanghal na naman ang club namin! Ayoko na no. Nakakahiya na! Pero at the same time, nakakaproud pa din. 

"Hindi na. Pero yung last scene niyo ni Quen sa play, itatanghal niyo ulit." Natatawa nitong sabi. 

"WHAT?!" Feeling ko namumula na ako sa harap ni Sam habang tawa siya ng tawa sa reaction ko! Naalala ko na naman kasi yung last scene namin ni Quen sa play. Nakakaloka! 

"Joke lang Julia!" Tumigil na rin siya sa pagtawa. "Pag nakita mo na lang si Quen, sabihin mo pumunta siya sa social hall ha? Bye." Ginulo niya ang buhok ko bago tuluyang umalis. 

Nakakainis talaga si Sam! Kailangan ba talagang ipaalala yon ha? Nakakahiya e. Tsaka, kasalanan niya nga yun e! Kung di siya umalis sa play, hindi dapat si Quen ang partner ko. Haha. Pero on the second thought, ayos na din pala. Atleast si Quen yung partner ko!

Ugh. Kung anu-ano na namang pagpapantasya ang iniisip ko tungkol kay Quen! Kailan ko ba marerealize na wala ding patutunguhan to. Kasi iba naman talaga ang gusto ni Quen. Argh. 

"Julia!"

"Bakit Sam? May nakalimutan ka---Jeron?"

O______O

Kumaway ito habang nagtatakbong lumapit sa akin. Uh oh. Mabait naman si Jeron e. Kaso pag naaalala ko talaga yung napag-usapan namin ng gabing yon, dun nagsimulang magkaron ng awkward atmosphere. Haist! 

In a Relationship with Mr. Ice PrinceWhere stories live. Discover now