Chapter 6 - Ibabalik ko na lang yung Kiss.

12.7K 176 16
                                    

Lester's POV

"Nakita niyo ba si Quen?" Tanong ko sa mga grupo ng mga babae dito sa party. Umiling lang sila. Kanina ko pa hinahanap ang mokong na yun e. Asan kaya yon? =___=

"Wait Juls, nakita mo si Quen?" hinigit ko si Julia. Teka, bakit ang haggard niya? Tsaka medyo nawala yung make-up niya. "Ano nangyari sayo?"

"Ahhh." Parang may mali sa reaction niya. "N-Nasa labas si Q-Quen." Pagkatapos niyang sabihin yon ay agad rin siyang umalis. Lumabas na ako ng Pool area at hinanap si Quen. Sa wakas, nakita ko rin siyang nakaupo sa may gilid.

"ENRIQUE!" Tawag ko sakanya.

He looked back. Sheet. Yung itsura niya! Alam niyo yung mata ng hindi natulog ng isang linggo, ganun yung mata niya. Muka siyang inaantok. Taena alam ko na to!

"May tama ka! Sheet. Sabi ko sayo wag ka masyado uminom ng alak e. Baka may minalas nang nahalikan mo." Itinayo ko siya at iniakbay ko ang isang braso niya sa akin. Ang bigat talaga neto.

"Ilang kilo ba ng kanin kinakain mo ha?" Medyo nilalayo ko siya sakin. Baka ako mahalikan niya e. Ganyan kasi yan si Quen, pag nalasing manghahalik na lang basta basta. Parang si Paul John >//< Pero isang inom lang niyan ng kape, mawawala na amats niyan.

"Teka nga. Bili kitang kape." Buti na lang may vending machine dito ng kape kaya naibili ko siya at ipinainom ko agad yun sakanya. Mukang ewan na itsura niya e.

"Sakit ng ulo ko." Sabi niya nang medyo mahimasmasan. Napahawak pa sa sentido niya. "Anong nangyari bro?"

*POK*

"May amnesia lang pare?"

"Gagu. Hind-- Taena! Yung juice na ininom ko kanina! May alcohol ata. Sheeet. Nahalikan ba kita?" Umiling lang ako.

"Feeling ko di naman ako inatake ng sakit kong yon ngayon." *sigh* Mabuti naman kung ganon. Minsan lang naman kasi siya atakihin ng sakit niya e. Minsan pag nasobrahan sa alak, minsan pag trip niya lang tsaka minsan choosy pa siya sa hahalikan niya. Haha.

"Bro, yung task mo para maging official member ng Alpha G ha, bukas na yon. Sasapakin kita pag di ka nagpakita sakin." I closed my fist tas kunwari sasapakin ko siya. Tumawa lang ang loko =___=

"Oo na bro." Tsaka siya tumayo at bumalik na papasok ng pool area.

Bukas, bukas na ang simula ng 1 month task. Kung hindi mo kayang mag move on kay Coleen, ako ang tutulong sayo. Sorry Julia.

---

Enrique's POV

In a Relationship with Mr. Ice PrinceWhere stories live. Discover now